Lanie's Pov:
The clock hits midnight.
Kasabay nang pagmulat ng mga mata ko ay ang pag-vibrate ng burner phone na nasa kamay ko. Agad na isinuot ko ang earpiece.
"Ready, Mi Amor?"
"Yeah."
Sumampa ako sa balustre at tinalon ang pinakamalapit na bintana sa kanang bahagi.
Iniangat ko ang sarili ko at maliksing tumalon sa kasunod na bintana. Lumambitin ako sa grills niyon at muling iniangat ang sarili. Muli kong tinalon ang mas mababang bintana. Nang makitang kaya ko na ay patalong bumaba ako.
Gumulong pa ako nang bumagsak ko sa mamasa-masang bermuda grass.
Madaming agent ang nakapaligid sa mansion pero sa ilang araw na pananatili ko dito ay na-memorize ko na ang routine nila. Hindi sila tumitigil sa iisang posisyon at may oras ang pagmamanman nila sa isang specific na parte ng lugar.
Gumapang ako hanggang sa marating ko ang malawak na palayan. Nang tuluyan na akong makalayo sa mansion ay tumayo na ako at mabilisang tinakbo ang bahagi ng tubuhan.
Dumiretso ako sa bahaging pinagtaguan ko ng motorbike. Inilabas ko iyon at agad na sinakyan.
I turned the earpiece on. I heard Anonymous humming, mukhang kanina pa s'ya naghihintay sa tawag ko.
"Hindi na ako makapaghintay na makita ang reaksyon ni Maser sa oras na malaman n'yang napakagaling mo na sa larangan ng pagtakas," nang-aasar na bungad n'ya.
I chuckled. "Tigilan mo ako."
Inayos ko ang suot na salamin at ini-on ang video cam.
"Whoa! Napakadilim naman ng paligid mo, Mi Amor. Parang buhay ko lang." Humalakhak s'ya nang pagkalakas-lakas pagkasabi niyon.
Nailing na lang ako at pinaandar na ang motorbike. Dahil sa katahimikan ng gabi ay rinig na rinig ang galit na galit na makina niyon. Nasisiguro ko nga lang na hindi iyon maririnig ng kahit sinong agent mula sa mansyon. Masyadong malayo ang kinalalagyan ko kaya imposible iyon.
Muling diniretso ko ang makitid na lupang daanan. Nagtataasang tubo ang nasa magkabilang gilid ko kaya naitago niyon ang ilaw na inilalabas ng motorbike.
"Dumiretso ka lang, Mi Amor," sabi n'ya mula sa kabilang linya.
I tapped the earpiece. Isa iyon sa sign namin as a yes.
Nagtiis akong hindi pakialaman ang misyong isinagawa ng Prime Crime kagabi. Nanatili nga lang akong gising hanggang sa makabalik ang mga agent mula sa kung saan. Tagumpay ang misyon nila at parang nakalimutan na din nila ang ginawa kong pananabotahe sa kanila noong nakaraan.
Kahapon ko pa din hindi nakikita si Kuya at ang kahit sino sa mga kaibigan ni Primo. Ni kahit sina Greyson ay hindi ko pa nakikita sa mansyon. Iba talaga ang kutob ko. Pakiramdam ko ay may nangyayari na sa ginagawa nila laban sa Incubus.
Tanging si Royce lang ang lagi kong nakikita. Wala din naman akong makukuha sa kanya kaya ni kahit minsan ay hindi ako nagtanong sa lalaki. Isa pa, hindi ko magawang magtiwala sa kanya mula nang magpabugbog s'ya sa akin kahapon.
Halata namang hinayaan n'yang makuha ko ang sagot sa tanong ko about General Levi. Hindi ko nga lang alam kung bakit n'ya ginawa iyon.
Parte ba iyon ng pagbabantay n'ya sa akin o hindi? Hindi ko alam at ayoko na ding alamin. He won't tell me for sure.
"Kumaliwa ka, Mi Amor. Malapit ka na sa main road."
Agad na kumaliwa ako pagkarinig niyon. "Where am I exactly?"
"Nasa El Trinidad ka pa din. Base sa takbo mo ay mahigit isang oras pa bago ka makarating sa El Dela Paz," tukoy n'ya sa bayan bago ang El Trinidad.
Katulad ng impormasyong ibinigay n'ya sa akin ay ang pugad ng Incubus sa bayan ng El Dela Paz ang ibabagsak namin. Isang malaking pabrika ng sabon na nasa may liblib na bahagi ang pupuntahan ko katulad ng plano namin.
Pabrika iyon ng sabon pero katulad ng inaasahan ay front lang iyon. Hindi pa kami sigurado kung ano ang makikita namin sa loob ng pabrikang iyon. Droga, illegal firearms o kahit ano basta ilegal.
Hindi ko lang talaga alam kung paano nakapagtayo ang Incubus ng mga galamay nila sa mga bayang nandito.
Anonymous hummed again. Napailing na lang ako. Alam kong sinusubukan n'ya ako.
Malalim na ang gabi at maya-maya lang ay magpapalit na ang araw pero may pailan-ilan pa ding sasakyan sa kalsada.
Itinodo ko ang takbo ko. Yumuko ako para kahit paano ay mabawasan ang marahas na hangin na humahampas sa helmet na suot ko.
Sumasabay ang katawan ko sa mabilis na pagtakbo ng motorbike. May ilang bump pero hindi niyon napigilan ang mabilis na takbo ng motorbike. Ilang sasakyan pa ang napapreno nang bigla na lang akong mag-overtake.
"Whoa! Whoa!" Kundi dahil sa helmet ay hindi ko maririnig ng maayos ang boses ni Anonymous. "Stay in that speed and you'll reach El Dela Paz in thirty minutes."
Hindi na ako sumagot. Diretso lang ang kalsadang tinatahak ko at maraming kabahayan na din ang nilampasan ko.
Mas madaming palayan sa bahaging ito ng El Trinidad. Madami din namang iba't-ibang uri ng gusali pero hindi pa din nawawala ang malalawak na palayan.
Nanatili ako sa bilis na iyon at ilang minuto pa bago ko nakita ang malaking arko ng El Dela Paz.
"Sa kaliwang bahagi," muling sabi ni Anonymous. "Ang pang-apat na daan na makikita mo."
I tapped the earpiece again. May limang minuto pa ang lumipas bago ko nakita ang daang tinutukoy n'ya. Walang sasakyan sa kabilang kalsada kaya agad na nakalipat ako.
"Sa dulo ng daang iyan," Anonymous informed me.
It was a long and narrow road. Isang kotse lang ang kasya sa daan. Nasa magkabilang gilid ng daan ang matatangkad na puno ng Mahogany. Mas itinago pa ng anino ng mga puno ang daang tinatahak ko.
Agad na natanaw ko ang may dalawang palapag na gusaling nasa may di kalayuan.
Ipinarada ko ang motor sa may madilim na bahagi.
"Forty five minutes, Mi Amor. Masyadong komplikado ang lugar na iyan. In any minute ay darating na ang Prime Crime at alam mong hindi ka nila pwedeng maabutan."
"Naiintindihan ko." Naglakad na ako at hinayaang nakasuot ang helmet.
Forty five minutes...
Tinakbo ko ng mabilis ang entrada ng lugar. Gulat na gulat na tinutukan ako ng baril ng isang gwardya.
Nahila ko ang kamay n'ya at bago pa s'ya makakilos ay natanggal ko na ang magazine ng baril. Inagaw ko ang baril at ipinukpok iyon sa batok n'ya. Agad na natumba ang gwardya.
Hindi ko na pinag-aksayahang itago ang gwardya. Limitado ang oras ko at hindi ako sigurado kung ilang tauhan ang nasa loob.
Maingat pero mabilis akong nakapasok. Bago pa ako mapansin ng isang naninigarilyong gwardya ay napaloob na ang ulo n'ya sa braso ko. Nilagyan ko ng pwersa ang braso ko at ni-lock ang leeg ng gwardya. Nawalan s'ya agad ng malay.
One armed men attacked me. Naiwasan ko ang sipa n'ya at agad s'yang nabato ng dagger. Sapul ang kana ang balikat n'ya.
"Ang tagal mo. Nasaan ang opisina dito?" tanong ko habang patakbong gumilid sa madilim na pader.
"Sandali. Nahihirapan akong pumasok sa system nila..." He sighed. "Alright! Sa kanan!"
Tinakbo ko agad ang direksyong sinabi n'ya. Mahigpit na hinawakan ko ang baril na nakuha ko kanina sa lalaking pinabagsak ko.
Tatlong lalaki ang sabay-sabay na lumabas sa entrada ng gusali. Halos lahat sila ay nataranta pagkakita sa walang malay na kasamahan nila.
Binaril ko sa balikat ang isa. Agad na natumba iyon. Sa gulat ng dalawa pa ay hindi na nila naiwasan ang mga balang tumama sa katawan nila. Sa binti ang isa at ang isa naman ay sa kanang braso.
Dire-diretso ang pagpasok ko. Walang masyadong nakakalat na nagbabantay sa hallway, taliwas sa inaasahan ko.
Isang lalaking armado sa baril ang bigla na lang humarang sa akin.
"s**t!" Hinubad ko ang helmet ko at hinawakan iyon ng mahigpit.
Bago pa maiputok ng lalaki ang baril n'ya ay naibato ko na sa kanya ang hawak na helmet. Tinamaan s'ya sa ulo at sa kisame tumama ang balang dapat ay sa akin.
Muli kong kinuha ang helmet at nilampasan ang lalaki.
I saw the fire alarm. Agad na pinindot ko iyon. Muli kong isinuot ang helmet. Nakakarindi ang tunog na nilikha ng alarm.
Tinungo ko ang hagdan at muntik pa akong matabig ng ilan sa mga empleyadong nagmamadaling makababa.
Madami ang empleyadong nanggaling sa ikalawang palapag. May ilang gwardya na pilit na humabol sa akin pero kahit sila ay nahirapan sa dami ng mga taong sumasalubong sa kanila.
"Oh, he's holding a pointed knife! Be careful," Anonymous told me.
Tiningnan ko ang lalaking humarang sa akin. May hawak s'yang matalim at may kahabaang kutsilyo. Pinaglalaruan pa n'ya sa kamay iyon.
Binunot ko ang dagger na nasa hita ko. Mahigpit na hinawakan ko iyon at dahan-dahang lumapit sa lalaki.
Hindi ganoon kaluwang ang hallway pero sapat na para sa aming dalawa.
He attacked first. Naiwasan ko iyon at agad s'yang sinipa. Nakaiwas din s'ya at nagawang hawakan ang paa ko. Sinubukan n'yang hilahin ang paa ko pero agad na itinarak ko ang dagger sa dingding at ginamit iyon para makabwelo. Tumama sa panga ng lalaki ang kanang paa ko.
Hindi sumusukong tumayo ang lalaki. Muli s'yang sumugod. Mabilis na yumuko ako at pinatid s'ya. Napaingit pa s'ya nang unang tumama sa sahig ang mukha n'ya.
Niyuko ko ang lalaking namimilipit sa sakit. Itinarak ko sa braso n'ya ng syringe.
Hindi ko na s'ya hinintay na makatulog, iniwanan ko na s'ya agad doon.
"He's a foreigner, ikaw na ang bahalang alamin kung sino s'ya."
"Aye, aye, Mi Amor!"
Kumaliwa ako sa pasilyo at agad na pinuntahan ang mas maliit na silid. Ang opisina.
I opened the laptop. Ni hindi ko na kailangang paghirapang buksan iyon dahil mukhang hindi na iyon nagawang patayin ng kung sino.
Kinuha ko ang flashdrive na dala ko at idinownload ang mga files na kailangan ko.
Ilang papeles pa ang nakita ko sa drawer. Sinamsam ko ang mga iyon at inilagay sa backpack. Ibinulsa ko ang flashdrive nang matapos na sa pagdo-download iyon.
"Hindi natin pwedeng hatian ng ebidensya ang Prime Crime." Tuwang-tuwa s'ya pagkasabi niyon.
"Kung ganoon ay ikaw na ang bahala. Kaya mo ba? Kanina lang ay nahihirapan kang pasukin ang system nila."
Hindi s'ya sumagot. Pagtitipa na lang sa keyboards ang narinig ko mula sa kanya.
Lumabas na ako sa opisina at tinungo ang malaking pintong nakita ko.
Pabrika ng sabon. Hindi nga lang kapani-paniwala para sa akin dahil ang mismong pagawaan ay nandito sa ikalawang palapag.
Nilampasan ko ang mga sabong hindi pa natatapos i-repack. Wala akong ibang nakita kundi mga sabon.
Sinuyod ko ang buong paligid. Tumaas ang kilay ko nang makita ang mas maliit na bahaging na naiiba. May ilang makakapal na plastic na nakatabing doon.
Lumapit ako at hinawi ang tabing.
Drugs. Hindi lang kaunti kundi maraming-marami. Pinindot ko ang gilid ng salamin ko para makuhanan ng maayos na larawan ang nakatambak na powder ng droga.
Tinikman ko iyon. Cocaine.
I heaved a sigh. "Are you done?"
"Yes. Medyo may na-encounter lang akong hindi ko inaasahan. Anyway, drugs na naman ang nakita natin. Gusto ko na tuloy maniwalang forte ng Incubus ang droga." Anonymous laughed without humor.
"Ang laboratory ng liquid drugs sa Cabalyero..." Tumutok ang mga mata ko sa fire extinguisher na nasa malapit. "Nasisiguro kong expansion lang niyon ang lugar na ito."
"I think so," sagot n'ya.
"Sino ka?"
May sampung lalaki ang agad na pumasok ng silid.
"What the hell!" Anonymous cursed. "Umalis ka na d'yan, Mi Amor!"
Kasabay nang pagputok ng baril ng isa sa kanila ay nakapagtago ako sa pader. Inabot ko ang fire extinguisher at mahigpit na hinawakan iyon.
Tumayo ako at binuksan ang fire extinguisher. I heard footsteps. Palapit na sila nang palapit sa pinagtataguan ko.
Marahas na pagbaril ng tubig ang sumalubong sa mga armadong lalaki. Sa gulat nila ay hindi na nila naprotektahan ang mga mukha nila.
Ibinato ko sa kanila ang fire extinguisher. Tumama pa iyon sa ulo ng ilan sa kanila at tumalbog. Muli kong kinuha ang isa pa at walang babalang ibinato iyon ng malakas sa salaming dingding.
Agad na nawasak ang salamin. Hindi na ako nag-isip pa. Tumalon na ako mula sa ikalawang palapag.
Sinubukan kong gumulong para hindi ganoon kasakit ang pagbagsak ko. Nagawa ko naman pero hindi ko nga lang naiwasan ang mga nabasag na piraso ng salamin. Tumusok sa kanang hita ko ang isang piraso ng bubog.
Paika-ikang nagtago ako sa madilim na pader. Tiningala ko pa ang mga lalaking hinahanap ako mula sa second floor.
"Anong nangyari, Mi Amor? Nasaan ka?"
Puno ng panic ang boses ni Anonymous.
Hindi ako sumagot. Tinanggal ko ang piraso ng bubog at pinunasan ng panyo ang dugong kumapit doon. I wrapped the handkerchief around my wound.
"Maelanie! Anong nangyari sa'yo?"
Nahawakan ko agad ang ulo ko. Ang sakit talaga sa tenga ng boses n'ya.
"Okay lang ako." Inakyat ko ang katawan ng punong katabi ng pader.
"Anong nangyari?" Ulit na tanong n'ya.
Iniangat ko ang sarili ko sa puno. Maya-maya pa ay nakasampa na ako sa pader. Muli akong tumalon sa kabilang bahagi niyon. Napaingit pa ako nang kumirot ang sugat ko sa hita.
"Let's talk later," sabi ko. "Napalayo yata ako. Saan ako dadaan?"
Napapalatak muna s'ya bago nanahimik.
Sumandal ako sa malapad na katawan ng puno at pumikit. Mula dito ay rinig na rinig ko ang pagkakagulo sa kabilang bahagi ng pader.
"Diretsuhin mo ang kaliwang bahagi mo." Anonymous cursed. "Kailangan mong magmadali, nasa vicinity na ang Prime Crime!"
Tiniis ko ang sugat ko at mabilis na tumakbo sa direksyong sinabi n'ya. Naging doble yata ang bilis ko dahil ilang minuto lang ay nakita ko na ang motorbike ko.
"Two minutes!"
Sumakay na ako sa motorbike at pinaandar iyon.
Humarurot na ako pero hindi ako dumaan sa dinaanan ko kanina. Sa loob ng gubat ako mismo dumaan. Hindi na ako pwedeng dumaan sa daang ginamit ko kanina, masasalubong ko ang Prime Crime kapag ginawa ko iyon.
Napapangiwi na lang ako sa mga halaman at ilang sangang tumatama sa mukha at katawan ko. Mabuti na lang at hindi ganoon kasama ang daan sa gubat. Pantay pa din iyon kahit madaming mga nakausling ugat ng mga punongkahoy.
Muntik pa akong sumemplang nang tuluyan na akong makalabas sa gubat. Napapreno ako bago mabilis na pinaharurot muli ang motorbike.
"Hindi na natin gagawin ulit ito!" Ilan pang mura sa iba't-ibang lenggwahe ang pinakawalan n'ya.
I chuckled. "I'm fine."
Anonymous hissed. "Huwag mong puputulin ang linya hanggang makabalik ka ng mansyon, alright?"
"Fine."
I sped up. Kahit naka-helmet ay sumasampal pa din sa akin ang malamig na hangin. Agad na tinuyo niyon ang pawis ko.
Sa tubuhan ulit ako dumiretso. Nahirapan pa akong ibalik sa pinagtataguan ko ang motorbike dahil sa sugat sa hita ko.
Ilang minuto pa akong nagpahinga bago nagdesisyong bumalik sa mansyon.
Walang naging problema ang pagbabalik ko sa mansyon. Mabilis na nalampasan ko ang tubuhan at palayan.
"Who are you?"
Napahinto ako sa pag-akyat sa bintana.
It felt like a deja vu. Ganitong-ganito din noon, maging ang boses n'ya.
"Again, who are you?"
Hindi ko na kailanganing lingunin ang may-ari ng boses. It's Yshmael.
I tapped the earpiece two time. I heard Anonymous sighed bago s'ya tuluyang nawala sa kabilang linya.
Kumilos si Yshmael. Sinubukan n'yang hilahin ang kamay ko pero agad na nakaiwas ako at nahawakan ang braso n'ya. Nagkabaliktad ang sitwasyon, naituon ko s'ya paharap sa pader.
He tried to resist pero mas diniinan ko ang pagkakatulak sa kanya sa pader.
Yshmael stepped on my feet. Sinamantala n'ya ang pagkagulat ko at agad na nakawala. Kumilos s'ya at hinila ang kamay ko. Hinawakan n'ya ang kanang balikat ko itinulak ako sa pader.
Gulat na gulat pa s'ya nang maisandal n'ya ako sa pader. "Maelanie?"
I let out a sigh.
"Anong ginagawa mo dito sa labas?" Shocked na tiningnan n'ya ako pagkatapos ay ang bintanang aakyatin ko sana. Naningkit ang mga mata n'ya nang dumako sa silid ko ang mga iyon.
"Saan ka nanggaling at anong ginawa mo?" Kasinglamig ng yelo ang boses n'ya.
"It's none of your business."
Tinanggal ko ang kamay n'yang nasa braso at balikat ko.
"Yshmael?" Isang bagong boses ang papalapit.
Shit!
Hindi ko inaasahan ang pagkilos ni Yshmael. Agad na nahila n'ya ako sa tagong bahagi ng pader. Sumiksik kami sa makipot na pader at rinig na rinig ko ang t***k ng puso n'ya.
"Grabe naman, iniwanan na naman ako!" sabi pa ng boses bago umalis.
Agad na nakahinga ako ng maluwag. Lumabas sa pinagtataguan namin si Yshmael at binitawan ang kamay ko.
"Anong ginagawa mo dito? At saan ka nanggaling?" He eyed me. Tinanggal pa n'ya ang isang tuyong dahon na nasa buhok ko.
Hindi ko s'ya sinagot. Tinabig ko ang kamay n'ya at mabilis na inakyat ang bintana. Mabilis na naiangat ko ang sarili ko doon bago lumipat sa isa pa.
Mabilis na nakarating ako sa teresa ng silid ko. Nang dungawin ko ang ibaba niyon ay nandoon pa din si Yshmael at nakatingala sa akin.
Kumakabog ang dibdib na pumasok ako ng silid ko. I turned the earpiece on.
"What happened? Someone saw you? Who?"
Ininom ko muna ang tubig na kinuha ko sa ref at naupo sa kama. "Eros..." Tukoy ko sa pagkakakilanlan ni Yshmael sa dark net. "He saw me."
"Whoa. Mukhang hindi lang pala ako ang may nakasalubong na hacker ngayong gabi."
Agad na nagtaka ako sa sinabi n'ya. "What do you mean?"
"Hindi ba at sinabi ko sa'yo kanina na nahirapan akong pasukin ang system ng pabrika sa El Dela Paz?"
"Sabi mo ay may na-encounter kang hindi mo inaasahan. Ano iyon?"
"Yes. At muntik na ako kanina. Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko, Mi Amor..." Narinig ko ang pagbuntong-hininga n'ya.
"What is it?"
"Euclidean..."
"The famous black hat hacker? How about him?" Agad na kinabahan ako sa maaaring n'yang sabihin.
Hindi kaya...
"He's the one I met earlier. And I'm afraid that this jerk, Euclidean is with Incubus."
❤