Lanie's Pov:
"Now, sit down agents," General Levi commanded. " Simulan na natin ang briefing sa aktibidad ng Incubus."
Napaismid ako nang hindi sumunod si Kuya, maging sina File at Kurt. Nanatili namang nakaupo si Yshmael pero hindi ako iniwan ng mga mata n'ya. Pilit na may hinahanap s'ya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.
"General Levi," Kuya called General's attention. "Hindi ko maintindihan kung bakit nandito ang kapatid ko. O kung anong dahilan at pumayag kayong sumali s'ya sa imbestigasyon natin."
"Oh." General Levi looked at me then to Kuya. "Naiintindihan ko kung marami kang gustong itanong. Malaki ang maiitulong nina Ms. Inocencio sa imbestigasyon natin. Malalaman mo ang lahat ng sagot pagkatapos ng pagpupulong na ito. And by the way, Agent Inocencio, sa mga oras na ito, she's not your sister. Like everyone here, she's Prime Crime's, not official but she's one of us."
"Nina?" Greyson asked. "Ibig sabihin ay hindi lang si Maelanie ang makakasama natin na hindi agent ng Prime Crime sa imbestigasyon, General?"
Walang anumang tumango si General Levi. Natuon ang atensyon n'ya sa folder na nasa harap n'ya. "Magsimula na tayo para masagot na lahat ang tanong n'yo."
Walang nagawa sina Kuya kundi maupo na lang. Ikiniling ko ang ulo ko nang tingnan ako nina Kurt. Alam kong kung may pagpipilian lang sila ay gugustuhin nilang sipain na lang palabas ng silid na ito.
Isang agent na nagngangalang Lucio ang nagbigay ng mga folder sa bawat isa sa amin.
Tumayo si File at lumapit sa computer na nasa may unahan. Bahagyang nagdilim ang silid at agad na lumabas ang larawan ni Juan Luiz Vasque mula sa projector..
"Una sa lahat, kilala naman nating lahat kung sino ang nasa likod ng Incubus..." Itinuro n'ya ang larawan ni Juan Luiz. "Isa s'yang Mexican-American, born to a wealthy family in Mexico. Matalino at laging nangunguna sa klase, nag-iisa din s'yang anak ng ama n'ya na founder ng Incubus. Namatay ang ama ni Juan Luiz sa isang aksidente pero pinaghihinalaan ng buong Prime Crime na kagagawan iyon ng kanyang anak para s'ya na ang mamuno sa Incubus. In short, namuno sa buong organisasyon si Juan Luiz, kasabay niyon ay ang pamamayagpag ng buong organisasyon. Sobrang bilis niyon na hindi inakala ng mga pinuno ng mga bansa na magiging banta iyon sa seguridad ng kanilang mga bansang pinamumunuan..."
Binuklat ko ang folder at nakitang doon nanggaling ang mga sinasabi ni File.
"Kilala ang Incubus sa lahat ng karumal-dumal na gawain. And of course, lahat iyon ay ilegal at lahat ng pinuno ng mga bansa ay nagkaisa para malabanan ang Incubus. Ngunit hindi iyon madali dahil hindi naman lahat ng mga pinunong iyon ay malilinis. Hindi sila makakilos dahil sa nahawakan sila sa leeg ng Incubus. Ginamit ni Juan Luiz ang mga impormasyong nakuha n'ya sa dark web para mahawakan ang mga kumakalaban sa kanya." He paused a bit and eyed us. "They asked us, Prime Crime, years ago. Sobrang tagal na nang simulan ng Prime Crime ang imbestigasyon nila laban sa Incubus pero hanggang ngayon ay wala pa ding pag-usad sa imbestigasyon."
"Hindi ko alam kung alam n'yo ang tungkol dito dahil nasisiguro kong ang babata n'yo pa noon at isa pa lang akong agent..." Tiningnan kami ni General Levi. "Ang kauna-unahang nakatuklas sa kasamaan ng Incubus ay ang mga magulang ni Former Intelligence Agent Seo. At sila din ang kauna-unahang biktima ng Incubus na mula sa atin."
Agad na lumipat kay General ang mga mata ko.
"Parehong agent ng Prime Crime ang magulang ni Primo Angelo Seo. Namatay sila sa pag-iimbestiga sa Prime Crime and later on..." General Levi looked at me. "Sa parehong dahilan ay nawala din ang pinakamatinik at pinakabatng hacker ng Prime Crime."
Hindi ko alam pero parang natahimik ang buong silid. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang nanginginig na kamay.
No. Not now. Pagkausap ko sa kamay ko.
Hindi pwedeng malaman ng kahit sino sa Prime Crime ang tungkol sa panginginig ng kamay ko. Nasisiguro kong mapapatalsik ako sa imbestigasyon sa oras na mangyari iyon.
"Malawak ang koneksyon ng Incubus sa dark web. Bukod sa doon nagaganap ang halos lahat ng transakyon sa mga aktibidad nila ay madami na din silang hawak na hacker na ginagamit nila para tuluyang masakop ang mundo ng dark net. Swerte pa nga lang tayo dahil mukhang hindi pa nila nahahawakan ang pinakamagagaling na hacker na nanatiling mailap sa mundong iyon," pagpapatuloy ni File.
Nanatili akong nakikinig sa mga sinasabi n'ya. He's Caliber in dark net at nasisiguro kong kaunti na lang at mapapabilang na din s'ya sa pangalan ng mga hacker na kinatatakutan sa mundong iyon.
"Kilala ang Incubus sa mga ilegal na gawain. Drug productions, ito ang pinaka-common na gawain nila. May mga laboratory sila sa mga tagong bayan ng bawat bansa para makagawa ng mga droga. Sila din ang pinagkukunan ng halos siyamnapung porsyento ng droga sa buong mundo. Sobrang laki na niyon kaya kung mawawala sila ay mawawala din ang mga small time drug syndicate na naglipana sa bawat bansa."
Napaismid ako sa narinig. Hindi ko akalaing maririnig ko talagang common ang paggawa ng droga. Well, ang Incubus ang nasa likod niyon kaya hindi imposible iyon.
"Hindi lang drug trafficking. Woman trafficking na ang lahat ng biktima ay mga babaeng edad disi-otso pababa. Mga babaeng mula sa mga mahihirap na pamilya at ibinebenta nila ang mga iyon sa mayayamang customer mula sa iba't-ibang bansa. Hindi lang dito sa bansa natin kundi sa lahat ng bansa ay apektado sa ganitong uri ng gawain ng Incubus."
Muling pumindot si File sa computer. Ang kaninang larawan ni Juan Luiz ay napalitan ng iba't-ibang larawan tungkol sa mga gawain ng Incubus. Iba't-ibang larawan ang mga iyon pero lahat ng iyon ay karumal-dumal at mga demonyo lang ang makakagawa ng mga iyon.
"May malaking hawak din ang Incubus sa Silk Road. Bukod sa mga babae at droga ay nagbebenta din ng mga ilegal na armas ang Incubus. Talamak iyon sa lahat ng uri ng black market sa dark net. Katulad nga ng sabi ko ay malawak ang koneksyon ng Incubus sa dark net kaya ganoon din kalawak ang gawain nila doon. Sobrang dami ng ilegal na gawain ang mayroon ang Incubus at sa lahat ng iyon ay sangkot ang dark net kaya masasabi kong pinamumugaran na ng mga galamay ng Incubus ang bawat bahagi ng dark net..."
Muling napalitan ng ibang larawan ang mga nanunang larawan.
"Isa ito sa dalawang gawaing pinagkakakitaan ng malaki ng Incubus. Organ Harvesting..." He sighed. "May mga parokyano ang Incubus na nangangailangan ng iba't-ibang organs. Ang ginagawa ng Incubus ay nangunguha sila ng mga bata at mga dalaga mula sa iba't-ibang bansa. Itinatago nila ang mga biktimang nakukuha nila sa mga lugar na hindi natin inaasahan. Dumadaan sa bidding party ang bawat biktima at walang awang kinukuha ang mga organs nila para sa mga mayayamang parokyano nila."
Muli kong binuklat ang hawak na folder. Nandoon ang kompletong impormasyon tungkol sa sinasabi ni File. Hindi nga lang ganoon karami ang impormasyon nila tungkol sa Organ Harvesting bukod pa sa nasa sampung porsyento lang yata ang mga biktimang nailigtas nila.
"It was called a farm," File continued. "Sobrang hirap nga lang ang Prime Crime na malaman o mahanap man lang ang kahit isa sa mga iyon."
Muling nagkaroon ng bagong larawan sa malaking screen.
"Red Room..."
Pinigilan kong mapapikit nang marinig ang dalawang salitang iyon. Agad na nanariwa ang karanasan ko tungkol doon.
"Sa lahat ng gawain ng Incubus ay ito ang pinakamalaki ang kita nila.
Masigla ang aktibidad ng Incubus na sangkot ang Red Room. Tumataas ang bilang ng mga taong nawawala sa iba't-ibang bansa at nagiging subject ng torture entertainment sa Red Room. Dumadami na din ang mga parokyano ng Red Room na pawang mga may sinasabi sa buhay o may mga mataas na katungkulan sa pamahalaan ng bawat bansa."
Itinaas ni File ang folder na hawak n'ya, katulad iyon ng sa amin.
"Lahat ng kompletong impormasyon ay nasa folder na ito. Mahigit isang dekada na mula nang simulan ng Prime Crime ang imbestigasyon sa Incubus pero dahil sa kawalan ng ebidensya ay hindi iyon naging matagumpay. But it's different this time, ang lahat ng nasa folder na ito ay ang mga impormasyong nakalap ng Prime Crime sa tulong ni Lyndon noong naging kasapi s'ya ng Incubus at ang mga impormasyong mula sa iba't-ibang intel ng ahensya."
Muling napalitan ang mga larawang nasa screen. Larawan iyon ng tatlong babaeng kanina lang ay ipinakita ko kay General Levi.
"Ang tungkol sa kanila ang huling impormasyong naipadala ni Agent Estrella." Bahagya pang nanginig ang boses ni File nang banggitin si Lyndon.
Tumikhim muna s'ya bago nagpatuloy. "Ayon sa impormasyong nakalap ni Agent Estrella, may tatlong microchip na naglalaman ng lahat ng ebidensyang magpapabagsak sa Incubus at ang tatlong babaeng nasa larawan ang naghahawak sa mga iyon. They are the key to end this war..."
"But they are nowhere to be found. Hanggang ngayon ay hindi n'yo pa din nalalaman ang whereabouts nila, hindi ba?" Ramdam ko ang disappointment sa boses ni General Levi.
Yumuko ang mga agents.
"Wilemna Salazar," itinuro ni File ang larawan ni Wilemna. "She's also Waltz in dark net at nasangkot din s'ya sa Aronzaga's Dark Society. S'ya ang naging susi para magkaroon ng butas ang ADS at magkaroon ng lead ang Prime Crime sa Incubus. Unfortunately, she's still missing. May sampung taon na s'yang nawawala at wala pa ding nakakaalam kung paano napunta sa kanya ang microchip ng Incubus."
I looked at Kuya. Wala man lang s'yang naging reaksyon.
"This is Nonanette Diego." Itinuro ni File ang larawan ng isa pang babae. "Bago si Agent Estrella, Agent Diego was our spy in Incubus. Nakabase s'ya sa Mexico ngunit pagkatapos n'yang bigyan ng tip ang ahensya sa Mexico seven years ago ay nawala na din s'ya. Katulad ni Wilemna ay hindi pa din s'ya nahahanap. Isa lang ang sigurado, hawak n'ya ang isa sa tatlong microchip."
Larawan ni Gyra ang pumalit sa larawan ni Nonanette.
"She's Gyra Pirea at alam nating lahat na anak s'ya ni General Levi sa ex-wife n'yang Mexican na anak naman ni Juan Luiz ng Incubus. Sa ngayon ay ang lokasyon pa lang n'ya ang may linaw. Ang ina ni Gyra ang humahawak ng microchip ay naaksidente matapos n'yang kontakin si General Levi para ibigay ang microchip. Kasabay ng pagkamatay ng ina ni Gyra ay ang paglalaho ng microchip. Kumukuha pa ng timing ang Prime Crime para makuha si Gyra ngunit walang kasiguraduhan kung nasa kanya nga ang isa sa mga microchip."
Nawala ang mga larawan at muling lumiwanag ang silid.
"Sa ngayon ay hinahanap pa din ng Prime Crime sina Wilemna at Agent Diego. Ngunit abala din ang buong ahensya para pilayan ang aktibidad ng Incubus. Ang bawat ahensya sa lahat ng mga bansa ay kumikilos na para pilayan ang bawat galamay at gawain ng Incubus."
Lahat ay natahimik pagkatapos ng briefing ni File. Naupo na ang lalaki sa tabi ni Kurt.
"Miss Inocencio," General Levi called me. "Kailangan ka nilang marinig."
Tumango ako at tumayo na. Tinitigan ko muna sila isa-isa bago nagsimula.
"Makakatulong ako para makuha n'yo si Gyra at madala dito." Napataas pa ang kilay ko nang mangunot ang mga noo nila.
"At paano mo gagawin iyon, Miss Inocencio?" Yshmael crossed his arms.
Hindi ko pinansin ang pamilyar na senaryong kasalukuyang nangyayari.
"Katulad ng sinabi kani ni General Levi ay hindi lang ako ang bago n'yong makakasama sa imbestigasyong ito. The term nila. And my partner and I made a trap for Gyra."
"Trap." Again, si Yshmael. "Paano ka makakatulong sa pagdadala dito kay Gyra kung trap pa lang pala?"
Napaismid ako. "Limang taon naming plinano ang lahat ng ito. Limang taon kaming naghintay ng tamang pagkakataon kaya nasisiguro kong kakagat si Gyra sa trap na ginawa namin..." I eyed him. "In two days or three ay nasisiguro kong kakagatin na n'ya ang trap na inihain namin."
"Pwede mo bang sabihin sa amin ng tungkol sa trap na sinasabi mo?" General Levi asked.
"Kada limang taon ay may pribadong pagtitipon ang lahat ng malalaking taong nagbibigay ng malalaking kontribusyon sa Alpaca..." I paused. "Nasisiguro ko namang may ideya kayo sa kung ano ang Alpaca kaya hindi ko na iyon ipapaliwanag. Hindi magagawang maka-attend ni Juan Luiz... No, hindi talaga s'ya makakapunta dahil sa kalagayan ng Incubus sa bansa natin. But hindi din naman pwedeng walang a-attend in his part kaya nasisiguro kong ang apo n'ya ang pupunta dito."
"How sure are you?" This time ay si Kuya naman ang umatake sa akin.
"Agad na aalis ako sa imbestigasyon sa oras na mali ako," matatag na sabi ko.
Naaaliw na tiningnan ako ng ibang agent.
"And for Wilemna and Nonanette's case... Makakatulong ng malaki ang partner ko para mapabilis ang paghahanap sa kanila."
"Sinong partner?" Kurt asked.
Ikiniling ko ang ulo ko at ngumiti ng matamis. "Anonymous."
The agents' jaw dropped.
"I'm working with Anonymous for five years now..." Tiningnan ko ang mga gulat na mukha nila. "At s'ya din ang dahilan kung bakit lahat ng alam n'yo tungkol sa Incubus ay alam ko din. Well, I can say na mas lamang ang knowledge namin kumpara sa mga nakalap n'yo."
"Ang sinasabi mo bang Anonymous ay ang Anonymous na kilala namin?" File asked.
"The Anonymous that's on the top of pyramid in dark net," I said.
"Mapapatunayan mo ba ang mga claims mo?" Yshmael asked.
I chuckled. Kinuha ko ang burner phone ko at tinawagan ang taong pinagdududahan nila.
"Mi Amor, ano ang nangyari? Did General Levi agreed?"
"Yeah," sabi ko. "But the agents here..." I eyed Kuya and Yshmael. "Gusto nila ng katunayan na ikaw at ang kilala nilang Anonymous ay iisa."
Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko nang humalakhak s'ya ng malakas. "Alright. Alright! Then, should I do something for that?"
"Yeah." Tumango pa ako.
Ilang segundo lang yata bago may isang agent ang hinihingal na pumasok ng conference room.
"What is it, Agent Lio?" Kahit si General Levi ay nagulat sa biglang pagpasok ng agent.
"I'm sorry General but this is urgent," hingi n'ya ng paumanhin bago hinarap si Kuya. "Sir, may nakapasok po sa system natin."
Agad na napatayo si Kuya. Napailing na lang ako sa ginawa ni Anonymous.
"Anong sabi mo?" Kuya asked.
"Katulad po iyon ng pumasok sa atin noong mga nakaraang araw," namumutlang dagdag ng agent
"Sapat na sigurong proof iyan, hindi ba?" tanong ko.
"Ako na ang bahala." Tumayo si Yshmael. Tiningnan n'ya muna ako bago lumabas ng silid kasunod si Agent Lio.
"Eros is on his way," pagbibigay-alam ko kay Anonymous na hanggang ngayon ay natatawa pa din.
"Hmm... Should I play with your ex-lover, Mi Amor? I think, I should atleast say hi to him through set of codes?" Muli s'yang tumawa.
Hinayaan ko na lang s'ya sa trip n'ya. I tapped the phone two time then turned it off.
"Gusto kong malaman kung bakit ilang beses na n'yang napapasok ang system ng Prime Crime," Kuya asked.
"Dahil bukod sa s'ya si Anonymous ay s'ya din ang katulong ko para makuha ang mga ebidensyang sinadya n'yo sa El Dela Paz at Candelarya," saad ko.
"Huwag mong sabihing ikaw ang nasa likod ng pananabotahe sa misyon ng Prime Crime, Lanie?" Tumingin pa si Greyson kay General Levi pero nang makitang kalmado lang ang heneral ay tumutok na sa akin ang mga mata n'ya.
"Well... Sapat na ba iyon para hindi n'yo na kwestyunin ang kapasidad ko bilang isa sa inyo?" malamig ang boses na tanong ko.
"Ikaw ang nagpatumba ng mga tauhan ng Club Hera at maging ang mga maskuladong bantay sa pabrika sa El Dela Paz?" hindi makapaniwalang tanong ng isang agent.
Dumako ang mga mata ko sa pangalang nasa kanang dibdib n'ya. Gregorio, Ion C.
Tumango ako. "Pwede mo akong subukan kung hindi ka naniniwala, Agent Gregorio."
"That's not what I mean," pagtanggi n'ya. "Humahanga lang ako dahil sobrang linis ng pagkakagawa mo. Ni kahit katiting na bakas ay wala kaming nakuha. At mas nakaka-amaze na isang babae pala ang gumawa ng lahat ng iyon."
Napatango ako. "Oh, I'm sorry for that."
"Nasaan ang mga ebidensyang kinuha mo?" Kuya asked. Nasa mga mata n'ya ang disappointment.
"Ibinigay na n'ya ang lahat sa akin, Agent Inocencio." Si General Levi ang sumagot. "Ibibigay ko na din ang mga iyon sa kapulisan pagkatapos ng meeting na ito."
Inis na tiningnan ako ni Kuya. Hindi ko alam kung bakit disappointment ang nakikita ko sa mga mata n'ya.
Kahit paano ay umasa ako na matutuwa s'ya sa mga ginawa ko. Na atleast ay mare-realize n'yang hindi na ako ang iyaking kapatid n'ya na kailangan laging bantayan at proteksyunan. Kabaliktaran ang emosyong nakikita ko sa kanya.
"Miss Inocencio, sabihin mo din sa kanila ang isa sa mga dahilan kung bakit pumayag akong isama kayo ni Anonymous sa imbestigasyon," sabi ni General Levi.
Muling tumutok sa akin ang buong atensyon ng mga agent. Ang ilan sa kanila ay nakabawi na sa mga sinabi ko.
"Kilala n'yo si Anonymous..." simula ko. "Kaya nasiaiguro ko ding kilala n'yo si Euclidean."
Kunot noong tiningnan ako ni Kalvin. "Huwag mong sabihing kasama din s'ya sa salitang nila?"
Umismid ako. "No. Hindi naman lahat ng may kahanga-hangang talento ay ginagamit iyon sa kabutihan..."
"Euclidean is a black hat hacker. Hindi lang iyon, kasing-ilap s'ya ni Invader." Tumitig sa akin si File.
Tumango ako at kinumpirma ang hinala n'ya. "Malakas ang hinala namin that Euclidean is with Incubus."
Tumayo si General Levi. "Ito din ang dahilan kung bakit pumayag akong isali sila sa imbestigasyon. Lahat ng nasa Prime Crime ay alam kung gaano kapanganib si Euclidean sa mundo ng dark net at kung parte na nga s'ya ng Incubus ay nasisiguro kong mas mahihirapan tayo sa gagawin nating pagpapabagsak kay Juan Luiz."
Kuya heaved a sigh. Napapikit pa s'ya sa sobrang pagkadismaya sa naging desisyon ni General Levi.
❤