Ilang araw at gabi na akong naghihintay, nagungulila na muling makita si Ginger. Wala na akong balita sakanya simula ng ilayo sya sakin ni Señora ng araw na yon. Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sakanya pero ipinagdarasal ko na sana ay mabuti sya. Napudpod na ang daliri ko sa kakatext at tawag sakanya pero kahit isang letra wala akong natanggap na sagot mula kay Ginger. Sinubukan ko ring maghintay sa Crisna, nagbabaka sakaling makita sya pero kahit ni anino nya ay wala. "Reese Anak," tawag ni Nanay sa labas ng kwarto ko. "Nandito sina Nadia at Chloe," Pero tila wala akong naririnig. Nakatingin lang ako sa taas at hinihintay maging kulay puti ang rosas na kisame. Narinig ko na bumukas ang pintuan pero hindi ko ito nilingon. Wala naman kasi akong ganang makipagkwentuhan kahit k