Pagkahawak ko ng aking diploma ay hindi ko mapigilan maging emosyonal. Sa wakas, nagbunga rin ang lahat lahat ng paghihirap at pagsusunog ko ng kilay araw man o gabi sa loob ng limang tao sa kolehiyo. Ngayon ako ay nakatayo sa harapan ng libo libong tao na gaya ko ay nagtapos sa aming mga piniling kurso habang suot ang Sablay na sumasagisag sa ating nasyonalismo at kahalagahan na inilagay natin sa ating katutubong kultura, na kabilang sa mga halaga na natutunan mula sa Unibersidad. "Maligayang pagtatapos sa ating mga scholar ng bayan," bati ko sa mga kapwa ko studyante. "Napili kong ibahagi ang aking talumpati sa wikang Filipino," hindi ko na binasa ang ginawa kong speech na nakasulat sa papel dahil mas gusto ko na mang galing ito sa aking puso. "Nais kong ibahagi sa inyo ang maramin