Ang bilis ng panahon kung dati ay hinagangad ko lamang ay makatapos ng pagaaral at matupad ang aking mga pangarap ngayon ay isa na akong asawa at ina sa dalawang makukulit na bata. Pero syempre joke lang yon. Kung pwede nga lang na parang hangin na lumipas ang natitirang dalawang taon ko dito sa UP. "Malalim nanaman ang iniisip mo," bulong ni Color nang umupo sya sa aking tabi sa damuhan ng campus. "Pagkakaperahan ba yan?" Hindi ko mapigilang mapangiti at sumulyap sa napaka gandang babae sa aking tabi. Humangin ng malakas para liparin ang kanyang mahabang buhok. "I'm planning to rob a bank so I don't have to study anymore," "Kailangan mong planuhing mabuti yan para hindi masayang ang lahat kung sa kulungan lang rin ang bagsak mo," payo ni Color. Tinanggal nito ang suot nyang varsity j