CHAPTER ONE

1008 Words
DIEGO POV ISANG malalim na buntong hininga ang ginawa niya habang binibilang ang isang linggong sahod niya sa pag-sideline sa pagiging Construction worker. One thousands two hundreds ang sinahod niya. Ang hirap talaga kumita ng pera, lalo na sa katulad niyang highschool graduate. "Diego!" Dagli siyang napalingon sa tumawag sa kanya. Si Kiko, kasamahan niya rin sa trabaho at matalik niyang kaibigan. "Bakit?" Mabilis na umakbay ito sa kanya at ngumisi. Kitang-kita ang tagpi-tagpi nito mga ngipin. Payat ito, moreno, manipis ang buhok at malaki ang mga mata. Para itong pinagbiyak na buko ng artistang si Rene Requiesta. "Empi tayo?" ngiting aso alok nito. Naiiling siya. Pagod sila galing trabaho. Wala naman siguro masama na uminom. Umakbay din siya kay Kiko. "Demonyo ka talaga. Dinedemonyo mo ako lagi." Sikmat niya saka kinutusan ito nang mahina sa ulo. "Alam mo naman kailangan ko magdelihensya sa Nanay kong bungangera," natatawang sabi niya. "Naku! 'Yon perang binibigay mo kay Aling Tinay, pinang-iinom din niya. Kaya pakinabangan mo rin ang perang kinita mo, uminom ka rin. Para pag-uwi mo, parehas kayong lasing!" bumunghalit ng tawa si Kiko. Totoo naman ang sinabi nito. Mula nang mamatay ang Tatay Pedro niya dahil sa stroke noon elementarya siya. Tanging si Nanay Tinay na ang kasama niya sa buhay. Ngunit nag-iba ang ugali nito at pakikitungo sa kanya nang mamatay si Tatay Pedro. Naging palainom, sugarol ito at madalas siyang pinapalo nun bata siya. Nagsikap lang siya na makapagtapos sa highschool kahit sobrang tutol ang Nanay niya. Ang nais kasi nito ay magtrabaho na siya. Lagi kasing sinasabi ni Nanay na malaki ang utang na loob niya rito at kailangan niya ito bayaran. Humugot siya nang malalim na paghinga saka iginiya siya ni Kiko patungo sa bahay nito. Doon sila lagi umiinom sa labas ng bahay nito. Isang bote ng Empi lights, isang pitsel ng pineapple juice at adobong paa ng manok ang inilagay ni Kiko sa maliit na lamesa labas ng bahay nito. "Simple lang ang buhay. Batak lagi ang katawan natin sa trabaho. Karapatan natin maglasing para kahit papaano maramdaman naman natin ang barya-baryang sahod natin," wika ni Kiko saka inabot sa kanya ang shot glass. May punto naman ito. Mula highschool hindi na siya tumigil sa paghahanap buhay. Naging taga-linis siya sa pier, balot vendor, fishball vendor, nag-sideline rin siya bilang basurero noon. Nasubukan na rin niya maging taho vendor hanggang sa tumuntong siya ng disiotso anyos saka siya nakapag-apply sa mga pabrika na pakyawan ang kita. Pati ang pagiging karpentero ay nagawa na rin niya. Ngayon, suma-sideline siya bilang construction worker mula Lunes hanggang Biyernes. Pag Sabado at Linggo naman, pumapasada naman siya ng Jeep. Ngayon bente-sinko anyos na siya. Nalulungkot siya para sa sarili. Mukhang hanggang dito na lang talaga siya sa buhay. Isang kahig isang tuka na lang. Masarap mangarap subalit sobrang hirap na. Pagod na ang katawan at isip niya. "Imposible na yata makapag-asawa ako," wala sa loob na bigkas niya kay Kiko. "Hoy Diego! Paano naging imposible? Sa guwapo mong iyan? Sus! 'wag ako, Diego. Kung imposible sa'yo...mas lalo na pala sa'kin? Ang daming babaeng nagpapakita ng interes sa'yo." Umiiling-iling siya at pagak na natawa. "Ibig kong sabihin, hindi ko pa kayang bumuhay ng pamilya. Ano ipapakain ko sa magiging anak ko kung sakali? Buhangin?" may halong lungkot na sabi niya. Totoo naman, marami talagang babaeng nagpapakita ng motibo sa kanya. Subalit, umiiwas siya saka na lang siguro pag mayroon na siya maayos na trabaho talaga. Regular na trabaho ika nga ng iba. Tama na siya ang gutom, ayaw na muna niya mandamay. Hindi nakakabusog ang pag-ibig. Gusto lang niya maging praktikal. Masisira lang ang buhay ng babaeng mamahalin niya kaya hangga't maaari iwas siya sa mga babae. "Ano na lang ang gagawin mo? Kahit girlfriend wala ka pa. Ano sariling sikap ka na lang gabi-gabi habang nakatingin sa poster ni Bunny?" pabirong banat ni Kiko sa kanya sabay tungga sa tagay nito. Natawa siya nang malakas. Mayroon kasi siyang poster ng sikat na Australian model na si Bunny sa maliit na kuwarto niya. Mukhang normal naman sa lalaki ang mag-solo sa gabi. Mas nanaisin na lang niya ang ganoon kaysa magkaroon ng responsibilidad. Mahirap na baka makabuntis siya wala naman siyang ipapakain. "Oo! Kung hindi lang din si Bunny ang makakatabi ko sa gabi. Hindi na lang ako mag-aasawa," ganting sabi niya kay Kiko. Siya naman ang tumagay. Panay pa rin ang kuwentuhan nila ni Kiko. Puro biruan, kapilyuhan at mga pantasya nila sa babae ang topic nila. Hindi masama magpantasya, minsan pa nga napapaginipan pa niya si Bunny. Mainit na panaginip. Sobrang lakas kasi ng dating ng Australian model na iyon. Kaya nang makakita siya ng calendar poster nito na naka-red two piece bikini ito na nakasakay sa itim na ducati motor. Hindi talaga siya nag dalawang isip na bilhin ang poster na iyon. Pasado ala-una nang umaga nang matapos sila ni Kiko uminom. Nagpaalam na siya sa kaibigan. Kahit marami siyang nainom, diretso pa rin ang lakad niya hanggang sa makarating siya sa kanila. Hindi na siya nag-abalang kumatok sa pinto dahil alam niyang hinding-hindi siya pagbubuksan ng Nanay niya. Kaya lagi siyang may spare key sa likuran pinto nila. Pagkapasok sa loob tumambad sa kanya ang makalat na bahay nila. Napabuntong hininga na lang siya. Tahimik na pumasok na lang siya sa maliit na kuwarto niya. Isang single bed na kama at maliit na electric fan lang kasya. Ang mga damit niya naka-hanger sa likod ng pinto. Pabagsak na humiga siya at tumitig sa poster ni Bunny. Isang malawak na ngiti ang lumabas sa mga labi niya nang masilayan ang magandang mukha ni Bunny. "Mahal na miss kita? Ako ba miss mo? Buti ka pa lagi kang nakangiti sa'kin. Siguro pag nahalikan kita puwede na akong mamatay." Natatawang sabi niya sa sarili. Ganito siya palagi. Kinakausap niya mag-isa ang poster ni Bunny. Ito ang nagsisilbing lucky charm sa lahat ng oras. Nag-flying kiss pa siya sa poster saka tuluyan pumikit na may ngiti sa labi. Mananaginip na naman siya na katabi ito sa pagtulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD