CHAPTER FIVE

1049 Words
DIEGO POV TULALA pa rin siya habang nakatunghay sa katawan ni Asher na nakahandusay sa lupa. Nanlamig ang buong katawan niya. Bakit gano'n? Bakit kailangan ganito ang mangyari? Gusto niya umiyak at sumigaw nang malakas ngunit hindi niya magawa. Mayamaya pa ay dumami na ang tao sa paligid kasunod ang pagdating ng mga pulis at ilan pang crime staffs. Bago siya lumayo dinampot niya ang isang itim key chain na nalaglag at bulsa ni Asher. Tahimik lang siya nakamasid hanggang sa lagyan na ng mga dilaw na lubid ang paligid kung nasaan si Asher. Sino ang papatay sa kapatid niya? Bakit kailangan ngayon pa? kung kailan kakakilala lang nila. Napahilamos siya ng mukha. Ilan saglit pa ay dinala na ang katawan ni Asher. Hindi niya tuloy alam ang gagawin kaya nagpasya na muna siya maglakad lakad sa kung saan. Hanggang sa mapatingin siya sa susi hawak niya. Naalala rin niya ang wallet ni Asher na napunta sa kaniya saka lang niya napagtanto na kay Asher pala ang wallet niya. Kaagad siya tumungo sa pinaka malapit na presinto upang magtanong. "Puwede magtanong kung ano pangalan ng taong nabaril sa may malapit sa Adonis Club?" Magalang niya tanong sa babaeng pulis sa may help desk. Wala kasi ibang pulis na naroon kun'di ito lang. Tumingala muna saglit ang babaeng pulis sa kaniya bago nagsalita. "Parang Reyes yata. Wait--" may tinignan ito sa may log book na asul. "Reyes, Diego ang pangalan. Kilala mo ba ito? Kamag anak ka ba? Kaibigan?" sunod-sunod na tanong nito. Umiiling-iling siya. "Nakita ko lang po dahil nasa loob din po ako ng fast food." Pag-amin niya sabay sinalaysay sa pulis ang itsura ng motor at dalawang taong nakasakay sa motor ngunit walang plate number. "Gano'n ba. Sige, salamat sa kooperasyon mo. Ang alam ko dead on the spot na ang biktima dahil sa tama ng baril sa likod ng ulo." Nanlamig siya. Bumigat ang dibdib niya. "Nasa morgue na ang bangkay ng biktima. Inaantay na lang na may dumating na kamag-anak." "S-Sige ho, Ma'am. Salamat." Nang makalabas ng presinto, nanginginig pa rin siya. Napagkamalan ang kapatid niya na siya dahil sa wallet niya. Sa madaling salita, patay na siya at siya ngayon si Asher Sandoval. Piniling-piling niya ang ulo. Mali ito! Kailangan niya itama ang lahat. Sasabihin niya nagkapalit lang sila ng wallet ng kapatid niya at-- napahinto siya sa paglalakad pabalik sa loob ng presinto. Anong mangyayari sa kaniya oras na aminin niya ang lahat? Mas lalong walang mangyayari sa buhay niya. Wala na ang kapatid niya na tutulong sana sa kaniya. Babalik siya uli sa pagbabanat ng buto sa pagta-trabaho. Sandoval na siya e'? May karapatan siya sa kung ano mayroon si Asher. Huminga siya nang malalim at naglakad na palayo sa presinto. Habang naglalakad, naisip niyang puntahan ang kotse ni Asher na nasa Adonis Club. Nabanggit din sa kaniya ni Asher kung saan banda ang condo unit nito. Kailangan niya muna makapag-isip ng sa gayon alam niya ang susunod na gagawin niya. Pagkakuha sa kotse, binati pa siya ng security guard. Kiming tumango lang siya. Hindi siya sanay sa ganoon trato. Hindi niya naman nahirapan tuntunin ang condo unit ni Asher. Nasa loob din ng wallet nito ang key card at ilan master card. Medyo nailang pa siya habang papasok ng condominium building pero nilakasan na lang niya loob niya. Kailangan niya umasta na siya si Asher ngayon. Pagkaayat sa 20th floor kung nasaan ang penthouse ni Asher. Napanganga siya dahil sa napakagarbong unit nito. Parang mansion na ito sa paningin niya. Mamahalin lahat ng muwebles sa paligid. Tumingin din siya sa kuwarto ni Asher. Hindi niya maiwasan ang mainggit pero hindi rin niya maiwasan ang malungkot dahil wala na si Asher. Sinilip din niya ang walk-in closet nito na may maraming black suit, polo, neck tie, mga sapatos at mga mamahaling relo na naka-display sa pinaka-gitna ng closet. "Wow..." paghanga ang namutawi sa bibig niya. Pa-simpleng naupo rin siya sa malambot na kama. Never pa siya nakahiga sa ganitong klaseng kama. Nalukot ang noo niya nang mapansin ang isang itim na sobre sa ibaba ng kama. Isang death threat iyon na pinagdikit-dikit na letra mula sa diyaryo. Ano 'to? Ibig sabihin hindi basta napag-tripan ang kapatid niya kun'di may pumatay talaga rito. Kung gano'n sino? at bakit? Napaisip siya. Binuksan niya ang maliit na drawer sa gilid ng kama. Doon niya natuklasan na hindi lang isa ang natatanggap na death threat ni Asher. Marami. Iba-iba man ang istilo ng mga sulat ay mukhang hindi ito pinapansin ng kapatid. Pero bakit? Naguguluhan na talaga siya. Tinago niya ang mga sulat. Siguro kailangan niya tawagin ang matalik niya kaibigan. Hindi siya mapalagay kaya kailangan niya nang makakausap sa ganito problema. Pagka-dial sa numero ni Kiko, sinagot naman nito ngunit mas nabigla siya sa malakas na sigaw ng kaibigan sa kabilang linya. "Putang ina mo kang gago ka! Magnanakaw! Ikaw ba pumatay sa kaibigan ko ha?! Ikaw ba?! Balik mo ang selpon niya. Hayop ka!" Napatanga siya sa labis na kabiglaan. Oo nga pala, malamang nabalitaan na nito ang nangyari. Patay na siya sa pagkakaalam ni Kiko. "Ako 'to, Kiko. Si Diego." Kumbinsi niya sa kaibigan. "Ulol ka. Pakyu! Balik mo ang selpon ng kaibigan ko kun'di susunugin kita ng buhay." Bumuntong hininga siya. "Ako nga ito. Pakyu ka rin! Magkita tayo para maniwala ka." Biglang tumahimik ito sa kabilang linya. "Multo ka na ba, Diego? 'No ba 'yan! Walang katakutan, Diego! Atapang a' tao ako pero takot ako sa multo." Garalgal na sabi ni Kiko. Gusto na niya tumawa pero nagpigil siya. "Magkita tayo sa paborito natin karinderya malapit sa may Intramuros. Ano G ka ba?" "Sige ba! Pag nanloloko ka, babangasan ko talaga gilagid mo kung sino ka man." Napailing na lamang siya. Sinabi niya bago mag alas dose ng tanghali sila magkita. Hindi rin niya kasi alam kung saan siya kakain kaya mas mabuti doon na lang para makausap din niya ang kaibigan. Bahala na talaga pero hindi siya papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang kapatid niya. May tao sa likod nang pagkamatay nito at naniniwala siya may hinala si Asher kung sino iyon. "Pasensya kana, Asher kung gagamitin ko pansamantala ang katauhan mo. Huwag kang mag-alala aayosin ko 'to." Pabulong na bigkas niya saka yumuko at nagdasal para sa kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD