CHAPTER FOUR

1608 Words
DIEGO POV NAKAMASID lang siya sa repleksiyon niya sa salamin. Suot niya ang isang puting long sleeve, itim na chaleco vest, itim na bow tie at itim na pantalon. "Ayon oh! Ang pogi mo na baka bestfriend ko 'yan!" ngiting-ngiti wika ni Kiko sa kaniya. Pa-simpleng sinabunutan niya ito. Kasalukuyan kasi nasa loob sila ng Adonis Club at waiter sila ngayon ni Kiko. Kung hindi lang siya napilit hindi talaga siya papasok sa ganitong lugar. Puro matatandang babae, matatandang lalaki na hula niya ay mga bakla. May iilan din naman na bakla pero subalit disente tignan kumbaga pormang lalaki pa rin. Napabuntong hininga siya. Trabaho lang ito walang malisya. "Mukha kang manager, Diego. Bagay na bagay pala saiyo ang ganyan porma." Tumaas ang sulok ng labi niya. "Ako lang 'to! Relax lang." Sabay pa silang natawa ni Kiko at nagsimula nang magtrabaho. Sa umpisa medyo nalilito pa siya pero habang tumatagal nasasanay na rin siya. Parami nang parami ang mga customer habang lumalalim ang gabi. Napatingin siya sa mumurahin relong suot niya. Ala-una na pala nang umaga hanggang alas-sais pa siya sa club. Tahimik lang siya nagse-served ng alak sa isang grupo ng mga may edad na kababaihan na makakapal ang make up sa mukha. "I didn't know there's a handsome waiter here," wika ng isang Ginang na may hawig sa artistang si Gina Pareño. Kiming ngumiti siya at nang akma siya mag-e-excuse bigla siya hinawakan ng Ginang sa braso upang pigilan. "Wait lang, maupo ka muna. Gusto ka namin makilala," malisyosang bigkas ng Ginang. Ayaw naman niya maging bastos subalit umiling siya. "Pasensya na po, Maam. Bawal po kasi kami maupo sa table." Sabay-sabay naman napasimangot ang grupo ng mga kababaihan. "Ano ba ang name mo? Malaki ako magbigay ng tip," wika naman ng isang may edad na babae na halatang senior citizen na. "Diego po," magalang na tugon niya. Parang kinilig naman ang may edad na babae pagkarinig sa pangalan niya. "Ang sarap naman ng name mo. Halatang daks." Nagtawanan naman ang ibang kasama nito. Wala siya sa mood makipagharutan sa mga ito, trabaho ang pinunta niya rito hindi maghanap ng sugar mommy. Nag-excuse siya muli hindi na niya hinantay ang ibang sasabihin ng mga ito. Nagmadali na siya lumayo. Pabalik na siya sa barman upang kumuha uli ng panibagong order ng bigla siya mabangga ng isang customer na lasing na. Natapon ang alak sa damit niya. "Oops...I'm sorry, Dear." Hingi ng paumahin ng customer. Siguro galing ito sa CR dahil halata sa itsura nito na lasing na ito. Tumango na lamang siya. Sinundan na lang niya nang tingin ang customer na pasuray-suray na ang lakad. Napapailing na lang siya. Nagpaalam siya saglit sa barman na pupunta lang ng banyo. Mabuti na lang at walang tao sa loob ng banyo. Pagkapasok sa cubicle hinubad niya agad ang vest niya. Pinagpag lang niya iyon at pinunasan ng tissue ang nabasang parte ng long sleeve niya. Habang nagpupunas ng damit naulinigan niya may pumasok sa loob ng banyo. Tila nagmumura ito sa inis, narinig pa niya ang marahan pagtampal nito sa marmol na lababo. Hindi na lamang niya pinansin. Pagkabukas niya ng pinto ng cubicle hindi sadyang napatingin siya sa salamin dahilan upang magkatitigan sila ng taong nakaharap din sa salamin. Kumunot ang noo nito habang siya natigilan siya. Tama ba ang nakikita niya? kamukhang-kamukha niya ang lalaking nasa harapan ng salamin. May kaputian lang ito habang siya ay moreno dahil bilad sa arawan ang balat niya sa kakatrabaho. Wala masyadong pinagkaiba ang itsura nila. Napaigtad siya nang humarap ito sa kaniya at napatili habang nanlalaki ang mga mata. "Holy sh*t! OMG! I can't believe this-- are you real?" Namamangha wika nito sabay hawak sa kaniya. Hinawakan nito ang braso niya maging ang mukha niya. Hindi siya makahuma kaya hinayaan lang niya ito sa ginagawa. "Oh God! Totoo ka! Buhay ka? God! You're alive. I'm so happy!" Nang bigla siya nito yakapin doon siya medyo nailang. Hindi niya ma-gets ang sinasabi nito. Paano bang nangyari magkamukha sila? Isa lang ibig sabihin no'n, magkapatid sila pero paano nangyari 'yon? Naguguluhan talaga siya. "Ahm...hindi kita maunawaan," maiksing sabi niya. Nahimasmasan yata ang lalaking nasa harap niya bahagya ito lumayo sa kaniya subalit hindi pa rin mawala wala ang ngiti sa mga labi nito. "I'm Asher. Asher Sandoval and you are my long lost twin brother." Nalukot ang noo niya sa sinabi nito. Asher Sandoval? Long lost twin brother? Seryoso? "I know medyo naguguluhan o nalilito ka but believe me...ang tagal kang hinanap ni Mommy. Buong akala nga namin patay ka na but here you are-- you are alive." Amazed na amazed na bigkas ni Asher. "P-Paano nangyari 'yon? May mga magulang ako at--" "You know what, mas okay siguro pag usapan natin 'to sa ibang lugar. I can explain it to you. Lahat ng mga questions mo I can answer all of it. By the way, anong gamit mong name?" Kahit tuliro pa siya nakuha naman niya sumagot. "Diego. Diego Reyes ang pangalan ko." "I see. Our mother named you Austin but mas bagay sa'yo ang Diego. Sounds manly," maarteng bigkas nito saka ngumiti. Saka lang niya napagtanto na nasa loob pala siya ng Adonis Club at ang ibig sabihin lang no'n ay binababae si Asher. Hinawakan siya agad ni Asher sa braso at hinila palabas. "Wait-- baka makagalitan ako hindi pa ako puwede mag-out hanggang 6 nang umaga pa ako." Maarteng tumawa si Asher. "It's fine. Kilala ko ang may ari nito Club. At saka-- ngayon nakita na kita sa tingin mo ba hahayaan kita magtrabaho pa bilang waiter. You are brother and you are a Sandoval." Wala siya ibang masabi. Tikom lang ang bibig niya habang sinusundan niya lang si Asher na naglalakad palabas ng Club. Pagkalabas ng Club, tumawid sila upang pumasok sa isang fast food chain sa 'di kalayuan sa Club. Dahil madaling araw na wala na masyadong customer sa fast food chain na iyon. Naupo sila ni Asher sa dulo bahagi, umorder muna ito ng breakfast meal na may kape. Nang makaupo na uli ito sa tapat niya. Isa-isa nito sinalaysay ang lahat sa kaniya. Kung paano siya nawala sa hospital kung saan nanganak ang Mommy nila. Ang hinala ay may nagnakaw sa kaniya subalit lumipas ang ilan buwan na paghahanap sa kaniya ay bigong makita siya. Namatay na rin ang kanilang Daddy dahil sa car accident kaya masakit man sa kanilang Mommy na iwanan ang Pilipinas ay nag-migrate ang mga ito sa Australia upang maka-move on. Inisip na lang ng Mommy nila na wala na siya dahil may balita rin noon na may dinudukot na mga sanggol at binebenta ang mga organ para sa mga medical activities sa ibang bansa. "So, Kumusta ka? Kumusta ang naging buhay mo, Diego?" kapagkuwa'y tanong ni Asher. Huminga siya nang malalim. Walang wala ang buhay niya sa buhay ngayon ni Asher. Nalaman niya kasi abogado na ito at marami ito negosyo rito sa Pilipinas. Kumbaga milyonaryo na ito habang siya isang kahig isang tuka. Napapailing siya at malungkot na yumuko. Ano bang ipagmamalaki niya sa kapatid? Ni hindi nga nakapag kolehiyo. Naramdaman na lang niya ang paghawak ni Asher sa isang kamay niya. "It's okay, Diego. Kapatid mo ako. Magkambal tayo. You can tell me everything, I won't judge you." Hindi niya naiwasan ang mapangiti sa sinabi nito. Magkapatid. Magkambal. For the first time sa buhay niya, naramdaman niya hindi siya nag iisa. "Lumaki ako sa hirap. Hindi ako nakapag aral ng kolehiyo. Kung ano-ano trabaho ang pinapasok ko para lang magkapera. Wala ako masyado magandang karanasan sa buhay na maikukuwento sa'yo, Asher." Malungkot na pag-amin niya. Sinabi niya ang lahat ng nangyari sa buhay niya kay Asher, mula sa pagkamatay ng kaniya kinilalang Ama at ang pagtrato sa kaniya ng kinilala niya Nanay. Ngayon lang niya napagtanto kung bakit gano'n ang trato ng Nanay niya sa kaniya. Hindi pala siya tunay na anak nito. Nakakalungkot lang kasi minahal niya ito na parang tunay niya Nanay. "Huwag kang mag-alala, Diego. I'm here now. Tutulungan kita. Hinding-hindi ako papayag na hindi kita matulungan. Kung ano ang sa'kin ay sa'yo na rin." Nag init ang sulok ng mga mata nila ni Asher ngunit sabay din sila nagkatawanan. Inamin din sa kaniya ni Asher ang gender preference nito. Wala naman sa kaniya kung pusong babae ito. Hindi naman halata sa itsura nito masyado kasing pormal ang datingan nito. Marami pa silang pinag-usapan ni Asher, mga plano nito sa kaniya at kung ano-ano pa hanggang sa sumikat na ang liwanag sa labas. Nag paalam muna siya saglit kay Asher na kukunin ang iba niya gamit sa bahay nila. Nagsabi kasi ito na sa condo unit na lang nito siya tumira dahil bihira naman matirhan iyon. May usapan na lang sila na magkikita muli kaya nang palabas na sila ng fast food chain. Kinuha ni Asher ang wallet at ilan ID's niya habang pinahawak naman nito sa kaniya ang makapal na wallet nito na punong-puno ng credit card. "Ano pala ang birthday mo?" tanong ni Asher habang naglalakad na sila sa labas ng fast food chain. "May 15." Pagak na natawa ito. "Buti na lang at hindi binago ang birthday mo. May 15 talaga ang birthday natin." Napangiti na rin siya at least may isang bagay pala sa kaniya ang totoo...ang kaarawan niya. "Sige, Asher. Magkita na lang tayo mama--" Naudlot na ang iba pa niya sasabihin ng may malakas na putok ang umalingawngaw kasabay ang pagtumba ni Asher sa harapan niya. Napasulyap siya sa dalawang taong nakasakay sa motorsiklo. Walang plate number at naka-full face helmet pa. Tang'na! "Asher!!" sigaw niya sa pangalan ng kapatid habang duguan na humandusay ito sa lupa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD