Chapter 11- Cards

2984 Words
Lanie's Pov: "Lanie..." Inis na tiningnan ko si Kuya nang humarang s'ya sa dadaanan ko. "I told you Kuya, magdedesisyon akong sundin ang kagustuhan mong manatili dito pagkatapos kong kausapin si General Levi," matigas na sabi ko. Umangat din ang kilay ni Kuya Sage. "At wala akong naaalalang pumayag ako sa kagustuhan mo. Ngayon, kailangan mo nang bumalik sa silid mo." I rolled my eyes. Sabi ko na nga ba at hindi magiging madali ang gagawin kong paglapit kay General Levi. Alas dose y medya na ng tanghali at kanina pa dumating si General mula sa lungsod. Royce told me kaya agad akong dumiretso dito sa opisina n'ya sa unang palapag ng mansion pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din nakakaharap ang heneral. Nakabantay na si Kuya dito sa labas pa lang ng opisina ni General. Kanina pa din s'ya nakikipagpatintero sa akin at napipikon na ako sa kakulitan n'ya. Kung hindi ko siguro s'ya kapatid ay kanina ko pa s'ya nabigyan ng flying kick. "Bumalik ka na sa silid mo, Lanie," muling utos n'ya. "May meeting ang Prime Crime at walang oras si General para makipag-usap sa'yo o para pakinggan ang kung anumang kapritso mo." Kapritso? Natawa ako sa term na binanggit n'ya. Maluha-luha pa ako bago tiningnan si Kuya. Hindi ko akalaing ganito talaga kababa ang tingin n'ya sa akin. "Kapritso? Really, Kuya?" Bahagya ko pang pinunasan ang luhang kumawala sa mata ko. "Maelanie..." Lumambot ang ekspresyon n'ya. "Hindi iyon ang gusto kong sabihin, alam mo iyan." Tumango-tango ako. "Alright. Wala naman akong magagawa kung iyan talaga ang tingin mo sa mga ginagawa ko, hindi ba?" "Lanie..." "Well, pwede mo na ba akong padaanin, Kuya?" I asked again. Nanatili s'yang nakatingin lang sa akin. Ni hindi s'ya natinag sa sinabi ko. "May problema ba dito, Sage?" Sabay pa kaming napatingin ni Kuya kay General Levi. Nangungunot ang noong tiningnan n'ya si Kuya bago lumipat sa akin ang mga mata n'ya. "Maelanie? Ikaw na ba iyan?" General Levi approached me. Sinuyod n'ya ng tingin ang kabuuan ko. "Hello, General." I bowed a bit. "Pwede ko po ba kayong makausap?" Takang tiningnan ako ni General Levi bago si Kuya. "Don't mind her, General." Kuya faced me. "Bumalik ka na sa silid mo, Lanie." Itinaas ko ang may kakapalang folder na hawak ko. Maging si Kuya ay napakunot ang noong tiningnan ang bagay na hawak ko. "Ilang minuto lang, General." "Sure." Inilahad pa sa akin ng heneral ang opisina n'ya. Tinapik ko ang braso ni Kuya nang lampasan s'ya. Kitang-kita ko ang kagustuhan n'yang tumutol pero wala s'yang magawa. Ramdam ko ang mga mata ni Kuya hanggang sa makapasok ako at sumara ang pinto ng opisina ni General Levi. "Have a seat, Maelanie." Inilahad ni General Levi ang sofang nasa gitnang bahagi ng silid n'ya. Naupo ako sa harapan ng couch na inupuan n'ya. "Natutuwa akong makita ka..." Simula n'ya at malungkot na tumingin sa akin. "Hindi ko nga lang alam kung ano ang dapat kong sabihin sa'yo ngayon. Alam kong mahirap ang pinagdaanan mo sa mga nagdaang taon." Ngumiti ako. Natitiyak ko nga lang na hindi iyon umabot sa mga mata ko. "Hindi pa po ganoon kabuti pero pakiramdam ko ay magiging maayos din ako..." "Why I'm hearing a but here?" General Levi looked at my eyes. "Alam ko pong nagsimula na kayo sa pakikipaglaban sa Incubus. An all out war," I said. General Levi chuckled. "And I thought na nandito ka dahil sa kagustuhan ng kapatid mo. Alam mo bang hiningi n'ya ang proteksyon mo? Kaya akala ko ay iyon lang ang dahilan kung bakit ka nandito." Nangingiting napailing ako. "It's been seven years, General. Sa tagal ng panahon na iyon, iniisip n'yo po bang mananatili ako sa anino ng batang sarili ko?" Ang kaninang palatak ay naging tawa. Naaaliw na tiningnan ako ng heneral. "I'm here for revenge, General Levi. Gusto ko pong makipaglaban sa Incubus. Gusto kong gawin ang lahat ng pwede kong gawin para bumagsak ang Incubus." He heaved a long sigh. Umayos s'ya ng upo at pinagsalikop ang mga kamay. "That's the very reason kung bakit hinayaan kong makausap mo ako. Nakikita ko sa mga mata mo ang kagustuhan mong gumanti, Lanie..." Hindi ako sumagot. Nanatili akong seryosong nakatingin sa kanya. "But Lanie..." Tiningnan n'ya ako. "Kung anuman ang nangyari sa nakaraan ay hindi mo kasalanan. Hindi mo na kailangang gawin ang gusto mong gawin. Hayaan mong kami na ang gumawa ng paraan para pagbayarin ang Incubus sa lahat ng mga maling ginawa nila." "Kung inaalala n'yo po ang kapatid ko, walang magagawa si Kuya Sage sa oras na pumayag kayong isali ako sa imbestigasyon ng Prime Crime," saad ko. Umiling-iling si General. "Hindi si Sage ang problema dito, Maelanie. Alam ng kapatid mo kung paano ihiwalay ang trabaho sa personal n'yang buhay. Ako mismo ang hindi papayag na masangkot ka sa imbestigasyon ng ahensya." Huminga ako ng malalim. I looked at my wristwatch. Mukhang gagamitin ko nga talaga ang lahat ng aming baraha kung sakali. "Hindi lang pagkuha sa hustisya para sa mga namatay na agent ang hinahabol ng Prime Crime. Batas pa din ang sinusunod namin at dadaan pa din sa paglilitis ang lahat ng kasong maiisampa sa Incubus. Harap-harapan nga lang ang ginagawa naming pangangalap ng ebidensya at pananabotahe sa mga gawain ng Incubus dahil mismong bansa na natin ang sangkot dito," dagdag pa n'ya. Sandali n'ya akong tiningnan bago nagpatuloy. "Hindi pinapayagan ng Prime Crime ang pagkakaroon ng isang taong may personal na agenda sa imbestigasyon. Hindi makakatulong iyon at baka masira lang ang imbestigasyon sa halip na umusad iyon." "Paano po kung sabihin kong hindi naman ako emosyunal? Hindi n'yo nga lang maiialis sa akin na hindi isipin ang personal kong dahilan," kalmadong wika ko. "Maelanie..." General Levi sighed. "Gugustuhin kong isali ka sa imbestigasyon kung hindi ko lang alam ang intensyon mo. Natanggap ko ang report sa akin ni Royce kung paano mo pinatumba ang mga agents ng Prime Crime. Masasabi kong hindi na ikaw ang batang iyakin noon. Malaki na ang ipinagbago mo pero hindi iyon ang magiging dahilan para pagbigyan ko ang gusto mo." Tumango-tango ako. "Ibig sabihin ay hindi si Kuya ang dahilan ng pagtanggi n'yo sa tulong na inaalok ko. Hindi din ang kapasidad ko dahil maging kayo ay pinasubaybayan ang kilos ko..." "Ganoon na nga." "Magagawa kong isantabi ang dahilang sinabi n'yo, General. Kayo na din ang nagsabi na hindi na ako ang batang nakita n'yo noon. Magagawa kong hawakan ang emosyon ko." "Maelanie..." I stared at his eyes. "But General... How about Candelarya and El Dela Paz' incident?" Nangunot ang noo n'ya. "Anong ibig mong sabihin." Napangiti ako. "Hindi ba at hindi magawang kasuhan ng lokal na kapulisan ang mga taong nasa likod ng drug laboratory sa Candelarya? Ganoon din ang pabrika ng droga sa El Dela Paz. Dahil kahit ang Prime Crime ay walang nakuhang mabigat na ebidensya para tuluyang pilayan ang galamay ng Incubus sa mga bayang iyon?" "Si Royce ba ang nagsabi ng lahat ng iyan, sa'yo?" Umiling ako. "Of course not, General. Masyadong loyal sa tungkulin n'ya ang isang iyon. Let's say na matutulungan ko kayo sa bagay na 'yan. Kung tutuusin, pwede na ninyong masampahan ang mga nasa likod ng mga drogang nakalap n'yo pagkatapos nating mag-usap ngayon." Inilagay ko sa harapan n'ya ang folder na hawak ko. Nandoon ang lahat ng ebidensyang nakuha namin ni Anonymous sa El Dela Paz at Candelarya. Files, pictures at maging video. Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si General Levi nang makita n'ya ang laman ng folder. "Papers ng Club Hera at EDP Factory ang mga iyan, General." Inilapag ko sa harap n'ya ang isang may kakapalang notebook at isang flashdrive. Itinuro ko ang notebook. "Kompletong listahan ng lahat ng sangkot sa pagawaan ng droga sa dalawang bayan. Transactions, dates at lahat-lahat." I pointed the flashdrive. "Nakuha ko naman ang isang iyan sa El Dela Paz. Naglalaman iyan ng direktang koneksyon sa Incubus, magagamit iyan sa oras na sampahan sila ng kaso sa international court. Hindi nga lang sapat pero pwedeng makadagdag ng bigat." Kulang ang salitang gulat para ilarawan ang reaksyon ni General Levi. Binasa n'ya ang laman ng folder at maging ang notebook. Tumayo s'ya sandali para kunin ang laptop n'ya at sinalpak doon ang flashdrive. "So... You see, General..." Umayos ako ng upo. "Kaya kong isantabi ang personal na damdamin ko. Wala naman akong gusto kundi ang bumagsak ang Incubus. Personal man ang dahilan ko pero katulad n'yo ay iyon lang ang gusto ko. Hindi magiging problema ang emosyon ko sa oras na isali n'yo ako sa imbestigasyon." "Saan nanggaling ang mga ito?" Hindi ko alam kung gulat ba ang dahilan ng pagsandal ni General sa upuan n'ya. Umismid ako. "Iba ang galing ng mga agent ng Prime Crime, General. Hindi nga lang nila ako napigilang kumilos. Ni hindi nga nila napansin na bago pa sila makaalis sa mansyon ay pabalik na ako dito." "Ibig mong sabihin..." Tumango ako. "Yes po, General. Ako ang kumuha ng lahat ng iyan sa dalawang bayan. Gusto ko sanang ipakita sa inyo na kaya kong makipagsabayan sa mga agent ng Prime Crime pero mukhang hindi sapat iyon." Napahawak sa noo si General Levi. Confuse na tiningnan n'ya ako. "Maelanie, alam mong pwede kong kunin ang mga ito sa'yo nang hindi pinagbibigyan ang gusto mo," may diing sabi n'ya. Muli akong tumango. "Alam ko po iyon, General. Kaya nga ipinakita ko iyan sa inyo ay para magamit n'yo para tuluyang maisara ang kaso sa mga droga. Wala din naman akong pagagamitan ng mga iyan." "Bakit pakiramdam ko ay hindi lang ang mga ito ang inihanda mo para kumbinsihin ako?" General Levi frowned. Tuluyan na akong napangiti. Tama nga ako, hindi s'ya basta heneral lang. Isang larawan ang inilagay ko sa harapan n'ya. Kinuha iyon ni General Levi. Gumuhit ang mga gatla sa noo n'ya nang makilala iyon. "Lanie... Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado ang taong ito? Maging ang Incubus?" "Incubus is the name of an organization, an international syndicate to be exact. Sindikatong sangkot hindi lamang sa ilegal na mga gawain sa deep web kundi maging sa mga bansang kinokontrol nito. Nahihirapan ang bawat bansa na tuluyang i-take down ang Incubus dahil sa koneksyon at kapangyarihang mayroon ang pinuno nito." Itinuro ko ang larawang hawak ni General. "That's Juan Luiz Vasque, a Mexican-American at ang pinakaimportante, he's the Incubus' leader. Hindi ganoon kalawak ang organisasyong iyan noong ang lolo pa lang ni Juan Luiz ang namamahala, but when that son of a b***h took over, lumawak ang organisasyon. Incubus almost occupied the dark net. Hindi lang iyon, ginamit n'ya ang lahat ng confidential informations na natagpuan n'ya doon para mapanatili ang kapangyarihan at ang kaligtasan ng organisasyon. Mabilis ang naging development ng Incubus. Lumabas iyon ng Mexico at mas lumawak pa. Isa sa halimbawa doon ay ang kinasangkutan ko noon, ang Aronzaga's Dark Society. And they're moving until now, patunay doon ang mga bagay na nasa harapan mo, General." Itinuro ko ang mga ebidensyang nakalap ko. Naiiling na tiningnan ako ni General Levi. "Hindi ko lubos-maisip na sobrang dami mong alam tungkol sa lahat ng ito." "Pitong taon ang lumipas, General. Hindi ako basta nagtago lang sa mga panahong iyon." Mula sa bulsa ng jacket na suot ay kinuha ko ang tatlong larawang alam kong pamilyar sa kanya. Kung kanina ay gulat lang, ngayon naman ay gulat na gulat si General Levi sa mga larawang inilagay ko sa lamesa. Kinuha n'ya ang mga iyon at pinakatitigan ng mabuti. "Paano mo nakilala ang mga taong ito?" Sinulyapan ko ang mga larawang hawak n'ya. Larawan iyon nina Wilemna Salazar, Nonanette Diego at Gyra Pirea Vasque. "Sila ang makakapagturo sa kinalalagyan ng mga microchips, hindi ba, General?" Nagkibit ako ng balikat nang hindi s'ya sumagot. "Nonanette Diego and Wilemna Salazar are both missing. Nagtatago o kung anuman, walang nakakaalam. And Gyra, she's your daughter, right General?" "Ano at paano mo nalaman ang mga ito, Lanie?" General Levi asked. "Ni kahit kami ay nahirapan at natagalan bago mapagtagpi-tagpi ang lahat ng ito." "I worked for Alpaca, General. It's a worldwide organization at isa si Juan Luiz sa mga philantropist na nagbibigay ng donation sa Alpaca. Active na volunteer ang anak mo kaya nalaman ko ang lahat ng nasa schedule n'ya. Alam ko ding hindi kayo sigurado kung nasa kanya ang isa sa mga microchip pero matutulungan ko kayong makuha si Gyra para malaman ang totoo." "Ang ina ng anak ko ang may hawak sa isang microchip pero bigla na lang iyong naglahong parang bula nang mamatay s'ya sa isang aksidente." Huminga ng malalim si General Levi. "Now, anong alam mo sa anak ko? Kahit si Lyndon ay nahirapang makuha ang schedule ni Gyra." "Tulad ng sabi ko, nagtrabaho ako sa Alpaca kaya hindi mahirap alamin ang tungkol sa kanya. Isang trap ang inihain namin kay Gyra at hinihintay na lang naming kagatin n'ya iyon," salaysay ko. "Namin?" Mas nagtaka s'ya. Ngumiti ako. "Wala man akong ideya sa maaaring pinagtataguan nina Wilemna at Nonanette ay maaaring matulungan namin kayo para mapabilis ang paghahanap sa dalawa. Hindi ka naman siguro maniniwala sa akin General kung sasabihin kong mag-isa lang akong kumikilos, hindi po ba?" "Sino ang kasama mo?" "Anonymous." Isang salita lang iyon pero sapat na iyon para matulala si General Levi. "Anonymous?" Hindi makapaniwalang ulit n'ya. "Tama ba ang narinig ko Lanie?" Mukhang kahit s'ya ay kilalang-kilala ang pangalang iyon. Sino ba naman kasi ang hindi makakakilala kay Anonymous sa dark web? Tumango ako. "Ang isa sa mailap na hacker sa dark web, General. Kung hindi kayo naniniwala ay pwede kong patunayan iyon. Hindi ko nga lang alam kung matutuwa si Kuya kapag nangyari iyon." Agad na nakuha ni General Levi ang gusto kong ipahiwatig. "Ibig sabihin ay s'ya ang dahilan ng mga natatanggal kong report about sa pagpasok ng kung sino sa database ng Prime Crime?" Muli akong tumango. "Next week ay nandito na din s'ya, General. Umaasa kaming isasama n'yo kami sa imbestigasyon ng Prime Crime." "Nasisiguro ko ding hindi lang ang mga ito ang naipon n'yong impormasyon, hindi ba?" tanong n'ya. "Euclidean." Muling nangunot ang noo ni General Levi. "Huwag mong sabihing kilala mo din ang hacker na iyon? Kasama n'yo ba s'ya sa lahat ng ito?" "No, General. Actually... May kutob kaming nasa panig s'ya ng kalaban." "What do you mean?" Namutla ang mukha ni General Levi. Hindi na ako nagtaka. Black hat hacker si Euclidean, iyon pa lang ay sapat na para matakot ang kung sinumang nakakakilala sa kanya. "He might be with Incubus, General." Natahimik si General Levi at muling tiningnan ang mga larawan at ilang bagay na nasa harapan n'ya. Naiitindahan ko ang ginagawa n'ya kaya nanahimik muna ako. Hindi biro ang hinihingi ko at maaaring s'ya ang mapahamak sa oras na pumalpak ako. "Gusto kong malaman kung ano ang iniisip mo ngayon, Lanie," General Levi said after a while. Ngumiti ako ng mapait. "Gusto ko mang gumanti sa nangyari kina Primo ay alam kong hindi ko agad iyon magagawa. Kailangan ko ng tulong ng Prime Crime, General. Gusto kong tumulong para pabagsakin ang Incubus." "Alam mo bang sa oras na ibigay ko sa'yo ang hinihingi mo ay literal na mapupunta sa hukay ang isa mong paa?" "Handa po ako, General," matatag na sagot ko. He released a sigh, a very long one."Hindi magugustuhan ni Sage sa oras na sumama ka sa imbestigasyon. Lalo na at madalas na nasa field ang operation ng Prime Crime." Tumingin ako sa nakabukas na bintana. "Mula noon hanggang ngayon... Walang tiwala sa akin ang kapatid ko, General. Kaya sa inyo ako lumapit." "Alam mo bang inaanak ko si Primo?" Dama ako ang pait sa boses n'ya. Naikuyom ko ang mga kamao ko. Pasimpleng kinalma ko ang damdamin ko. "Nasisiguro kong magagalit s'ya sa akin dahil sa desisyong nabuo ko." Tiningnan n'ya ako. Pakiramdam ko nga ay may gusto pa s'yang sabihin pero hindi na s'ya nagsalita. Nilikom ni General Levi ang mga nasa lamesa. Inipon n'ya ang mga iyon at inilagay sa drawer n'ya. "Alright. Pumapayag na ako." Hinarap n'ya ako at inilahad ang kamay. "Welcome to Prime Crime Agence', Maelanie." Nakangiting tumayo ako at inabot ang kamay n'ya. "Maraming salamat po, General Levi." Tumango si General. "Gusto kong malaman mong pumayag akong isama ka sa imbestigasyon, maging si Anonymous hindi dahil sa mga inihain n'yong baraha sa akin kundi dahil alam kong malaki ang maiitulong n'yo sa imbestigasyon. But I admit it, you really did use your cards very well." "I'll take that as a compliment, General." Napapalatak ang heneral. Itinuro n'ya ang pinto. "Kung ganoon ay tayo na sa conference room. Dahil parte ka na ng imbestigasyon ay nararapat lang na kasali ka na sa mga meeting namin." Iyon lang at tinungo na n'ya ang pinto. Nanatili akong nasa likod ni General Levi hanggang sa makarating kami sa ikatlong silid na nagsisilbing conference room. "Brace yourself, Maelanie," General Levi said. Hinawakan n'ya ang doorknob. "Kilala mo ang Kuya mo. Nasisiguro kong magwawala iyon sa oras na malaman n'yang isinama kita sa imbestigasyon." Tumango ako. "Handa po ako." Bakas ang pagtataka sa mukha ng mga agent nang makita nilang nasa likod ako ni Generak Levi. Dumiretso si General sa pinakasentro ng mahabang lamesa. "Agents, mula sa araw na ito ay parte na ng imbestigasyon si Ms. Inocencio. Dahil hindi naman s'ya opisyal na agent ng Prime Crime ay umaasa akong gagabayan n'yo s'ya hanggang sa magamay n'ya ang mga ginagawa n'yo lalong-lalo na sa operation." Hindi na ako nagtaka nang mapatayo si Kuya sa gulat. I saw Yshmael, titig na titig sa akin ang mga mata n'ya. Mukhang naiintindihan na n'ya ngayon kung bakit naabutan n'ya akong umaakyat ng bintana kagabi. I looked at the white board. Nandoon ang mga larawan at impormasyon na alam ko na din. "Now, sit down agents," General Levi commanded. " Simulan na natin ang briefing sa aktibidad ng Incubus." ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD