Chapter 5

2149 Words
Sa buhay ng tao marami talagang bagay ang hindi natin lubusang maintindihan at hindi inaasahan mangyari. Kaya ang una nating mararamdaman ay pagkalito at takot. Hindi na tayo makakapagisip ng maayos at kadalasan ay mas pinipili natin takbuhan at talikuran ang resulta ng ating nagawa. At paano kaya namin malukusutan ang sitwasyon na ito. Sobrang higpit ng pagkakahawak ni Ginger sa aking kamay habang pareho kaming tila naging yelo sa pagkakatayo sa harapan ng galit na galit na si Señora Amanda. "What is the meaning of this!?" nanlilisik ang mga mata ni Señora habang nakatingin samin ni Ginger. Pinagsalikop ni Ginger ang aming mga daliri. Ramdam ko ang binibigay nyang suporta sakin, na hindi nya ako pababayaan at hindi iiwan. "Mom," bulong ni Ginger. Dinig ko ang takot sa kanyang boses. Pero pilit sya nagpapakatatag para sakin. "Mahal ko si Reese," hindi na sya nagpatumpik tumpik pa. Kahit madilim ay kita ko ang pamumula ng mukha ni Señora sa galit. Lumapit sya kay Ginger. "Anong pinagsasabi mo Ginger? Hindi kita pinalaki ng ganyan at lalong lalo ng wala akong anak na magdadala sa aki ng kahihiyan," Alam ko sa puso ko na nasaktan ng husto si Ginger sa sinabi ni Señora. Pero wala ako ni kapirasong tapang at lakas para magsalita. "But I love-" Hindi pa natatapos magsalita si Ginger ay isang malutong na sampal ang dumapo sakanyang pisngi. "I don't want to hear any of your stupid excuses," nagngingitngit ang mga ngipin ni Señora. Alam ko na strikto sya pero hindi ko akalain na ganito nya itratratuhin ang kanyang anak. Bigla akong nanlamig ng dumapo ang paningin ni Señora sakin. "At ikaw Reese, akala ko magiging mabuti kang impluwensta kay Ginger dahil matalino ka pero anong ginawa mo? Ginawa mo syang kahihiyan sa pamilyang ito!" "MOM!" umiiyak na sigaw ni Ginger kay Señora. "It was not her fault!" depensa nya sakin. Hindi ko mapigilan ang luha na kumawala sa aking mga mata. "It's me," Marahas na hinatak ni Señora Amanda si Ginger kaya napabitaw sya sakin. "Nababaliw ka na! Hindi kita pinagaral at pinalaki para maging ganyan!" "Nasasaktan ako!" ingit ni Ginger habang pilit inaalis ang kamay ni Señora sa kanyang braso. "Bakit ba ayaw mo tanggapin na ganito ako? Na lesbian ako!" "Dahil hindi ka ganyan! Nilalason lang ng babae na yan ang pagiisip mo!" angil ni Señora. "Josh! Vincent!" tawag ni Señora. Biglang may dalawang lalaking sumulpot. Body guard sila ni Mayor. "Dalhin nyo si Ginger sa kwarto nya at wag na wag nyong papalabasin!" utos ni Señora. Agad namang sumunod ang mga ito at parang papel na dinala si Ginger palayo sakin. "Bitiwan nyo ako, mga hayop kayo!" sigaw ni Ginger sa dalawang lalaking bumibitibit sakanya. "Reese!" tawag nito sa aking pangalan pero wala, wala akong magawa. Pakiramdam ko katapusan na ng mundo ng mawala na si Ginger sa aking paningin. Ako dapat ang sisihin sa lahat ng ito kung hindi sana ako nagtapat ng tunay kung nararamdaman kay Ginger edi sana walang pangyayaring ganito, walang sakit at walang pagpipighati. Huminga ng malalim si Señora bago tumingin sakin. Ang bilis magbago ng kanyang mukha, kanina lang ay hindi ko na sya makilala sa sobrang galit ngayon naman ay para syang Anghel. "Reese Iha," nakangiti na tawag ni Señora sa aking pangalan. "Palalagpasin ko ang lahat ng ito basta layuan mo si Ginger. Ayaw mo naman siguro pagtawanan sya ng mga tao dahil sa sinasabi nyang pagmamahal nya sayo," "Pero mahal po namin ang isa't isa," buong lakas ng loob ko na sabi kay Señora. Natawa ito na para bang nagjoke ako sakanya. "Ang babata nyo pa, anong alam nyo sa pagmamahal?" Napalunok ako at pinahid ang aking mga luha. Hindi ko alam ang sasabihin dahil sa sobrang takot tila naumid na ang aking dila. "Ang dapat yong ginagawa ay ang magaral at hindi ang kung ano anong kalokohan," tumalikod si Señora. "Wag ka nang magpapakita kay Ginger," walang emosyon ang kanyang boses bago ito tuluyang umalis. Naiwanan akong luhaan at hindi malaman ang gagawin. Akala ko wala ng katapusan ang kasiyahan namin ni Ginger pero katulad ng mga sikat fairytale walang happy ending, walang forever. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi magisa, naglakad lang ako sa kadiliman at putikan. Ang pinakamalas ay umulan pa. "Reese, anong nangyari sayo?" gulat na tanong ni Nanay ng pagbuksan nya ako ng pintuan. Hindi ko kayang isalin sa kahit na anong salita ang nararamdaman kung sakit ngayon. Agad kung niyakap si Nanay at para akong bata na umiyak sakanya. "Anak ano bang nangyari?" natatarantang tanong ni Nanay nang makaupo kami. Lumabas si Tatay mula sa kusina at humangos sa aking tabi. "May nanakit ba sayo?" Umiling ako at tuloy parin sa pagiyak. Sobrang sakit lang dahil hindi ko alam kung ano na bang nangyayari kay Ginger ngayon, okay lang kaya sya? Sana wag syang saktan ni Señora lalo na ni Mayor.. Binigyan ako ni Nanay ng tubig para kumalma ako kahit paano. Lumipas ang ilang minuto ay ang mata ko na mismo ang kusang napagod at huminto sa pagiyak. Naligo ako at nagpalit ng damit bago mahiga sa kama. Kinuha ko ang aking cellphone at pilit tinawagan ang numero ni Ginger pero hindi ko sya makontak. Maraming akong pinadalang text messages sakanya para sigurado akong mababasa nya. "Anak," anang ni Nanay habang kumakatok sa pintuan ng kwarto ko. Pumasok si Nanay na may bitbit na isang basong gatas. "Inumin mo muna ito bago ka matulog," naupo ako at kinuha ang gatas at ininom ito. "Salamat po Nay," sabi ko kay Nanay. Ramdam ko na gustong gusto nya tanungin kung ano ba ang nangyari sakin. Pero siguro mas makakagaang na magtapat ako sakanya. "May gusto po akong ipagtapat," Walang kibo na naupo si Nanay sa gilid ng aking kama at hinawakan ang aking kamay. "Sige makikinig ako," Huminga ako ng malalim bago umpisahan magkwento. Nagumpisa ako sa paghingi ng tawad kung sakaling nadisappoint ko sya, pero hindi kumikibo si Nanay. Pinagtapat ko rin ang damdamin ko para kay Ginger at syemre ang nangyari kanina sa birthday party. "I'm sorry Nay," paumanhin ko. "Isa akong pagkakamali at kabiguan sa inyo ni Tatay," napayuko ako dahil sa kahihiyan. "Anak kahit na sino at ako pa tatanggapin kita ng buong buo," hinigpitan nya ang paghawak sa aking kamay. "Mahal kita, namin ng Tatay at mga kuya mo. Susuportahan namin ang mga desisyon mo sa buhay. Basta masaya, masaya narin kami para sayo," Pinahid ko ang luha na pumutak mula sa aking mga mata. Sa pagtanggap ni Nanay sakin ay medyo gumaang ang aking nararamdaman at least hindi ko na kinakailangang maglihim pa at dalhin ang lahat ng bigat ng damdamin ng magisa. "Salamat po Nay," Nakatulog ako ng mahimbing kahit na ang puso ko ay nangangamba. Sa aking panaginip ay maligaya kaming naguusap ni Ginger, sinasabihan nya ako ng mga korni nyang joke at kinukwentuhan ng mga gawa gawang istorya. Pwede sya maging writer dahil sa kanyang makulay na imahinasyon. Nagising ako sa tunog ng aking cellphone. Inaantok na sinagot ko ang tawag. "Hello," pupungas pungas na sagot ko. "Sino to?" "Reese!" Biglang napabukas ang mga mata ko at napabangon sa aking kama. Sumambulat ang gulo gulo ko na buhok sa aking mukha. "Ginger! Okay ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?" sunod sunod na tanong ko sakanya dahil sa sobrang pagaalala. "Okay lang ako Reese," bulong ni Ginger. Para syang may tinataguan. "Magkita tayo mamaya," "Saan? Baka mapagalitan ka ng Mama mo," Huminga ng malalim si Ginger at hindi agad sumagot. "Sa Crisna, doon sa kubo. Basta magkita tayo, darating ako kahit na anong mangyari," Kahit na may pagaalinlangan ay pumayag narin ako. Hindi rin naman ako matatahimik hanggat hindi ko nakikita si Ginger. "Sige hihintayin kita," "I love you Reese," malungkot na sabi ni Ginger mula sa kabilang linya. "I will call you later," "I love you too, magingat ka. Text or call me kung may mangyari man," nagsisikip ang dibdib ko habang nagpapaalam sakanya. Para kaming sina Romeo at Juliet, maraming humahadlang at kontra sa aming pagmamahalan. Maaga akong kumain at naligo, inihanda ang sarili ko para sa pagkikita namin ni Ginger. Mabuti na lamang at magisa ako sa bahay dahil nasa trabaho sina Nanay at Tatay. Inabala ko ang aking sarili sa panunuod sa tv pero lumilipad parin ang isip ko. Magaalas kwatro na ng hapon ng umalis ako ng bahay at nagtungo sa tagpuan namin ni Ginger. Dumating ako sa kubo. Tabing daan ito pero hindi agad mapapansin dahil pinalilibutan ng mga puno ng sanging at mga damuhan. Naupo ako sa pinakahagdan at naghintay kay Ginger. Upo, tayo at konting lakad ang ginawa ko sa ilang oras na paghihintay pero kahit na anino nito ay hindi ko pa nakikita. Nakailang text at tawag na din ako sakanya pero nakapatay ata ang cellphone nya. Hindi ko tuloy mapigilang hindi magalala kay Ginger. Sana ay okay sya. Mag aalas siete na pero walang Ginger na dumating. Kaya kahit na mabigat sa loob ko ay kailangan ko ng umalis dahil siguradong hinahanap na ako nina Nanay at Tatay. Lumabas ako ng kubo at naglakad sa gilid ng kalsada pauwi sa aming bahay. Wala na masyadong tao sa daan kundi mga sasakyan at mga kalabaw na hatak hatak ng kanilang amo. "Reese!!" Napalingon ako sa aking likuran at nakita ang humahangos na si Ginger. Namumula ang kanyang mga pisngi dahil sa pagtakbo para habulin ako. "Ginger!" tumakbo ako palapit sakanya at hindi napigilang yakapin sya ng mahigpit. Akala ko ay hindi ko na sya makikita. "Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay?" naluluha ko na tanong. Lumayo kami sa isa't isa. "Pasensya ka na Reese. Kanina lang umalis sina Mama at Papa para sa meeting de avance nila sa kabayanan," Pinagmasdan ko ang kanyang mukha, malalim at namumula ang kanyang mga mata. Mukhang hindi sya nakatulog ng maayos kagabi. "Okay ka lang ba?" nagaalala ko na tanong, hinawakan ko ang kanyang pisngi. Napapikit si Ginger at dinama ang bawat haplos ng aking palad. "Oo okay lang," nakangiti sagot nya at marahang idinilat ang kanyang mga mata. "Gusto lang talaga kitang makita. Sobrang miss na kita Reese. Parang kulang ako kapag wala ka," Imbis na matuwa ako ay mas nakaramdam ako ng lungkot. "Ganito na ba tayo simula ngayon? Palihim na magkikita?" "Hindi ko alam," bumuntong hininga si Ginger. "Pero magtyaga muna tayo," naglakad kami papunta sa bahay. "Basta kahit anong mangyari Reese," inabot ni Ginger ang aking kamay. "Tandaan mo na mahal kita at ipaglalaban ko kung ano man ang meron tayo," "Mahal din kita Ginger," sabi ko sakanya nang walang pagaalinlangan. "Handa akong maghintay sayo kahit gaano katagal dahil alam ko pupuntahan at babalikan mo ako," Biglang may huminto na dalawang kotse sa aming tabi at lumabas si Señora Amanda at sumunod ang kanyang mga body guards. "Napakatigas talaga ng ulo mo Ginger! Di ba sinabi ko sayo na wag kang lalabas ng kwarto mo? Na hindi ka pwedeng makipagkita sa babae na yan?" singhal ni Seńora. Agad akong hinawakan ni Ginger at hinawi para malayo sa galit na galit na si Señora. "Mahal ko si Reese kahit na ano pang gawin nyong pagbabawal sakin, susundin at susundin ko parin ang puso ko," kalmadong sagot ni Ginger kay Señora, samantalang ako ay nanginginig sa takot. "Please Mom, hayaan nyo na kami," pagmamakaawa ni Ginger. "Ako ang iyong ina at nais ko lang ang mas makakabuti para sayo Ginger," tumingin si Señora sakin. "At si Reese ay isa sa bagay na makakasira sa pagkatao mo, maaaring hindi mo pa ito makita but please trust me, this is for you Ginger," "Hindi ikaw ang makakapagsabi kung ano ang magpapasaya sakin," gigil na sagot ni Ginger sabay hatak sakin palayo. "Vincent! Kuhain nyo si Ginger at iuwi sa bahay," utos ni Señora. Mabilis pa sa alas kwatro na pumaikot ang mga body guards samin ni Ginger. "Iwanan nyo si Reese sakin," "No, Mom, please don't do this," iyak ni Ginger. Nakita ko ang takot sakanyang mukha. Tumingin sya sakin na basang basa ang mga mata ng luha. "Reese! I'm sorry!"pagsusumamo nya sakin bago tuluyang pwersahang ipasok sa loob ng kotse. "Reese," usal ni Señora habang sinusuklay ang kanyang mga daliri sakanyang buhok. "Akala ko nagkaintindihan na tayo kagabi. Sige ganito nalang," bumuntong hininga sya. "Isipin mo nalang ang pamilya mo. Kahit anong oras pwede kung tanggalin sa trabaho sa Mansion ang Nanay ko at sa munisipyo ang Tatay mo. At hindi lang yon Reese," ngumiti si Señora Amanda sakin. Isang ngiti ng pananakot at pagtataksil. "Kaya ko ring pigilan ang scholarship na pinakaaasam mo at ang pinaka highlight sa lahat ay ang palayasin ko kayo sa bayan ito," "Wag po Señora. Wag nyo idamay ang pamilya ko dito," iyak ko. Hinawakan nya ang aking balikat. "Isipin mo mabuti ang mga sinabi ko sayo Reese. Matalino ka kaya wag mong isakripisyo ang pamilya mo para sa isang bagay na walang katuturan,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD