CHAPTER SEVEN

1289 Words
DIEGO POV MABILIS niya binaba ang cellphone ni Asher na nasa compartment ng kotse nito. Nag-ring kasi iyon, wala naman talaga siya balak sagutin ang tawag ngunit inisip niya baka importante kaya nang sagutin niya nabigla siya dahil boses ng isang babae ang sumagot. Sa kaba niya ay hello lang ang nasabi niya at pinatay na agad ang tawag. Binalik niya sa compartment ang cellphone. Hinayaan na lang niya tumunog nang tumunog iyon. Kung sino man iyon nasisiguro niya hindi iyon ang Mommy ni Asher...Mommy nila. Napabuntong hininga siya. Pinaandar na lang niya ang kotse. May usapan kasi sila ni Kiko na magkikita sa may Intramuros. Mayroon kasi silang paborito karinderya na kinakainan palagi roon. Gusto niya ipaalam kay Kiko ang nangyari. Pagdating sa mismong karinderya, napansin niya na agad si Kiko na naka-istambay sa gilid. Pinarada niya sa 'di kalayuan ang kotse. Pagbaba ng kotse hindi na siya nag atubiling lapitan si Kiko. Bumaha ang gulat sa mukha nito pagkakita sa kaniya. Lalong lumaki ang mga mata nito. "D-Diego?" bulalas nito. "I-Ikaw nga! Buhay ka? Paano nangyari 'yon? Nakita namin ni Aling Tinay ang katawan mo sa morgue e'!" Hinawakan niya ito sa balikat at iginiya papasok sa loob ng karinderya. "Kumain muna tayo. Medyo shocking ito ikukuwento ko baka 'di kayanin ng brain cells mo." Nakuha pa niya magbiro. Tulala naman nagpaubaya si Kiko. Umorder sila ng menudo, giniling, tortang talong at tig-dalawang extra rice. "Pa-order din po ng malaking softdrink!" pahabol niya sa tindera. "Hoy, Diego! Bawal ang utang ha! Mahaba na ang listahan niyo rito baka tupiin ko kayo sa walo pag-umutang pa kayo!" paasik na bulyaw ng tindera. Malawak na ngiti lang ang binigay niya. "Magkano na ba ang listahan ko?" "545 na!" "Babayaran ko na 'yan ngayon." Parang nagliwanag naman ang mukha ng tindera dahil sa sinabi niya. Kahit sino naman yata liliwanag ang mukha pag mayroon magbabayad ng utang. "Sige. Paantay lang sa softdrink." Tumango-tango na lang siya. Sumulyap uli siya kay Kiko na walang puknat pa rin nakatitig sa kaniya. "Simulan mo na, Diego." Udyok ni Kiko. Humugot muna siya nang malalim na paghinga saka isinalaysay ang lahat mula umpisa. Mula nang aksidente niya makita si Asher sa loob ng Adonis Club hanggang sa malaman niya ang totoong pagkatao niya. "Putang ìna!" palatak ni Kiko sabay hampas sa lamesa. "Anak mayaman ka pala, Diego!" "Sshh!" pinandilatan niya ito at sumenyas na huwag maingay. Kumalma naman agad si Kiko sabay lagok sa isang basong tubig. "Hoy, saan na ang softdrink namin? Padagdagan ng maraming tube ice! Marami kami pambayad." Pagyayabang ni Kiko. Umiiling-iling siya. Ang kulit talaga ng gagong ito. Dumating naman ang softdrink nila kaya ininom naman nila agad. "Grabe! Pang teleserye ang buhay mo, Diego! Dapat na KMJS ka." Tuwang-tuwa wika ni Kiko. Panay pa rin ang subo nito sa pagkain. "Kaso...nabaril si Asher." Malungkot na sabi niya. Napahinto sa pagsubo si Kiko. Tila inaalisa ang buong kuwento. "Ibig sabihin...kapatid mo 'yon nasa morgue?" Marahan siya tumango. "B-Bakit pangalan mo ang nandoon?" Sinabi niya ang dahilan na nagpalit sila ng wallet ni Asher kaya naman mga ID's niya ang nakita ng mga pulis. Habang nasa kaniya naman ang wallet ni Asher na naglalaman ng mga credit card nito pati susi ng kotse nito at condo unit. Parang nasamid naman si Kiko at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kaniya. "Talaga? Nakapasok ka sa condo unit ng kapatid mo? Nasaan ang oto? patingin," tila manghang wika ni Kiko. Tinuro naman niya sa kaibigan ang nakaparadang BMW na itim sa kalsada. Narinig pa niya napa-wow ito. Ngunit kaagad din ito umayos ng upo at mariin tumingin sa kaniya. "Ano ngayon ang balak mo, Diego?" Ito na ang nais niya sabihin sa kaibigan. Ang plano niya. Nais niya hiramin pansamantala ang katauhan ni Asher, gusto niya malaman kung sino ang pumatay sa kapatid niya. Naniniwala kasi siya may hinala ang kapatid kung sino ang nagtatangka sa buhay nito. Gusto niya malaman kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ni Asher. "Paano pag ikaw naman ang mapahamak?" Sa katanuyan naisip na rin niya iyon. Kung malalaman ng killer na buhay si Asher Sandoval sa katauhan niya baka siya naman ang puntiryahin. Huminga siya nang malalim. Hindi siya pinalaking mahina at duwag. Kung sino man ang pumatay sa kapatid niya, hinding-hindi siya titigil hangga't hindi niya nabibigyan ng hustisya si Asher. "Hindi ako takot mamatay. Malas niya kung sino man siya dahil makilala niya ako." Madilim ang mukhang bigkas niya. "Back up mo lagi ako, Diego. Kasama mo ako hanggang dulo." Seryosong pahayag ni Kiko. Lalong lumakas ang loob niya dahil hindi siya nag-iisa. Marami pa sila napag-usapan ni Kiko hanggang sa yayain niya ito sumama sa condo unit. Bakas sa mukha ni Kiko ang kasiyahan nang makasakay sa kotse. "Parang panaginip, Diego. Hindi ko akalain makakasakay ako sa BMW." "Ako man. Akala ko hanggang jeep lang ako." Malakas silang nagtawanan habang nagmamaneho siya. Pagdating sa condo unit, umorder kaagad sila ni Kiko ng alak. Napatuptop naman ng bibig si Kiko ng dumating ang order nila alak na may kasama pang mga pulutan. "Hayop, astig! Jack Daniels na ngayon hindi na Matador at Empi!" Natawa siya. Wala kasing Emperador at Matador sabi ng kausap niya sa telephone na staff ng condominium. "At ang pulutan...T-Bone Steak! Ibang klase!" parang batang tuwang-tuwa si Kiko habang panay singhot sa order nilang pagkain. Pangarap lang nila iyon dati pero ngayon makakain na nila. Gusto lang niya iparamdam sa sarili niya ang mga ganitong bagay. Isa siya Sandoval at may karapatan din siya makatikim ng ganitong sarap. Nag-enjoy lang sila ni Kiko sa pag-inom. Umorder pa sila uli ng ilan bote ng alak at pulutan. Sky is the limit dahil may card naman siya hawak na pambabayad niya. Hindi na nila namalayan ang oras. Parehas na silang lasing na lasing ni Kiko. Nakita na nga niya bumagkas na nito sa malambot na carpet sa salas. Napapailing siya. Mahinang nilalang talaga. Ibinagsak na rin niya ang katawan sa mahabang sofa. Napatitig siya sa magarang kisame. Ngumisi siya dahil muling pumasok na naman sa pantasya niya ang paborito niya modelo na si Bunny. "S-Sana makita kita...mayaman na ako...mahawakan ko lang kamay mo puwede na ako mamatay," pabulong na wika niya habang naglalakbay na ang isip niya. Ini-imagine niya ang magandang hubog ng katawan ni Bunny Smith. Ang maamong mukha nito, ang mapupulang labi nito na tila kay sarap pugpugin ng halik. Ang mapuputi at makikinis nito mga hita na kay sarap dilaan. Nararamdaman na niya nagsisimula nang mag-init ang katawan niya. Naninigas na ang gitnang bahagi ng mga hita niya. Pa-simpleng hihimasin na sana niya ang sarili nang makarinig siya ng tunog ng doorbell. Paulit-ulit ang tunog parang gigil na gigil ang nasa labas ng pinto. Nalukot ang noo niya. Anong oras na ba? Nag-order pa ba siya ng alak? Tinatamad na tumayo siya upang pagbuksan ang pinto. Pagkabukas niya ng pinto, isang babae ang bumungad sa kaniya. Isang napakagandang babae. Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. Parang pamilyar ang mukha nito. Nakasuot kasi ito ng maong jeans at simpleng black blouse at maong na jacket. Nakasuot din ito ng baseball cap na itim. "Don't tell me wala kang balak papasukin ako, Asher." Naiinis na wika ng babae. Kumurap-kurap siya. Sh*t! Tama ba ang nakikita ng mga mata niya? Si Bunny Smith nga ba ang babaeng ito? Pinakatitigan niya ang mukha ng babae. Hindi siya puwedeng magkamali. Si Bunny nga ito. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Biglang kumulo ang sikmura niya. Para siyang mahihilo hanggang sa bumulwak ang hindi dapat bumulwak sa bibig niya. Sa sobrang sama ng pakiramdam niya naramdaman na lang niya ang pagtama ng likod niya sa matigas at malamig na sahig at tuluyan dumilim ang paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD