BUNNY POV
KANINA pa panay sulyap niya sa hawak na cellphone. Nagtataka na siya dahil hindi pa rin sini-seen ni Asher ang lahat ng chat niya rito. Alam niyang nasa Pilipinas ito upang asikasuhin ang huling kliyente nito at ang ibang negosyo sa Pilipinas.
Ang sabi ni Asher ay babalik din agad ito pero wala pa rin update sa kaniya ang asawa. Nawala ang pag iisip niya nang dumating ang Mommy ni Asher na si Mrs. Angela Sandoval at ang tiyuhin nito na si Uncle Rey.
"How are you, Bunny? Kumusta ang honeymoon tour niyo ni Asher? Magkaka-apo na ba ako?" nangingislap ang mga matang tanong ni Mommy Angela sa kaniya.
Kiming ngumiti siya. It's been two months after their married, okay naman ang pagsasama nila ni Asher so far. Nothing new. Nag-enjoy naman sila sa honeymoon tour nila but the 'Baby' thing is not gonna happen. Dahil wala naman nangyari sa kanila ni Asher, magkasama man sila sa iisang hotel room walang sèx na magaganap sa pagitan nila.
Huminga muna siya nang malalim bago sumagot.
"The honeymoon, so happy...ahm, about sa pregnancy I do hope so, Mommy." Kiming ngumiti siya sa manugang.
Labag man sa loob niya paasahin ito ay wala naman siya magawa dahil iyon din ang bilin ni Asher sa kaniya.
"Where's Asher? Makakabalik pa ba siya?" kapagkuwa'y tanong ni Uncle Rey.
Lumingon siya kay Uncle Rey. Bunso kapatid ito ni Mommy Angela ay aaminin niya hindi niya feel ang matandang lalaki. Hindi niya maipaliwanag kung bakit basta hindi magaan ang loob niya rito.
Kumunot ang noo niya sa uri ng pagkakatanong nito.
"Of course, Uncle. He will come home soon."
Tumango-tango lang ito tila ayaw maniwala sa sinabi niya uuwi si Asher. Kasalukuyan nandoon siya sa bahay ng Mommy ni Asher, nextweek kasi ang balak nila tignan ang property house na bibilhin nila.
"Don't worry about, Asher. Uuwi rin 'yon. Ganyan na ganyan din ako sa asawa ko noon pag hindi nakakauwi agad. Natutuliro na ako," wika ni Mommy Angela.
"Yes, Mommy."
Wala naman siya choice kun'di mag-antay. Hindi lang kasi siya sanay na matagal mag-seen at mag-reply si Asher sa kaniya. Sinubukan na rin niya tawagan ito ngunit hindi ma-contact. Hindi rin ito naka-online.
Nang maghapunan na kasama na rin nila kumain ang Lola ni Asher na si Lola Anastasia. Mabait ito kahit noon pa mga teenager sila si Asher ay magiliw na sa kaniya si Lola Anastasia.
"Kung hindi pa uuwi ang asawa mo sa loob ng dalawang araw na walang text o tawag man lang saiyo. Much better sundan mo siya sa Pilipinas." Maawtoridad na bigkas ni Lola Anastasia.
Napaisip naman siya sa sinabi nito. Susundan sa Pilipinas? Well, ayos lang din naman sa kaniya.
"Ba't kailangan pang sundan? Hayaan niyo na lang si Asher." Sabat naman ni Uncle Rey.
Umiiling-iling si Mommy Angela.
"Tama ang sinabi ni Mama. Sundan na mo na lang, Bunny ang asawa mo do'n. Bakuran mo ang asawa mo baka may umaaligid kaya 'di makauwi."
Umaaligid na lalaki siguro? Gusto niya matawa sa iniisip ni Mommy Angela. Alam niyang walang babae si Asher dahil mas pusong babae pa ito kaysa sa kaniya. Marahil, may nakilala ito hot guy kaya nahihirapan ito umuwi.
Yeah! Maybe that's it.
"Sige po, Lola and Mommy. Susundin ko po ang sinabi niyo."
Nginitian naman siya ng dalawa halatang natuwa sa sagot niya habang nakasimangot naman si Uncle Rey. Nagkibit balikat naman siya at pinagpatuloy ang pagkain.
Matapos ang hapunan nagtungo na siya sa silid nila ni Asher. Kinuha niya ang laptop at nagtingin-tingin ng mga interior design na babagay sa bibilhin nila bahay ni Asher. Nakausap niya rin ang parents niya at kinamusta siya saglit. Mayamaya pa ay naisipan niya bumaba upang kumuha ng panghimagas niya.
Ngayon, kasal na siya at huminto na siya sa pagmomodelo maaari na siya kumain ng kahit anong naisin niya pagkain. Kahit matamis ay puwede na. Iyon ang masayang parte ng pagiging 'Married' malaya na siya gawin ang nais niya. Hindi na niya kailangan bantayan ang timbang niya o limitahan ang kain niya.
Pagkakuha ng isang slice ng blueberry cake sa refrigerator, napansin niya may isang bulto nakatayo patalikod sa may pool area. Nang silipin niya kung sino iyon, si Uncle Rey pala iyon habang may kausap sa cellphone.
"That's stupidity! Don't ever call me again and update me with your foolishness!"
Halatang galit ito sa kung sino man ang kausap nito sa kabilang linya. Ang pagkakatanda niya na kuwento ni Asher sa kaniya ay may asawa dati si Uncle Rey ngunit after 2 years ay namatay dahil sa cardiac arrest ang asawa nito. Kaya tumira ito sa pamilya nila Asher at nakipagsosyo sa Daddy ni Asher.
Ngunit nang malugi ang negosyo ni Uncle Rey saka naman na aksidente sa kotse ang Daddy ni Asher.
Masaklap man ang naging takbo ng buhay nito ay hindi pa rin magaan ang loob niya kay Uncle Rey. Tahimik lang siya umalis at bumalik na sa silid niya.
Pagkabalik niya sa silid napansin niya naka-online na si Asher pero unseen pa rin ang mga message niya rito.
Sinubukan niya tawagan ang asawa s***h bestfriend. Kung ano man ang pinagkakaabalahan nito dapat lang na magsabi ito sa kaniya para alam niya.
Dalawang ring bago may nagsalita sa kabilang linya.
"H-Hello?"
Napantastikuhan siya sa baritonong boses sa kabilang linya. Si Asher ba 'yon? At bakit hello lang ang sinabi nito?
"Hey, Ash! Give me a valid reason why you didn't reply in my chat and when you coming home? Don't you dare lie on me! I swear--"
Napatanga siya dahil naputol na ang linya. For real? He just cut me off? What the! Gigil na gigil na nag-call back siya subalit ayaw nang sagutin ang tawag niya. Now, that's something! Hindi niya matanggap na binabaan siya ng tawag ni Asher. Why he did that? Sobrang confused na siya. Mukhang hindi niya kailangan pang mag-antay ng two days. Susundan na niya ito sa Pilipinas.
"Wait for me, b*tchy friend. I'll slap your àss out for cutting me off!" paasik na wika niya sabay hampas sa malambot na kama.
Humanda talaga sa kaniya si Asher oras na makarating siya sa Pilipinas.