Chapter 8- Club Hera

2966 Words
Lanie's Pov: Eksaktong sampung minuto ang dumaan nang magmulat ako ng mga mata. Mabilisang hinubad ko ang robang suot ko. Inayos ko ang ilang unan at tinakipan iyon ng kumot. Inilabas ko ang isa pang wig na katulad ng buhok ko at maayos na isinalansan sa kama. Isinuot ko ang ear piece at marahang sumilip sa pintuan. Maraming agents ang nakita kong paakyat sa ikatlong palapag. Lahat sila ay mga nakasuot ng itim na uniporme ng Prime Crime. A meeting, perhaps? I contacted Anonymous. "They're still here. Lalabas na ako ng mansyon." "Wait. Kakapasok ko pa lang sa system ng El Trinidad." Dinig na dinig ko ang pagtitipa n'ya sa keyboard. "Huwag ka agad kikilos. Be on standby." Marahang naglakad ako papunta sa teresa. Nag-iwan ako ng maliit na siwang sa sliding door bago tuluyang lumabas. "What's the situation there?" I heard him ask. Sumilip ako. "May mga car at agents na nasa labas ng mansyon. Nasisiguro kong lalabas na sila maya-maya. For sure, pinaplantsa nila ang plano nila." Agad na pinag-aralan ko ang paligid. Maraming agents pero lahat sila ay abala. Iilan lang ang nasa pwesto nila para magbantay sa kung anong dapat nilang bantayan. "Listen, Mi Amor," madiing sabi n'ya. "May truck ng buhangin na pumasok ng El Trinidad, dadaan iyon d'yan at iyon ang sasakyan mo para makarating ka ng Candelarya. Natatandaan mo naman yata iyong larawan ng computer shop na ipinasa ko sa'yo. Nasa likod niyon ang club na pupuntahan mo, doon ka bababa. And ikaw na ang bahala sa pagpasok mo sa Club Hera." Tumango ako at sumampa na sa balustre ng terrace. "Napatay ko na ang mga cctv sa paligid. Kumilos ka na! You only have one minute para makaalis ng mansyon. Nasa system na din ako at ginugulo ko na ang Prime Crime but I can't stay there for long." Sinasabi pa lang n'ya iyon pero nakatalon na ako sa mas mababang bubong. Hindi ko na magagamit ang punong binabaan ko dahil nilagyan na iyon ng alambre ng magaling kong kapatid. Magaan ang mga paang tinakbo ko ang kalaparan ng bubong. I jumped towards the second floor's roof. Nakita ko pa ang pagkakataranta ng mga agents. Mukhang nalaman na nila ang pagpasok ni Anonymous sa system nila. Humawak ako sa may kapayatang pole at nagpadausdos pababa. Agad na nakagulong ako papunta sa makakapal na bushes nang may agent na dumaan. Iniangat ko ang sarili ko sa puno ng may kataasang palm tree. Eksaktong nakaakyat ako sa mataas na bakod ay ang pagdaan naman ng truck ng buhangin na sinasabi ni Anonymous. Mabilis na tinakbo ko ang makitid na bakod at nang mapatapat sa truck ay agad akong tumalon doon. Napapikit pa ako nang may sumaboy na buhangin sa hangin. Masyadong mataas ang pader na bakod ng mansyon kaya napaangat ang mga buhanging kinabagsakan ko. "You okay? Nasaan ka na?" Ramdam ko ang panic sa boses n'ya. Inayos ko ang earpiece ko at sinuot ang salamin. Hindi iyon ordinaryong salamin lang, it's a cam recorder at sa oras na i-on ko iyon ay didiretso sa computer ni Anonymous lahat ng bagay na makukuhanan ko, larawan man o video. "Nasa truck na ako. Kumusta ang gulong ginawa mo sa system ng Prime Crime?" tanong ko habang tinitingnan ang papaliit na pigura ng mansyon. Dire-diretso lang ang kalsadang tinatahak ng truck. Hindi din ganoon kaliwanag ang paligid dahil palalim na ang gabi kaya hindi ko na kailangang itago ang kabuuan ko. May tolda din namang tumatakip sa halos kalahati ng truck kaya kahit ang driver niyon ay hindi ako napapansin. Nakatutok sa kalsada ang atensyon ng driver habang sumasabay sa kantang Got to believe. Nahiga ako at tiningala ang kalangitan. Ikalawang gabi ko pa lang dito pero pakiramdam ko ay marami na ang nangyari. Ang hindi lang nagbago ay ang kapayapaan at kaliwanagan ng kalangitan tuwing gabi. Pangalawang gabi ko na dito at bilog na bilog pa din ang buwan. Maulap pero hindi iyon nakatulong para itago ang kaliwanagang ibinibigay ng buwan. "Nasa bandang dulo ang Aronzaga Mansion kaya in any minute ay makakalabas ka na ng El Trinidad, Mi Amor. Huwag na huwag mo lang io-off ang tracker mo para updated ako sa location mo." Rinig kong paalala ni Anonymous sa kabilang linya. "And turned that on pagkarating mo sa Candelarya," tukoy n'ya sa salaming nasa mga mata ko. Hindi ako sumagot. Nanatiling nasa kalangitan ang mga mata ko habang pinapakinggan ang sintunadong pagsabay ng driver sa kanta. Ang boses ng driver lang ang tanging maririnig sa paligid. Minsan ay hilera ng kabahayan sa magkabilang gilid ang nilalampasan ng truck, minsan ay mga puno at palayan at minsan naman ay parang nasa ilang na parte lang kami ng lugar. "Mi Amor, are you still there?" Tumikhim ako. "Yeah. "Bakit ang tahimik mo? Anong ginagawa mo?" Pilipit ang dila n'ya sa Filipino pero kahit paano ay nag-iimprove na s'ya. Anonymous is a Russian-Mexican. Mas lumaki at nagkaisip nga lang s'ya sa Russia kahit pa palipat-lipat ng bansa ang mga magulang n'ya. Bihasa din s'ya sa iba't-ibang lenggwahe pero ang Filipino ang pinakahuling inaral n'ya. Nagsimula s'yang mag-aral ng Filipino language nang magkakilala kami. Mahirap na daw kung dumating ang panahong minumura ko na s'ya pero tumatawa lang s'ya dahil hindi n'ya naiintindihan ang sinasabi ko. "I'm doing nothing..." sagot ko. "Ano namang gagawin ko dito sa truck na punong-puno ng buhangin?" Muling bumirit ang driver ng truck. Kahit ako ay napatakip sa tenga dahil literal na sumisigaw s'ya kasabay ng kanta. Iyon pa din ang sinasabayan n'yang kanta. Nakailang ulit na s'ya sa pagpapatugtog ng Got to believe, paborito n'ya yata iyon. "What's that?" I stared at the sky. "Nagso-soundtrip ako." Napapalatak s'ya. "I thought may nangyari na sa'yo... Pinapahanga mo talaga ako sa swerteng mayroon ka, Mi Amor. You got both for free. Roadtrip and soundtrip." "Idagdag mo na din ang star gazing," I added. Itinaas ko ang kamay ko at inabot ang pinakamatingkad na bituin. Of course, hindi ko iyon maaabot. Naramdaman ko ang pagbilis ng takbo ng truck. Ang kaninang diretsong ruta ay nawala na. Panay na ang liko ng truck at mas komokonte ang kabahayang nilalampasan niyon. "Nasaan na ako?" "You're already in Candelarya, Mi Amor. Barangay Butuan, the third barangay from it's border," sagot n'ya. Muli kong narinig ang pagtitipa ng mga daliri n'ya. Agad na na-picture out ko ang ginagawa n'ya. Nakaupo s'ya sa swivel chair habang nakaharap sa tatlo hanggang limang screen ng computer at isang mas malaking screen na naglalaman ng lokasyon ko. "Pang-ilang barangay ang Club Hera?" Naupo ako at inunat ang mga braso. "Pangpito from the border. In twenty five minutes ay nandoon ka na." He hissed. "Nagsimula na ding kumilos ang Prime Crime. They're on their way now." Tumayo ako at nag-bend ng mga tuhod. Inikot-ikot ko ang ulo ko para mawala ang pagkaka-stiff niyon. Inayos ko ang mask at salamin ko. I clipped my cap into my hair. I checked my things, nakayakap sa magkabilang hita ko ang dalawa sa pinakapaborito kong dagger. Ilang syringe din na may lamang pampatulog ang nakasuksok sa belt bag ko. Nasa likod ko ang revolver. "Barangay Liwayway." Basa ko sa nakasulat sa isang may kalakihang signage. "That's the sixth barangay." Sumampa ako sa pinakadulong bahagi ng truck. Medyo lumalakas na ang hangin kaya sumasama doon ang ilang buhangin. I turned the cam recorder in my glasses. "Nakikita mo na ba ang paligid ko?" Nagtatalo ang kadiliman at liwanag sa bahaging ito ng Candelarya ngunit hindi ganoon katahimik at may mga tao ding pakalat-kalat sa kalsada kahit pa malalim na ang gabi. "Good girl!" Rinig ko ang pagpalakpak n'ya. "Now, jump!" Agad na tumalon ako mula sa truck. Isang jeep ang sumalubong sa akin kaya gumulong ako papunta sa pinakagilid ng kalsada. "Sa kaliwa, may makikita kang computer shop. Diretsuhin mo lang iyon." "Noted," I said. Inayos ko ang pagkakasuot ng mga gloves sa kamay. Tinungo ko ang direksyong sinabi n'ya. Mabilis na nakita ko ang twenty-four hours na computer shop. Lumampas ako doon at tinungo ang may kadilimang alley. Pataas iyon at ilang street lights lang ang nagbibigay ng liwanag sa madilim na paligid. "Nasa tamang daan ka." Bago pa ako makapagtanong ay sinabi na n'ya. "How about the cctv's?" "I blocked them. Remember Mi Amor, isang oras lang ang mayroon ka mula ngayon. Kailangan mong makaalis d'yan bago pa dumating ang mga agents ng Prime Crime." Kanina pa n'ya iyon pinapaalala sa akin. "Noted. May nakita ka na bang sasakyan ko pabalik?" "Yes. Kailangan mo lang maisagawa ng maayos ang lahat." "Got it!" Tumakbo ako sa kadiliman ng alley. Katulad ng sabi n'ya ay pinanatili kong nasa kabilang linya s'ya. "Whoa! Akala ko ay rumors lang sa dark net na private ang Club Hera, hindi ko akalaing totoo!" Rinig kong sabi n'ya. Nasisiguro kong nakatingin na s'ya sa isa sa mga screen ng computer n'ya. Malinaw na nakikita n'ya ang lahat ng nakikita ko sa pamamagitan ng salaming suot ko. I set my watch. I only have an hour. Wala akong passes para makapasok ng club kaya gumilid ako at sa may likurang bahagi niyon dumaan. Doon ko nakita ang itinatago ng Club Hera. "The cctv's," I said. "Sisiw lang ang system nila.. May apat na oras sila para alisin ang virus na inilagay ko. Kapag nabigo sila, they need to change everything," confident na sagot n'ya. Iniangat ko ang katawan ko. Mabilis na naakyat ko ang bakod. Isang naka-unipormeng gwardya ang nakakita sa akin. Bago pa n'ya ako mapaputukan ay tinakbo ko na s'ya at agad na naturukan ng syringe. Nakatulog agad ang gwardya. Hinila ko s'ya at inilagay sa likod ng mga bushes. "Kapag wala akong nakita dito, wawasakin ko ang lahat," imporma ko. Sumipol lang si Anonymous. That's a yes. Isang tauhan pa ng Club Hera ang nakakita sa akin. Agad na sinipa ko s'ya sa dibdib sabay angat ng katawan. Naipit ang ulo n'ya sa pagitan ng mga hita ko. Gamit ang mga hita ay pinihit ko ang ulo n'ya. Maya-maya pa'y nakatulog na ang lalaki. Muli ko s'yang hinila sa mas madilim na lugar. Isa pang gwardya ang sumalubong sa akin na agad kong sinaksak ng syringe. Mabilis na binato ko ng dart ang gwardyang kalalabas pa lang ng pinto. Tinamaan iyon sa balikat. Pumasok ako sa pintong nilabasan n'ya at ni-lock iyon. Gulat na gulat ang isang lalaking nasalubong ko sa hallway. Tinadyakan ko agad s'ya sa harapang bahagi n'ya at binigyan ng upper cut. Natumba agad ang lalaki at nakatulog. "Sugudin n'yo!" May limang uniformed men pa ang sabay-sabay na sumalubong sa akin. Makipot lang ang hallway kaya nalimitahan niyon ang kilos nila. Hinugot ko ang dalawang dagger ko. Mahigpit na hinawakan ang mga iyon. Pinindot ko ang gilid ng salaming suot ko at kinuhanan ng larawan ang mukha ng mga lalaki. "Ikaw na ang bahalang kumilala sa kanila." Iyon lang at tinakbo ko ang distansyang nakapagitan sa amin ng mga lalaki. Mabilis na nasipa ko sa mukha ang isa kasabay ng pagtarak ng dagger ko sa balikat ng isa pa. I put my legs on the injured man and twisted it. Tulog ang lalaki. Ang ikatlo at ika-apat ay sabay na sumugod sa akin. Naiwasan ko ang baseball bat ng isa pa nang ihampas n'ya sa akin iyon. Nahawakan ko ang dulo ng bat at nahila iyon. Nawalan ng balanse ang lalaki na kaagad kong binigyan ng flying kick. Paatras na natumba s'ya sa kasama n'yang nasipa ko sa sikmura. Sinubukang tumakbo paalis ng naiwang lalaki pero agad na tumarak sa kanyang likuran ang dagger ko. "Oh! Papatayin mo ba sila?" Naglakad ako at nilapitan ang lalaking agad na natumba sa sahig. Binunot ko ang dagger. "No worries, iniwasan ko ang vital parts nila. Mananatili lang silang tulog hanggang sa makarating dito ang Prime Crime." "Twenty minutes na ang lumipas, Mi Amor." "Noted." Kinuha ko ang baseball bat at dumiretso sa nag-iisang pinto sa dulo ng hallway. Pinukpok ko ng baril ang nakabantay sa may pintuan at pumasok doon. Napakunot pa ang noo ko habang kinukuhanan ng video ang buong lugar. Hindi iyon katulad ng inaasahan ko. Club Hera is not the club that I imagined. Laboratory ng drugs iyon. "Nakikita mo ba?" I asked Nagmura s'ya in Russian. "That assholes!" Ibinalik ko ang mga dagger sa hita ko at mahigpit na hinawakan ang baseball bat. Malakas na hinampas ko ang isang malaking glass cylinder na naglalaman ng kung anong likido. Nabasag iyon at bumuhos sa sahig ang likido. Napadura ako nang tikman iyon. It tasted bitter and unpleasant. Kilala ko ang kakaibang lasa niyon. "There are lots of Molly here," tukoy ko sa drogang nilalaman ng glass cylinder. "And it's in liquid form." Gulat na gulat ang mga nagtatrabaho sa loob ng laboratory. Lahat sila ay nakasuot pa ng laboratory coat kaya nasisiguro kong wala dito ang dapat na managot sa ilegal na production ng Molly. Binunot ko ang baril ko at agad na itinutok sa kanila. Mas lalo silang nagkagulo. Isenenyas ko ang pinakagilid na bahagi ng silid. Iyon lang ang may espasyo. Agad silang nagtipon-tipon doon. Sinuri ko ang paligid at gusto kong magmura nang makitang hindi lang Molly ang ginagawa nila dito. "Heroine." Nailing pa ako nang makilala ang drogang nilalaman ng isang salaming kahon. Napapalatak naman si Anonymous sa kabilang linya. Sinamsam ko ang mga papeles na nakuha ko sa maliit na office. Inilagay ko iyon sa dala kong bag. "Lahat kayo..." Hinarap ko ang mga taong naabutan ko. "Hubadin n'yo ang mga coat n'yo." Agad na nagsunudan sila. Nasa dalawampu sila kaya hindi ko na sila kinuhanan ng larawan isa-isa. "Ako na ang bahalang humanap sa identity nila." "Thanks." Dumiretso ako sa isang silid na walang laman kundi mga kahon na naglalaman ng mga finished product at ready to distribute na. Inutusan ko ang mga lalaking ilabas ang mga kahon. Sumunod naman sila at may sampung minuto din yata bago nila natanggal ang lahat ng laman ng silid. Kinuha ko ang may kakapalang panali na nakita kong nasa gilid na bahagi ng silid. Pinahilera ko ang lahat ng trabahador. I check their ID's. Napataas pa ang kilay ko nang makitang lahat sila ay mga professional sa field ng medicine. Money. Iyon lang ang naiisip kong dahilan kaya kinalimutan nila ang dignidad at sinumpaan nilang tungkulin. "Ikaw at ikaw." Tinuro ko ang isang lalaking takot na takot at ang isa namang babae na paiyak na. Parehong lumapit sa akin ang dalawang itinuro ko. Binigyan ko sila ng panaling nakita ko. "Talian mo ang kamay ng bawat isa," sabi ko sa lalaki at hinarap ang babae. "Ikaw naman sa paa." Lumapit ako sa nauuna sa mga nakahilera at tinalian ang kaliwang kamay n'ya kasama ang kanang kamay ng katabi n'ya. Ganoon din ang ginawa ko sa paa. Ang kaliwang paa ng isa ay itinali ko kasama ang kanang paa ng katabi n'ya. Agad na kumilos ang dalawang inutusan ko at tinalian ang mga kasama nila katulad ng inuutos ko. "Ten minutes left, Mi Amor." Nang matapos ang dalawa sa pinagagawa ko ay ako na ang nagtali sa kanila kasama ng mga kasamahan nila. Pinapasok ko sila sa silid na pinabakante ko. Nakapaikot sila at dahil sa hindi ganoon kalaki ang silid ay hirap silang makakilos lalo pa at nakatali ang mga kamay at paa nila. "Nasisiguro kong alam n'yo ang nilabag n'yong batas," simula ko. "Ang kailangan n'yo lang gawin ay manahimik at manatili sa silid na ito." Naiiyak na nagsitanguan sila. Itinaas ko ang hawak na pekeng bomba na may timer pa. "Ilalagay ko ito sa may pintuan. Sasabog ito sa oras na ma-tigger ito ng malakas na tunog at pwersa. Katulad na lang ng pagbukas ng pinto o pagsisigawan." Mas namutla ang mga mukha nila. Lumabas na ako doon at ini-lock ang pinto. Salamin ang itaas na bahagi ng pinto kaya kitang-kita nila nang idikit ko ang pekeng bombang hawak ko sa may pintuan. Umiilaw pa ang pulang timer niyon. Dumiretso ako sa nag-iisang bintana ng laboratory. Mula dito ay kitang-kita ko ang club na ginawang front ng Club Hera. Sinong mag-aakalang ang tila abandonadong lugar sa likod ng mismong club ay isang drug laboratory? At nasa pinakasentro pa ito ng bayan ng Candelarya. Hindi na ako magtataka kung nasa headlines na bukas ang tungkol sa lugar na ito. Muli kong tiningnan ang kabuuan ng laboratory. Kung ako ang masusunod ay gusto ko talagang wasakin lahat ng glass cylinder na nakikita ko pero mawawalan ng ebidensya kapag ginawa ko iyon. "Mi Amor, nasa vicinity na ang Prime Crime, kailangan mo nang umalis d'yan." "Lalabas na ako," agad na sabi ko. Hinayaan kong nakabukas ang pintuan ng laboratory at mabilis na tinakbo ang hallway. Hanggang ngayon ay tulog pa din ang mga gwardyang nakalaban ko kanina. Nilampasan ko sila at kaagad na inakyat ang pader na bakod. Pagkatapak na pagkatapak ko sa kalsada ay narinig ko na ang pagkakagulo ng mga tao sa mismong club, maging ang sirena ng mga pulis. Mukhang kinontak na din ng Prime Crime ang kapulisan para maayos na makapasok sila sa lugar. "Huwag kang dadaan sa dinaanan mo kanina. Dumiretso ka sa alley na iyan pagkatapos ay kumanan ka." Inayos ko ang pagkakasuot ng sombrero bago sinunod ang sinabi n'ya. Ilang minuto pa akong naglakad bago kumanan. Isang itim na motorbike ang nandoon. "Mas mabilis kung iyan ang gagamitin mo. Alam mo namang hindi magtatagal sa Club Hera ang Prime Crime. At alam mo na din kung saan ka dadaan at kung saan mo itatago ang isang 'yan," tukoy n'ya sa motorbike. "Thank you." Sumakay na ako doon at agad na pinaharurot iyon. Alam ko ang lugar na tinutukoy n'ya. Ang maliit na daanan na nasa may gitnang bahagi ng tubuhan. Isa iyon sa natuklasan ko nang libutin ko ang paligid ng Aronzaga Mansion. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD