Chapter 13- The Missing Link

2976 Words
Lanie's Pov: "Mukhang marami pero nasisiguro kong kakaunti pa ang mga impormasyong nakalap natin kahit pa pagsama-samahin natin ang mga iyon. At wala tayong magagawa kundi mas pag-igihan pa ang paghahanap sa mga microchip. Dahil hindi sapat ang mga nakalap nating ebidensya mula sa mga galamay ng Incubus. Kakaunti lang iyon at walang bigat na epekto sa kanila," paliwanag ni General Levi. Inayos ko ang mga papeles na nasa folder. Kanina ko pa chineck ang mga iyon pero wala talaga doon ang files ni Lyndon. "Sa ngayon ay walang magagawa ang buong ahensya ng Prime Crime kundi pilayan ang Incubus. Ang target ng ahensya ay pabagsakin ang mga galamay ng international syndicate na ito gaano man iyon kalaki o kaliit. Hindi lang dito sa bansa natin kumikilos ang Prime Crime kundi maging ang lahat ng sangay ng ahensya sa lahat ng bansa ay kumikilos na din. Nagtutulong-tulong ang lahat para masugpo ang Incubus. At hangga't hindi pa nakikita ang tatlong microchips ay wala tayong gagawin kundi ang bigyan sila ng problema para mahati ang atensyon nila," dagdag pa ni General. Nagtaas ako ng kamay. "Hindi po ba at ganoon din ang ginagawa ng Incubus?" Natuon sa akin ang atensyon ng mga nasa silid. Ikiniling ko ang ulo ko. "Ginagawa ng Prime Crime ang pananabotahe sa Incubus para mabigyan pa ang ahensya ng oras sa paghahanap sa mga humahawak sa microchips. Pero hindi po ba at ganoon din naman ang ginagawa ng Incubus? Maaari ding kumikilos na sila para itumba ang bawat taong paghihinalaan nilang agent ng Prime Crime." "May gusto ka bang sabihin sa amin, Ms. Inocencio?" General Levi sat down. Tumayo ako. "Tatlong agent ng Prime Crime ang natagpuang patay sa Russia. Ngunit lahat sila ay mula sa iba't-ibang sangay ng Prime Crime. Nagmula sila sa Angola, Ohio at Pakistan. But Incubus put their bodies far away from the agent's homeland. Hindi lang iyon, may mga Russian Agent din na mula sa Prime Crime na hanggang ngayon ay nawawala pa din." "Paano mo nalaman ang lahat ng iyon?" Kuya Sage asked. "Ibig bang sabihin ay pinasok din ni Anonymous ang database ng Prime Crime sa Russia?" Napatawa ako. "No. Hindi na kailangang pasukin ni Anonymous ang database ng Prime Crime doon. Hindi naman ganoon kadami ang natatagpuang patay sa lansangan at mga bakanteng lote o liblib na lugar sa Russia. Hindi din ganoon kalaki ang populasyon ng mga nawawala doon kada taon. Nakakaduda nga lang na may mga dayuhang natatagpuang wala ng buhay sa lansangan ng Russia pero ni hindi iyon nabalita o kaya naman ay hindi iyon naging isyu man lang sa pagitan ng pamahalaan ng Russia at ng mga bansang pinagmulan ng mga biktima. So... We did a research about the dead bodies at doon nga namin nalaman ang katauhan ng mga biktima." "Iyan din ang iniisip ng pamunuan ng Prime Crime," maya-maya ay sabi ni General Levi. "Na maaaring sinasabayan na ng Incubus ang pagkilos natin. Kung tayo ay gumagawa ng dahilan para mapilayan sila, sila naman ay kumikilos na din at iniisa-isa ang bawat agent ng ahensya. Kaya nga naging istrikto na ang rules ng Prime Crime, ang bawat misyon ay isinasagawa na ng isang team na responsable doon." "I have a question, General Levi." I looked at him. Mas tumalim ang mga mata ni Kuya sa akin. Pakiramdam ko nga ay gusto na n'ya akong ihagis palabas ng conference room. Kinuha ko mula sa jacket ko ang mga larawan ng mga agent na namatay na. Hindi lang iyon larawan ng tatlong nakita sa Russia kundi maging ng mga agent na natagpuang patay sa mga bansang malayo sa kanilang tahanan. Inilapag ko ang mga iyon sa lamesa Agad na nabalot ng galit ang mga mata ng mga agent na tumingin sa mga larawan. "These are the pictures of those agents. Nagawa naming makakuha ng ilang larawan ng bangkay nila bago pa man sila maiuwi sa mga bansa nila. Nakakuha din kami ng kopya sa autopsy report nila na hindi man lang inilabas sa publiko." I looked at General Levi. "Ang ipinagtataka ko lang General, lahat ng mga agents na natagpuan ay namatay dahil sa internal and external injuries na natamo nila. Hindi man magkakatulad ang sugat at mga pasang nakuha nila pero nasisigurong iisa lang ang nangyari sa kanila. Lahat sila ay dumaan sa matinding pagpapahirap. And mukhang kahit hindi ko ipaliwanag ay pamilyar sa lahat ng nandito na baka lahat sila ay naranasan ang red room." Napabuntong-hininga si Kuya. Sina File at Kurt naman ay napatingala sa galit. Ang iba ay agad na kinalma ang sarili sa tindi ng emosyon. "Pero ang ipangtataka ko..." Inisa-isa ko ang mga larawan. "Lahat sila ay dumaan sa malagim na kamatayan pero hindi si Agent Lyndon Estrella..." "Maelanie!" Mailap ang mga mata ni Kurt. Napatayo pa s'ya pero agad din s'yang naupo at inihilamos ang kamay sa mukha. "Please... Just don't mention him." Alam kong nasasaktan pa din s'ya pero malakas ang kutob kong may iba pang nangyari bago namatay si Lyndon. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung ano iyon. Wala na si Primo, wala na din si Lyndon kaya ako na ang magtutuloy ng labang sinimulan nila. Sana lang ay magawa kong tapusin ang labang ito. "Anong gusto mong sabihin, Miss Inocencio?" si General Levi. Nasa mga mata n'ya ang pagtataka. "I was told that Agent Estrella was shot on his head. Iyon din ang ikinamatay n'ya..." panimula ko. "Yes at ipinadala ang katawan n'ya sa main bramch ng Prime Crime." Kuya Sage cut me off. "Malinaw na warning iyon sa buong ahensya ng Prime Crime." "Bakit pakiramdam ko ay may kwento pa sa likod niyon?" Alam kong kakasali ko lang sa imbestigasyon pero kailangan kong makumpirma ang hinala ko. "Continue," General Levi told me. "Hindi pinahirapan si Lyndon. Oo nga at binugbog s'ya pero hindi katulad ng ibang agents. Personal na ipinadala din ng Incubus ang katawan n'ya dito mismo sa bansa n'ya..." "Anong gusto mong palabasin?" Again, Kuya Sage cut me off. I sighed. He really won't stay still. "I studied profiling for five years." Nakita ko ang gulat sa mukha ng mga kaibigan ni Yshmael ganoon din kay Kuya. "Kaya nasisiguro kong may kung anumang nangyari bago namatay si Lyndon. Isang bala din lang ang tumapos sa buhay n'ya. Walang fingerprints, but I have a hunch that it's Juan Luiz who killed him." "Hunch lang iyon, Maelanie," si Greyson. "But all of you are agents. Kasama sa trabaho n'yo ang pagdudahan ang lahat ng bagay, hindi ba?" Tumaas ang kilay ko. Kahit si Kuya ay nag-iwas ng tingin. I hit the right spot! "So, katulad ng sabi ko, I studied profiling. Hindi ko nga lang makukumpirma ang hinala ko dahil kailangan ko pa syempreng makita ang file ni Lyndon. Ang lahat ng impormasyon sa pagkamatay n'ya, sa estado ng katawan n'ya nang dalhin s'ya dito at ang lahat-lahat ng tungkol doon. But... Isa lang ang nasisiguro ko, Juan Luiz adored him to the point na hindi na n'ya pinaranas kay Lyndon ang red room. Isang bala din lang ang bumaon sa ulo ni Lyndon, nandoon ang pagpapahalaga ni Juan Luiz sa huling sandali ni Lyndon." "Sinasabi mo bang naging parte ng Incubus si Lyndon?" Tumaas ang boses ni Kurt. "Ano bang alam n'yo sa naging buhay ni Lyndon mula nang umalis s'ya dito?" I asked them. Walang sumagot kaya nagpatuloy ako. "Hindi ko pinagdududahan si Lyndon. Ang sinasabi ko dito ay may bagay na nag-uugnay kay Lyndon at Juan Luiz kaya mismong si Juan Luiz ay hindi nagawang pahirapan ng sobra si Lyndon katulad ng mga agent na nahuli ng Incubus. Lyndon was sent here, sa sarili n'yang bansa kahit pa nga ang lahat ng agents na pinatay ng Incubus ay sa malalayong bansa ipinatapon. Hindi iyon warning lang, Juan Luiz adored him. At iyon ang nawawalang link, iyon ang kailangan nating malaman dahil nasisiguro kong kapag nalaman natin iyon, may mga impormasyong malalaman pa tayo na hindi na nasabi sa atin ni Lyndon." "May impormasyon o kahit anong bagay ka ba na susuporta sa mga claims mo?" General Levi asked. "Hindi lang si Lyndon ang namatay sa kamay ng Incubus ng araw na iyon," I answered na ikinalaki ng mga mata nila. "A Russian chemist named Kronos Madrid was killed also." "Isa s'yang Chemist under Incubus ngunit matagal na s'yang nawawala. Paanong napunta s'ya sa lugar na iyon?" Takang-taka si Kuya Sage. Mukhang nakalimutan na n'ya na badtrip s'ya sa akin. Kinuha ko ang larawan ni Lyndon at tumayo. Idinikit ko iyon sa white board. "May alam kayo sa microchips, hindi ba?" Naiiling na tiningnan ko sila. "Pero ni hindi n'yo man lang ba nalaman kung sino ang taong nasa likod ng pagkakaroon ng mga microchips? Na kung hindi dahil sa taong iyon ay baka walang pag-asa ang Prime Crime na maibagsak ang Incubus." Tila iisang taong tiningnan nila ako. Umismid ako at mabigat ang loob na inilagay ang larawan ni Kronos Madrid sa white board. Naglagay ako ng kaunting pagitan sa larawan n'ya at ni Lyndon. "Kronos Madrid, he's the one who created those microchips. And he was killed sa araw na namatay din si Lyndon. Malaki ang posibilidad na magkasama sila sa huling araw nila o kaya ay nagkita sila bago sila namatay. Pero dumaan sa matinding pahpapahirap si Kronos ngunit hindi si Lyndon. There's also a private video in red room na ang biktima ay si Kronos kaya nakumpirma ko na naging biktima s'ya sa red room katulad ng mga agents na nahuli ng Incubus. Doon na din s'ya binawian ng buhay." "Maaaring personal na magkakilala silang dalawa." Si General Levi na ang nagsaboses ng hinala ko. "Maaari ding iisa ang dahilan ng pagkamatay nila." Tumango-tango ako at hinawakan ang marker. Naglagay ako ng question mark sa espasyo sa pagitan ng larawan ng dalawa. "Microchips. Maaaring may nalamang impormasyon si Lyndon tungkol sa mga microchips na mula mismo kay Kronos. Iyon nga lang ay hindi na natin malalaman kung ano iyon dahil pareho na silang wala." Nag-drawing ako ng arrow sa larawan ni Lyndon at Juan Luiz. "At isa lang ang paraan para malaman natin kung ano ang impormasyong iyon. Iyon ay ang malaman natin kung ano ang talagang naging ugnayan ni Lyndon sa pinuno ng Incubus. Kung bakit may pagpapahalaga sa kanya si Juan Luiz." "Hindi n'ya papatayin si Lyndon kung pinapahalagahan n'ya ito," bulong ni File pero narinig ko pa din iyon. "He's Juan Luiz, File. Walang mas mahalaga sa kanya kundi ang Incubus," malungkot na saad ko. "Walang kahit sino sa Prime Crime ang nakakaalam kung paano nakakakuha ng impormasyon si Lyndon tungkol sa Incubus," wika ni Greyson. Tumango si General Levi. "He resigned from his position in Prime Crime. Wala nga lang linaw iyon kaya hindi iyon inaprubahan. Bigla na lang s'yang nawala at hindi na namin s'ya nahanap. Years later, nagsimula na s'ya sa pagpapadala ng mga coded information tungkol sa Incubus. Doon lang namin nalaman na nasa Mexico na s'ya. Ang tanging naisip naming dahilan ay nag-eespiya s'ya sa Incubus lalo na at kokontakin n'ya lang ang Prime Crime sa tuwing may ipapadala s'yang impormasyon." "Ni kahit minsan ay hindi n'ya kami kinausap ng personal," mahinang sabi ni Kurt. "At ang huling impormasyong naipadala n'ya ay ang tungkol sa microchips at sa mga taong nangangalaga doon." Wala sa sariling napatingin ako sa larawan mg tatlong babae. "Then, kung kasama si Gyra sa impormasyong ipinadala n'ya, sigurado s'yang nasa anak mo General Levi ang isa sa mga microchip." Lahat ay napaisip sa sinabi ko. Napatango pa nga ang ilan nang maintindihan ang gusto kong sabihin. Napapikit si General Levi. "Before Lyndon died, he called me. May sinasabi s'ya tungkol sa isang bagay na nililikha ng Incubus ngunit hindi na n'ya nasabi iyon dahil nawala na s'ya sa sa linya." Kahit ako ay nanakit ang ulo. Agad na sumagi sa isipan ko ang tungkol sa delikadong bagay na nakita ni Anonymous sa dark net na gustong likhain ng Incubus. Bakit pakiramdam ko ay iisa lang iyon at ang sinabi ni Lyndon kay General Levi? I looked at Lyndon's picture. What is the thing that you discovered? At ano ang sinabi sa'yo ni Kronos Madrid? "Papasukin ba natin ang database ng Incubus?" Lahat kami ay napatingin kay File. Punong-puno ng determinasyon ang mga mata n'ya. "Iyon lang ang paraan para malaman natin kung ano talagang nangyari kay Lyndon sa mga taong nasa Mexico s'ya. Kung nag-espiya lang ba s'ya doon o pumasok s'ya mismo sa Incubus para makakuha ng mga impormasyong ipinadala n'ya sa atin," dagdag pa n'ya. Gusto kong mapapikit sa narinig. Ayokong tanggapin pero ang ikalawa ang pinakaposible. Hindi ko nga lang alam kung paano nangyari iyon. "Hindi nga lang natin iyon mapapasok nang hindi gumagawa ng plano. Lalo pa kung totoo ngang nasa panig nila si Euclidean," nahahapong sabi naman ni Greyson. "And we're talking about Incubus here." Hindi lang ilang hacker ang pomoprotekta sa system nila. Kaunting pagkakamali lang natin at nasisiguro kong mapapahamak ang buong Prime Crime," sabi naman ni Agent Jigz. "Gagawin ba talaga natin iyon, General?" Kuya asked. Lahat kami ay natuon ang atensyon sa kanya. Biglang nawala sa paningin ko ang kapatid ko, napalitan iyon ni Maser. "Maaaring wala sa database ng Incubus ang tungkol doon. Kung susuong na din lang tayo sa panganib, bakit hindi na lang ang dark web ang pasukin natin?" Nangingislap pa ang mga mata ni Kuya nang sabihin n'ya iyon. Pakiramdam ko ay nagtaasan ang mga balahibo ko sa narinig. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko ang katauhan ni Kuya Sage bilang hacker. "So, Maser is out?" One of the agents teased him. Nanantiyang tiningnan s'ya ni General Levi bago humarap sa akin. "Kailan ang dating dito ni Anonymous, Miss Inocencio?" "This week or next week, General," sagot ko. This is war. Hindi lang sa pagitan ng Incubus at Prime Crime kundi pati na din sa pagitan ng mga pinakamagagaling na hacker sa mundo ng dark web. "Then... Sa oras na dumating s'ya ay magsisimula na tayong magplano para pasukin amg database ng Incubus. Sa ngayon ay mananatiling may tatlong team tayo. Ang team 1 para sa pagsira sa mga galamay ng Incubus, team 2 para sa paghahanap sa mga microchips at ang team 3 ay para sa safety and security ng system ng Prime Crime," salaysay ni General. Lahat kami ay nagtanguan. "Miss Inocencio," General Levi called me. "Mapapasama ka sa team 1 at alam ko ding gusto mong magkaroon ng access sa file ni Lyndon para mapag-aralan iyon, hindi ba?" Yumukod ako. Nadoble ang kabang nararamdaman ko sa posibleng makita ko sa file ni Lyndon. Hindi pa yata ako handa sa oras na may iba akong matuklasan. "Ask Agent Inocencio for Lyndon's File. S'ya ang magbibigay niyon sa'yo." Tumayo si General Levi at hinarap kami. "Tapos na ang meeting natin at umaasa akong magkakaroon na tayo ng malinaw na patutungahan. Oras na para tayo naman ang katakutan ng Incubus." Agad na sumaludo ang mga agent sa heneral. Lumabas na ng silid si General Levi at agad na sumunod sa kanya ang mga agent. Tanging sina File, Kurt, Greyson, Kalvin at Kuya Sage lang ang naiwan. Inayos ko ang folder na hawak ko. "Sigurado ka bang sasali ka sa imbestigasyon ng Prime Crime, Lanie?" Lumapit si Greyson sa akin. Ikiniling ko ang ulo ko. "Ang alam ko ay kasali na ako." Sabay pang napabuntong-hininga sina Kurt at Kalvin. Namomroblemang napaupo naman si Greyson sa upuang nasa gilid ko. "Hindi magugustuhan ni Primo kung sasali ka sa imbestigasyon namin, Lanie." File approached me. Kaagad na itinaas ko ang kamay ko para pigilan s'ya. "Stop, File. Nakapagdesisyon na ako at hindi na mababago iyon." "Pwede ko bang makausap ang kapatid ko, agents?" Lumipat kay Kuya ang mga mata ko. Hindi s'ya nakatingin sa amin. Nasa white board ang mga mata n'ya. Tinapik pa ni Greyson ang balikat ko bago lumabas ng silid. Agad namang sumunod sa kanya ang tatlo pa. Ayaw pa ngang umalis ni Kalvin pero pinandilatan ko s'ya. Nanatili akong nakatayo habang yakap-yakap ang folder at nakatingin kay Kuya. Hinihintay ko ang kung anumang sasabihin n'ya pero ilang minuto na ang dumaan ay hindi pa din s'ya nagsasalita. "What happened to Primo is not your fault, Maelanie," he said after a while. Kuya Sage looked at me. Pakiramdam ko ay nabingi ako sa narinig. Hindi ko inaasahan na iyon ang maririnig ko mula sa kanya. Pang-ilan na ba s'ya sa mga taong nagsabi niyon sa akin? Hindi ko na mabilang pa at iisa lang ang nararamdaman ko sa tuwing maririnig ko ang mga salitang iyon. Para akong pinapatay. Parang inaasinan ang sugat sa puso ko na nanatiling sariwa kahit pa ilang taon na ang lumipas. "Ang mga nangyari seven years ago..." Nagpatuloy s'ya at hindi man lang n'ya naoansin ang panginginig ng mga balikat ko. "Ang pagkamatay ni Primo, ang pagpapakamatay ni Rhosean aT ang nangyari kay Lyndon. Hindi mo kasalanan ang mga iyon, Lanie." "Stop..." I whispered but he continued. "Huwag mong ikulong ang sarili mo sa nakaraan. Tigilan mo na ang kasisisi sa sarili mo dahil wala ka namang kasalanan sa mga nangyari. Aksidente ang nangyari kay Primo. He and Lyndon chose that. Hindi mo hawak ang mga iniisip nila at wala kang kontrol sa mga desisyon nila. It's time to let go of your guilts, Lanie." Agad na nag-unahan ang mga luha ko sa pagpatak. Nabitawan ko ang folder na hawak ko. "Please, Lanie..." Humakbang palapit si Kuya. "Ayokong makitang nagkakaganyan ka. Tama na sis, hayaang mong kami na lang ang maghanap ng hustisya para kina Primo." Luhaang humarap ako sa kanya. I saw Kuya's cold eyes, agad na lumambot ang mga iyon nang makita ang itsura ko. "Paano mo nagagawang sabihin sa akin ang mga iyan, Kuya? Paano mo nagagawang pangunahan ang mararamdaman at iisipin ko? Paano?" Naiiling na naiyak ako. ❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD