Chapter 9- Revenge

2965 Words
Lanie's Pov: Magaang-magaan ang pakiramdam ko habang nagkakape dito sa teresa. Gusto ko sanang lumabas ng silid ko para tingnan ang nangyayari sa labas o kaya ay para makasagap ng balita pero baka mahalata ako ni Kuya kapag ginawa ko iyon. Hindi katulad kahapon ay maaga akong nagising ngayon. Alas syete pa nga lang ng umaga pero nakaligo na ako at nagkakape na ako. Tiningnan ko ang direksyon ng tubuhan. Wala man lang mag-aakalang may itinago akong motorbike sa kasukalan niyon. At ni kahit tabasin ng kung sino ang mga tubo ay hindi nila agad makikita ang bagay na iyon doon. Mabilis na nakabalik ako ng mansyon kagabi. Medyo nahirapan lang akong makabalik sa silid ko dahil sa nadagdagan ang mga agent na nasa tapat ng silid pero nagawa ko pa ding makaakyat dito sa itinakdang oras. Itinago ko ang mga papeles na nakuha ko Club Hera at inayos ang sarili. Kahit sukang-suka ako sa amoy ng beer kagabi ay hinayaan ko na lang. Nakatulog agad ako at ni hindi ko na naramdaman ang pagdating ng mga agent ng Prime Crime. Napatingin ako sa pinto nang may kumatok doon. "Miss Lanie?" tawag ng boses. Boses ni Royce iyon. "Pasok." Unti-unting bumukas ang pintuan at iniluwa niyon ang lalaki. May hawak s'yang tray na naglalaman ng mga pagkain. "Baka po gusto n'yong kumain? At gusto n'yo din ng kasabay?" May pag-aalinlangan sa mukha n'ya. Pinigilan kong hindi mapangiti nang may maisip. "Sure." Itinuro ko ang upuang nasa harap ko. Agad na lumapit sa teresa si Royce at inilapag sa lamesa ang tray na dala. Inilagay n'ya sa tapat ko ang pagkaing para sa akin. May ilang sliced banana at papaya pa na nasa bowl. May chicken soup din na umuusok pa. "Nasabi po sa akin ni Sir Sage na lasing na lasing kayo kagabi kaya nagpaluto s'ya ng soup para sa inyo." Inusog n'ya ang bowl ng soup. Napangiwi ako sa narinig. Lasing na lasing? Talagang naniwala si Kuya sa nakita n'ya kagabi? Pinasadahan ni Royce ang buong silid. "Mukha nga pong madami ang nainom n'yo. Amoy na amoy ang alak sa buong silid!" Nasamid ako sa kapeng iniinom. "May problema po ba? May hang over po ba kayo?" concern na tanong pa n'ya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis. "Wala. Wala, okay lang ako," sabi ko at pinagtuunan ng pansin ang soup na dala n'ya. Kailangan ko tuloy panindigan na may hang over nga ako. "Sandali lang po." Tumayo si Royce at ibinukas ng maluwang ang glass door. Itinali din n'ya sa magkabilang gilid ang mga kurtina. "Ayan po, panatilihin n'yo na lang na nakabukas muna ito para mawala ang amoy ng alak sa silid n'yo." "Oh, salamat." Pinagtuunan ko ng pansin ang western breakfast na dala n'ya. Dumiretso sa ref si Royce. Tiningnan n'ya ang laman niyon bago muling naupo sa harapan ko. "Naku, naubos na po pala ang alak sa ref n'yo. Isang bote ng wine na lang ang natira. Gusto n'yong pong lagyan ko ng stocks ng beer ang ref n'yo?" Nagkandasamid-samid ako sa narinig. "Ay, sorry po. Madaldal po ba ako masyado?" Inabutan n'ya ako ng tubig. Sobra. As in sobrang daldal! Gusto ko sanang isatinig iyon pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan kong makuha ang loob n'ya. "No. Okay lang." Inilapag ko ang kutsarang hawak. "Alam ko namang ginagawa mo lang ang utos ng kapatid ko, hindi ba?" "Po?" Gulat na gulat na tiningnan n'ya ako. Nagkibit ako ng balikat at hinawakan ang kutsilyo. Namumutlang napatingin doon si Royce. "Hindi ba at totoo naman?" tanong ko. "Hindi ko lang alam kung bakit isa pang agent ng Prime Crime ang inutusan n'yang magbantay sa akin. Pwede namang s'ya na lang..." "Naku, busy po si Sir sa Intelligence Department ng Prime Crime." Tumaas ang kilay ko pero hindi ko ipinahalatang interesado ako sa narinig. Nagpatuloy ako sa pagkain at ganoon din ang ginawa ni Royce. Nang makitang patapos na s'ya ay saka ko isinagawa ang plano ko. "Madami akong agents na nakita kanina. May nangyari ba?" "Po?" Natigilan s'ya. "Alam mo naman siguro kung sino ako at ano ang dahilan ng pananatili ko dito, hindi ba? Sapilitan ang pagdadala sa akin dito ng Kuya ko." Alanganing tumango s'ya sa akin. "Opo." "Pero kung ayaw mong sabihin, okay lang. Curious lang naman ako sa nangyayari sa paligid ko." "Ano po kasi..." Tumingin pa muna s'ya sa nakasarang pinto. "May nanabotahe sa plano ng Team 2 ng Prime Crime kagabi." "Nanabotahe? May nangyari ba kagabi?" Tumango s'ya. "Lasing po kayo kaya maaga kayong nakatulog. Iyon nga po, may misyon ang Prime Crime kagabi pero naunahan na sila ng kung sino." Naghintay pa ako ng iba pa n'yang sasabihin pero wala na s'yang ibang sinabi. "Tapos na po ba kayo? Dadalhin ko na ito sa kusina," sabi ni Royce at itinuro ang mga platong ginamit namin. Napatango na lang ako. Malayo na ang nararating ng isip ko kaya hinayaan ko na s'ya sa ginagawa n'yo. "Sandali," pigil ko nang palabas na s'ya ng silid. "Po? May kailangan pa po ba kayo Ms. Lanie?" "May gym ba dito?" I asked. Agad na nagliwanag ang mukha ng lalaki at muling lumapit. "Opo. Meron po at sobrang laki. Kompleto pa sa lahat ng kailangan. Nasa unang palapag po. Sa malapit sa swimming pool." Tumango ako. "Salamat." "Maggi-gym po ba kayo? Pupunta din po ako doon pagkatapos ko dito. Hihintayin ko na lang po kayo doon." Tumango na lang ako at hinayaan na s'yang makaalis. Nag-tooth brush muna ako bago nagpalit ng damit. Isang white crop tee-shirt ang pinili ko at isang itim na leggings. Itinali ko ng maayos ang sintas ng puting sapatos na pinili kong isuot. I wore the ear piece and contacted Anonymous. Sa unang ring pa lang ay sinagot na n'ya. "Good morning, Mi Amor!" "Anong balita d'yan?" Napapalatak s'ya. "Ako ang dapat na nagtatanong sa'yo ng bagay na iyan. Now, anong balita d'yan? May nakuha ka bang impormasyon?" Naupo ako sa kama. "Wala. Tikom ang bibig ng mga tao dito at alam ko namang hindi din nila sasabihin sa akin ang gusto kong malaman hangga't hindi ako parte ng imbestigasyon." Hindi s'ya nagsalita. "Sa mga larawan at papeles na nakuha natin kagabi, may balita ka ba sa mga iyon? May nahanap ka ba?" tanong ko. "Katulad ng inaasahan natin..." He paused for a while. "Isa sa maraming drug laboratories ng Incubus ang Club Hera. Kung hindi dahil sa mga nakita ko sa dark net ay mahihirapan akong iugnay ang ilegal na produksyon ng droga sa Club Hera sa Incubus." "Ibig sabihin ay maiisara ang laboratory at mananagot sa batas ang mga locals na may kinalaman doon, hindi ba?" "Yes. Sapat na ang mga nakuha nating ebidensya laban sa mga malalaking tao sa Candelarya na sangkot sa Club Hera. Agad na masasampahan sila ng kaso sa pamamagitan niyon. At hindi lang iyon, sa oras na maidagdag natin ang mga ebidensyang nakuha natin ay mas bibigat ang kasong pwedeng isampa sa Incubus sa International Court," mahabang salaysay n'ya. "Pero hindi magagawang magsampa ng lokal na kapulisan sa Club Hera dahil kulang ang ebidensyang nakuha nila, hindi ba?" Nangingiti ako nang maisip ang bagay na iyon. "Bingo!" His finger clicked. "We can strike a deal with General Levi para sa hawak nating mga ebidensya." "Kulang pa iyon. Kailangan natin ng iba pa para mas makuha natin ang tiwala ni General Levi," sabi ko. "Gusto mo bang sabihing kakalabanin mo ang Prime Crime to earn their respect?" Anonymous' voice thickened. I sighed. "Hindi. Gusto ko lang ipakita sa kanila na wala silang dahilan para tanggihan ako sa oras na hilingin kong isali nila tayo sa ginagawa nilang imbestigasyon." S'ya naman ang bumuntong-hininga. "Sige but not tonight. Hindi pa tayo nakakasiguro kung kinagat nga ng kapatid mo ang inihain mong pain kagabi." "Bakit? May nakita ka bang iba pang pagkilos ng Incubus o ng kahit galamay ng organisasyong iyon?" Nangunot ang noo ko. "Tama tayo ng hinala sa umpisa pa lang, Mi Amor. Incubus and the Prime Crime is having an all out war. Nakabase sa bansa mo ang karamihan sa galamay ng Incubus and Prime Crime are doing their best para pilayan ang Incubus para tuluyang lumabas si Juan Luiz." Pagkumpirma n'ya sa matagal na naming hinala. Juan Luiz, iyon ang pangalan na halos isumpa ko. "Sa bayang katabi ng Candelarya ay may pabrika ng sabon. But, katulad ng Club Hera ay mukhang front lang iyon ng ilegal na gawain ng Incubus doon. Ipapadala ko sa'yo ang lahat ng impormasyon pagkatapos nating mag-usap. But bukas na natin isasagawa ang planong ito. Hindi tayo makikialam sa pagkilos ng Prime Crime ngayong araw," Anonymous reminded me. Natahimik ako. Mabilis na rumehistro sa isip ko ang lahat ng impormasyong nakuha namin sa loob ng limang taon. Lahat-lahat. "Prime Crime... They're playing a very dirty and dangerous game right now. Mukhang sinasayaw na din nila ang tugtugin ng Incubus," dagdag pa n'ya. "When are you going here?" tanong ko. "As soon as possible, Mi Amor. May mga impormasyon pa lang akong hinihintay na makuha," agad na sagot n'ya. "And the microchips?" "Still searching... Alam mo ding hindi lang tayo ang naghahanap sa mga microchips, nagpapaunahan din doon ang Incubus and of course, ang Prime Crime." Amusement ang nasa boses n'ya. "Nakahain na din ang trap para sa nag-iisang apo ni Juan Luiz." "Sa palagay mo ba ay may ideya ang Prime Crime tungkol sa kanya?" I asked. "As Juan Luiz' only granddaughter, yes pero tungkol sa microchip, hindi ko alam. Maaaring mayroon lalo na at naging espiya sa Incubus ang Lyndon na sinasabi mo. But tungkol sa trap na inihain natin, nasisiguro kong wala. Alam mo namang wala silang makukuhang mabahong impormasyon about sa Alpaca, hindi ba?" Tumawa s'ya pagkasabi niyon. "Kahit sa dark web ay wala silang mahahanap tungkol doon." Napahinga ako ng malalim. May bagay na ikinalamang namin sa imbestigasyon ng Prime Crime pero mas nanakit ang ulo ko sa katotohanang iyon. "Oo nga pala..." Katulad ng kinasanayan n'ya ay hindi n'ya itinuloy ang sasabihin. "What?" asik ko na ikinahalakhak n'ya. "About this Wilemna Salazar..." Kumabog ang dibdib ko sa pangalang narinig. "Nakita mo na ba s'ya? Even Sage can't find her!" "Hindi ko pa s'ya nakikita, Mi Amor. Kung si Maser ay nahihirapan sa paghahanap sa kanya, nasisiguro kong ganoon din ang mangyayari sa akin." Napatayo ako at tinungo ang ref. Kumuha ako ng bottled water doon at uminom. "Then... Anong nahanap mo tungkol sa kanya?" Muli s'yang nagsalita sa lenggwahe n'ya. "What the hell?" Nauubusan na ako ng pasensya. Anonymous ranting in Russian means frustration. Frustrated s'ya sa mga nakita, nahanap o nalaman n'ya. "Hindi ka maniniwala. This is more than coincidence! Alam mo bang s'ya si Walts?" "Waltz?" balik-tanong ko. Waltz? Bakit pakiramdam ko ay pamilyar ang pangalang binanggit n'ya? "Yes. Waltz, ang isa sa humahawak sa microchips na ilang taon na nating hinahanap." Nasamid ako sa sarili kong laway. "Yes, it's her, Mi Amor. Ngayon ay alam na natin ang dahilan ng paghahanap sa kanya ng Prime Crime at ng kapatid mo," kumpirma n'ya. Nahilot ko ang sentido ko. So, all along ay alam ni Sage ang tungkol sa mga microchips at iyon ang dahilan kaya hanggang ngayon ay hinahanap n'ya ang babae. Confidential... Iyon ang salitang ginamit n'ya. Napailing na lang ako nang ma-realize na hindi ko talaga mabasa ang iniisip ng kapatid ko. Pakiramdam ko ay mas lalo s'yang nagiging estranghero sa paningin ko. "Ano ang plano mo ngayon?" tanong n'ya mula sa kabilang linya. Tiningnan ko ang pinto. "Aalamin ko kung kailan ko makakausap si General Levi." "Mi Amor." Naging seryoso ang boses n'ya. "Hindi lang ang Prime Crime ang kumikilos. Maging ang Incubus ay gumagawa na ng paraan para burahin ang Prime Crime. Kilala na nila ang isa't-isa kaya kailangan na nating makipagtulungan sa Prime Crime. Para sa mga kaibigan mo at para sa ama ko..." Napapikit ako nang marinig ang pag-crack ng boses n'ya. "Huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong bago matapos ang araw na ito ay malalaman ko ang schedule ni General Levi at gagawin ko ang lahat para isali n'ya tayo sa imbestigasyon," matatag ang boses na sabi ko. Nagpaalam na ako sa kanya at lumabas na ng silid. Katulad ng sabi ni Royce ay dumiretso na ako sa pinakaunang palapag. Agad kong nakita ang malawak na swimming pool. Binaybay ko iyon at nakita ang salaming dingding ng gym na tinutukoy ni Royce. Ilang agents ang nandoon at nag-e-exercise na. Royce saw me. Agad na tumakbo s'ya palabas. "Miss Lanie! Kanina ko pa po kayo hinihintay," sabi n'ya. Nakapang-gym na damit na din ang lalaki. Tinanguan ko lang s'ya at pumasok na ng gym. Maluwang iyon at tama nga si Royce. Kompleto ang laman ng gym. Mula sa iba't-ibang laki at bigat ng weights hanggang sa mga treadmill. May sariling boxing ring din na nasa pinakagitnang bahagi ng lugar. Maluwang, malaki at hindi mainit. Ilang agent na nag-eehersisyo ang tumingin sa akin. Agad na nag-iwas ako ng tingin nang makita ang grupo nina Yshmael at ang mga kaibigan n'ya. Ni hindi ako tiningnan ng lalaki kahit na kinawayan ako nkna Greyson. Nanatili s'yang sumisipa sa isang punching bag na nasa harapan n'ya. Tinanggal ko sa isipan ko ang namamawis at hubad na katawan ng lalaki. Lahat naman ng agents na nandito ay mga walang suot na pang-itaas pero mukhang ang katawan lang n'ya ang nakakuha ng atensyon ko. "Saan n'yo po gustong magsimula?" Agaw ni Royce sa atensyon ko. Itinuro ko ang boxing ring na wala pang gumagamit. "Gusto mo po doon?" Kumakamot sa ulong tiningnan ako ni Royce. Matangkad ang lalaki kahit pa mas bata s'ya sa akin. Malaki din at maganda ang katawan n'ya kahit pa nakasuot s'ya ng t-shirt. S'ya din lang ang tanging nakasuot ng pang-itaas sa mga narito. Agad na lumapit ako sa boxing ring at umakyat doon. Walang nagawa si Royce kundi sumunod sa akin. Wala s'yang choice dahil ako ang misyon na ibinigay sa kanya ni Kuya. Nagsimula akong mag-warm up. "Kakalabanin mo po ako?" Problemado ang itsura ni Royce pero nagsimula na din s'yang mag-warm up. "Walang rules. Sa oras na makatatlong beses na tumumba ang isa sa atin, iyon ang talo. Gets?" Inikot-ikot ko ang ulo ko. "Opo... Pero Miss Lanie..." "You're not naive, Royce," putol ko sa sasabihin n'ya. "Alam kong alam mo na hindi ako nagpunta dito para magbakasyon. Alam ko ding alam mo na I'm not here to play. Iyon ang dahilan kung bakit ako pinababantayan ng kapatid ko, hindi ba?" Agad na nawala ang inosenteng mukha ng lalaki. "Kung ganoon ay anong mangyayari sa matatalo?" Napaismid ako sa kaswal na pakikipag-usap n'ya sa akin. Hindi ko talaga pwedeng maliitin ang kakayahan ng bawat agent ng Prime Crime. "Isang matinong sagot," sabi ko at inihagis sa kanya ang isang set ng boxing gloves. "At sisiguraduhin kong ibibigay mo ang sagot na gusto kong marinig..." "Si General Levi," dagdag n'ya sa sinabi ko. Mukhang hindi ako nagkamali ng basa sa kanya. "Oras at araw ng dating n'ya,"pagtatapos ko. Humanda na ako. Patalon-talon akong umiwas nang umatake si Royce. Mabilis ang reflexes n'ya bukod sa mahahaba ang mga braso n'ya. Nang muli s'yang umatake ay agad na itinapak ko ang kaliwang paa sa dibdib n'ya. Nabigla s'ya kaya nagawa kong iangat ang sarili ko. Inipit ko ang leeg n'ya sa mga hita ko at pwersadong ibinalibag ang lalaki. Natumba s'ya sa sahig. Agad na kumuha ng atensyon ang ginawa ko. Nagsilapitan ang mga agent na kanina lang ay abala sa kani-kanilang exercise. Muling tumayo si Royce at sinipa ang paa ko. Nagpadulas ako para makaiwas. Naka-split na nahiga ako at agad na tumayo. Royce attacked again. Napaingit pa ako nang tamaan ng suntok n'ya ang kanang balikat ko. Muli s'yang sumuntok at nakaiwas ako kahit paano. Sumugod ulit s'ya pero agad na nahawakan ko ang kamao n'ya at hinila s'ya. Sinubukan n'yang kumawala pero nakaikot na ako sa likuran n'ya. I kicked his knee kaya agad na napaluhod ang lalaki. Hindi ko na s'ya binigyan ng pagkakataong tumayo. Tinadyakan ko s'ya sa balikat kaya agad s'yang napahiga sa sahig. Muling tumayo si Royce. Sinapo pa n'ya ang balikat n'ya. Wala akong nakikita sa mukha n'ya kundi amusement. Ako na ang sumugod. Nagawa n'yang maiwasan at sanggahin ang mga suntok ko. Bago pa ako makalayo ay nahila na n'ya ako at naibalibag sa sahig. He attacked again pero mabilis na nakatayo ako at dumistansya sa lalaki. Kumilos s'ya. Agad na binigyan ko s'ya ng flying kick. Bumagsak sa sahig si Royce. Hawak-hawak pa n'ya ang baba n'ya. Nagdugo din ang labi n'ya. Palakpakan ang narinig ko sa paligid. Hindi ko na sila pinansin at lumapit sa nakahiga pa ding lalaki. Niyuko ko ang nakangising agent. "Alam ko ang ginawa mo," sabi ko. "Kung hindi mo din pala seseryosohin ang laban natin ay sana ay ibinigay mo na lang ang impormasyong hinihingi ko." He chuckled. "Sa isang araw ang dating ni General Levi. Exactly at twelve noon." Tumayo na ako at bumaba ng ring. Hinubad ko ang gloves na suot. I saw Yshmael. Nakahawak na s'ya ngayon sa punching bag na kanina lang ay sinusuntok n'ya. Sinalubong ko ang mga mata n'ya. Tinumbasan ko ang lamig ng mga iyon. S'ya na din ang naunang nagbawi ng tingin. Muli n'yang itinuloy ang ginagawa n'ya at mas lumakas pa ang mga sipa n'ya. Dumiretso na ako sa pintuan ng gym at lumabas. Para sa mga kaibigan mo at sa ama ko... Hanggang ngayon ay naririnig ko pa din ang boses ni Anonymous. Tama ang sinabi ko kay Royce kanina. Tama din ang hinala nina File at Kurt, ganoon din ang kinatatakutan ni Kuya Sage. I'm not here to play. I came back to get even. I'm here for revenge. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD