CHAPTER THREE

1069 Words
DIEGO POV ANG MALAKAS na pagsigaw ng Nanay niya ang nagpagising sa diwa niyang inaantok pa. "Hoy, Diego! Nasaan na ang pera ko? Akin na at nang makabili na ko ng alak." Malakas na bulyaw ng Nanay Tinay niya. Bumalikwas siya ng bangon at pakamot-kamot sa ulo habang kinukuha ang isang libo pera nasa bulsa ng bag niya. Inabot niya kaagad iyon sa Nanay niya na nakatayo sa hamba ng pinto ng kuwarto niya. Marahas naman nito kinuha ang pera. "Ikaw, Diego. Maghanap ka naman ng ibang trabaho na malaki ang kitaan. Dapat pumasok ka na lang sa may Adonis. Malaki ang bigayan doon para naman may pakinabang ka sa'kin. Hindi 'yon kakarampot na pera lang ang binibigay mo!" Paasik na sabi ng Nanay niya. Napabuga lang siya ng hangin at muling nahiga. Patuloy pa rin ito sa pagtalak sa kanya ng kung ano-ano. Sinasabi na naman nito na malaki ang utang na loob niya rito kaya kailangan niya ito bayaran dahil binuhay pa siya nito. "Sana nga nilunok niyo na lang ako," pabulong na sambit niya habang nakatakip ng unan ang mukha niya. Sawang-sawa na rin siya. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos paulit-ulit na lang ang Nanay niya sa pagtalak. Siya na nga ang napapagod, naririndi na ang tenga niya. Naramdaman niyang tumigil na ang Nanay niya sa pagtatalak at lumabas ito ng bahay. Mabilis naman siyang bumangon at naglinis ng bahay. Alam niyang iinom at susugal na naman ito sa ibang bahay kaya tamang linis na lang siya ng bahay nila. Matapos maglinis tinawagan siya ng operator niya sa jeep na puwede siya pumasada mamaya tanghali kaya naman nagmadali na rin siya magligo at magbihis. Pagkalabas ng bahay sakto naman nakatayo sa labas ng bahay nila si Angelica. Ang anak ng baranggay captain sa lugar nila. Nagtatakang tumingin siya sa dalaga. "Hi, Diego!" kiming ngumiti ito at kumaway. May hawak itong maliit na paper bag. "Hello rin. Naparito ka?" "Ahm, papasada ka na?" Bakit alam nito papasada siya? Pinagmasdan niya mabuti si Angelica. Maputi, matangkad at medyo chubby ang dalaga. Maganda naman ito kung tutuusin. Ika nga ng iba, chubby is the new sexy daw. "Oo, papasada ako ngayon. Bakit nga pala, may sasabihin ka?" Nahihiyang inabot nito sa kanya ang maliit na paper bag. "Nagluto kasi ako Menudo specialty ko 'yan. Baonin mo para may pagkain ka sa biyahe mo," malambing na wika ni Angelica sa kanya. Masuyong ngumiti naman siya at kinuha ang paper bag. Kahit hindi sabihin ng dalaga, alam niyang interesado ito sa kanya. Tinanggap na lang niya ang bigay nito para hindi ito mapahiya tutal gutom na rin talaga siya. Wala kasi bigas at ulam kaya wala siyang makain. "Salamat, Angelica. Kakainin ko ito mamaya," aniya sa dalaga at akmang lalakad na palayo nang tawagin uli siya ni Angelica. "Diego, may messenger ka ba? i-add sana kita o kaya cellphone number. Kung ayos lang sa'yo?" tila nahihiyang tanong nito. Napaisip naman siya. Ayaw talaga niya ibigay ang numero niya pero nahihiya rin naman siyang hindi pagbigyan ang dalaga. Sabagay, number lang naman hindi na lang niya siguro masyado papansinin kung sakali mag-text ito o tumawag. Kaagad naman niya sinabi sa dalaga ang numero niya saka nagmadali na siyang umalis para maghanap buhay na. Pagkarating sa paradahan ng mga jeep kaagad na siya namasada. Inabot na siya ng gabi sa pamamasada ang kinita lang niya 650 pesos. p*****n ang hanap buhay. Nakakapagod subalit hindi maaari tamarin. Pauwi na siya nang makasalubong niya uli ang kaibigan na si Kiko. "Diego!" tawag ni Kiko sa kanya. "Sakto ang uwi mo. May raket akong sasabihin sa'yo." Halata sa boses nito ang excitement. Kunot noo tumingin siya sa kaibigan. "Anong raket?" Dumikit ito sa kanya at may binulong. "May kakilala ako sa Adonis pumapasok. Kailangan nila ng bagong recruit at gusto nila macho at guwapo. Syempre, manok kita kaya ikaw agad ang inisip ko." Marahan niyang tinulak si Kiko at tinakpan ang bibig. "Ang taas ng utot mo abot hanggang bunganga mo!" "Ay grabe siya!" Bumunghalit siya nang tawa. "Ayoko pumasok sa--" "Bentel mil ang isang gabi." Napatanga siya sa sinabi ni Kiko. Talaga ba? Bente mil ang kikitain sa isang gabi lang. "Puro mga bakla at mga matrona ang mga customer doon. Malay mo makahanap ka pa ng sugar mommy. Tang*na, tiba-tiba ka sa ganoon. Ganda pa naman ng katawan mo ganyan mga gustong-gusto nila." Panghihikayat ni Kiko. Nakakatakam nga talaga ang ganoon kitaan. Napabuga siya ng hangin. Hindi niya yata kayang sumayaw ng brief lang ang suot o kaya naman gumalaw ng bakla. Hindi kaya ng sikmura niya. "Hindi ko kaya." Tanggi niya. Nagpatuloy na lang siya paglalakad habang naka-agapay pa rin si Kiko sa gilid niya. "Bakit naman? Try mo lang. Puwede rin mag-waiter ka roon. Sasabihin ko sa kakilala ko roon." "Ayos lang sa'kin ang waiter. Alam mo naman ako basta maayos na trabaho hindi ko tatanggihan." "Sige, sabihan ko kaagad 'yon kakilala ko. Naiintindihan naman kita. Kung kasing pogi mo lang ako, pinatos ko na ang Adonis. Liligaya ka na magkakapera ka pa." Nakangising sabat nito. Umiiling-iling siya. May punto ito pero hindi siya ang tipo ng lalaki papasok sa mga ganyan. Mas nanaisin pa niyang mapagod, mahirapan at mangalay sa hirap ng trabaho kaysa sumayaw ng nakahubad para sa panandalian pera. "Kung puwede lang i-share ang mukha ko sa'yo pinahiram na sana kita," pagbibiro niya. "Kaya nga e. Saklap talaga. Pangit na nga, mahirap pa. Langaw siguro ako ng past life ko. Suko na ako!" Muling natawa naman siya sa banat nito. "Bawal tayo sumuko hindi pa tayo mayaman," ngiting-ngiti sabi niya. Kinagabihan matapos niya pumasada. Tinawag niya muli ang kaibigan nang makita ito nakatambay sa kanto. Napaupo sila ni Kiko sa labas ng bahay niya nang makarating. Mula sa labas dinig na dinig niya ang boses ng Nanay na tila nag-aamok. Halatang lasing na naman ito. Naiiling na lang siya. "Kailan ka tayo yayaman? Pag yumaman ka, isabit mo 'ko a. Huwag mong kakalimutan na mayroon kang pangit ngunit maaasahan na kaibigan." Inakbayan niya ito at natawa. "Tataya muna ako ng Lotto para matupad 'yon. Huwag kang mag-alala gagawin kitang kanang kamay ko." "Grabe! Sarap mangarap. Pagdadasal ko talaga na manalo ka o kaya yumaman ka." Seryosong sambit ni Kiko. Huminga siya nang malalim. Well, sana nga. Nakakapagod na rin maging mahirap. Gusto naman niya maranasan lahat ng magagandang bagay sa mundo. Ang tanong kailan pa kaya mangyayari iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD