BUNNY POV
"ARE YOU out of your mind?" nagulantang siya sa sinabi ni Asher sa kanya.
Inaya siya ni Asher na mag-dinner date sa isang mamahaling restaurant. Kasalukuyang naka-vacation leave siya kaya umuwi siya muna ng Sydney, Australia. She's half Australian and half Filipino. Lumaki man siya sa Australia ay matatas siya magsalita ng tagalog.
Tumaas ang kilay ni Asher habang nakatingin sa kanya.
"What's wrong with that? We've been friends since we were kids. Can you please help me, FRIEND?" may diin talaga ang huling salitang binanggit nito.
Napabuga siya ng hangin sabay punas ng tissue sa bibig. Matamam tinignan din niya ang kaibigan. Asher is her childhood bestfriend. Matalik na magkaibigan ang mga Mommy's nila at classmate sila ng binata mula Grade school to Senior Highschool. Nagkahiwalay lang sila ng mag-college sila dahil nag-aral siya ng modeling sa London habang si Asher ay nag-aral ng Law sa America.
Ngayon, isa na siyang ganap na modelo. Isang kilalang modelo na siya. Nagkalat na ang mga larawan niya sa mga billboard, magazine at kung saan-saan pa sa mga iba't ibang bansa. At si Asher naman ay isa na rin sikat at magaling na abogado. Marami nga nag-aakala na mayroon silang relasyon ni Asher dahil madalas sila makita magkasama at namamasyal sa ibang bansa.
Ngunit, lingid sa kaalaman ng lahat. Alam niya ang pinakatatagong sikreto ng kaibigan.
"I want to help you but do we really have to get married? Iniisip naman ng lahat na may relasyon tayo e. Okay na 'yon," aniya saka uminom ng wine.
Nag-sad face sa harap niya si Asher at pinahaba ang nguso.
"Mommy and Lola are teasing me to get married. Like--duh? Holding another woman is a big no for me. You are the only one I can bear to touch," maarteng wika ni Asher sabay pilantik ng kilay at ikot ng mga mata.
Pagak na natawa siya at naiiling. Matagal na niya alam ang tungkol sa gender reference ng kaibigan subalit hindi nito magawang magladlad dahil pangarap na pangarap pa naman ng Mommy at Lola nito na magkaroon ng apo. Ito na lang kasi ang magdadala ng apelyido ng mga ito. Nais ng Lola ni Asher na magkaroon ng apo lalaki nang sa gayon hindi maputol ang apelyido ng angkan ng mga ito.
Subalit mukhang kay Asher na magtatapos ang angkan ng mga Sandoval dahil mas maarte pa ito sa babae.
"Malaki ang sisingilin ko sa'yo pag kinasal tayo. At saka...kung ikasal tayo, hindi rin naman tayo magkaka-baby e."
Umingos si Asher.
"Hello! Test tube baby is waving! Technology is everything, sweetie. Ilalagay lang sa'yo ang super sperm ko para makabuo tayo. Amazing right?"
Mukha nga madali pakinggan. Ngunit, paano naman siya? Ang pangangailangan niya bilang babae.
"No need to worry, sweetie. Tungkol naman sa sèx life natin. Hahayaan kita at ganon ka rin sa'kin."
"Hmm, sounds like a plan, huh?"
"Don't be to sarcastic, sweetie. After ng ilan years, once na may baby na tayo. Puwede na tayo maghiwalay. Magdahilan na lang tayo kina Mommy na may third party or whatever silly reason."
Sabagay, anak lang naman ang gusto niya. Gusto na rin naman din ng parents niya na mag-settle down na siya at tigilan na ang pag-momodelo. Sa edad na 24 years old, financially stable na siya. Wala na siyang ibang mahihiling pa na iba kun'di magkaroon ng masayang pamilya at mga anak.
Napatitig siya kay Asher. Sa unang tingin, hindi talaga aakalain na babae ang puso nito. Napaka-guwapo kasi nito, matangkad, matikas ang pangangatawan, matangos ang ilong kumbaga taob si Tom Cruise kung gandang lalaki ang pag-uusapan.
Sinubukan na rin niya akitin ang kaibigan noon. Nagbabaka-sakali siyang magawa niyang patigasin ang malambot nito pagkalalakì pero walang nangyari. Sarado na talaga ang isip nito. Sa puso't isipan nito ay babae ito.
"Okay fine. Set our wedding date."
Nanlaki ang mga mata ni Asher sabay tuptop ng bibig. Pigil na pigil pa ito na tumili nang malakas. Mabilis na tumayo ito at niyakap siya.
"My Goody! Thank you so much, Bunny. You are my guardian angel always and forever!" bakas sa mga mata nito ang kasiyahan sa pagpayag niya.
Nagkibit balikat siya. Wala naman masama. Wala rin naman siyang napupusuan na lalaki sa ngayon. Ewan ba niya, ang daming lalaking modelo o businessman na nanliligaw sa kanya subalit ni isa wala siyang natipuhan.
"You know how much I love you and care for you, friend." Nakangiting sabi niya kay Asher.
Inismiran siya nito at bumalik sa pagkakaupo.
"I know! Laway na laway ka sa sexy kong body. Kaya nga lang, isa akong sirena. Sumisisid at sumusubo ako, friend. Hate na hate ko ang tahong. So, sorry." Pang-aasar nito sa kanya.
Tatampalin sana niya ito pero nakaiwas ito. Ang lakas talaga mang-asar ito pag sila lang ang magkasama. Pag nasa harap ito ng mga kliyente nito ay lalaking-lalaki ito kung kumilos at magsalita. Marami na nga rin ito napakulong na mga matataas na opisyal at mga drug lords at iba pang mga kriminal.
Natatawang pinagpatuloy na lamang niya ang pagkain hanggang sa matapos sila sa dinner date nila patuloy pa rin nila pinag-uusapan ang magiging kasal nila ni Asher.
Napagdesisyonan nila na ganapin ang simpleng kasal sa susunod buwan. No need na ang engradeng kasal, basta ang mahalaga maikasal sila.
"Sa New york mo ba gusto ikasal? Sabihin mo lang, sweetie kung saan mo gusto para doon tayo magpapakasal. Ayoko isipin mo tinitipid kita."
Tumawa siya nang malakas. Ang conyo talaga nito magsalita ng tagalog. Lumaki kasi ito sa Australia kagaya niya natuto lang ito magtagalog dahil tinuturuan niya ito.
"Nah, I'm good. Dito na lang tayo sa Sydney ikasal tapos pasyal na lang tayo sa Seoul para sa honeymoon natin. What do you think?" suhestiyon niya kay Asher.
"I like that! All right, I'll finish my client's cases right away so that we can have a long trip. South Korea is waving!" wika ni Asher sabay kanta ng isang pang k-pop song na uso ngayon.
Bumunghalit siya nang tawa habang pinapakinggan lang ito kumakanta ng isang korean song. Mukha naman magiging okay ang lahat once na ikasal sila ni Asher. Masaya naman siya pag kasama ito. Sobrang caring and sweet ni Asher sa kanya. Talagang bini-baby siya nito kaya alam niya magiging maayos ang pagsasama nila.