Nagumpisa ang Birthday party ni Ginger nang makarating ako sa Mansion. Maraming pamilyar na mukha, may mga maimpluwensyahang tao, mayayamang pamilya at syempre simpleng mamayan katulad ko.
Kanina ko pa hinahanap si Ginger pero hindi ko sya makita. Baka abala pa sya sa dami ng kanyang bisita. Gusto ko sana personal na iabot sakanya ang regalo ko, medyo nahihiya ako dahil simple lang ito at hindi mamahalin.
"Reese? Ikaw ba yan?"
Napalingon ako sa dalawang babae na nakanganga habang nakatingin sakin. Sina Chloe at Nadia. Close friends namin sila ni Ginger, classmate at eating body rin. Kasama silang dalawa sa 18th candles.
"Kanina ko pa kayo hinahanap," masaya kong sabi sa mga kaibigan ko. Finally, may kasama narin ako. Akala ko magisa nalang ako hanggang sa mag umpisa at matapos ang debut ni Ginger. Nahihiya narin kasi ako dahil para akong tanga na palakad lakad na pinagtitinginan ng mga mapanuring mga mata.
Lumapit si Chloe sakin at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. "Oh gosh, ikaw nga yan! Muntik ka nanaming hindi makilala. Sobrang ibang iba ka!"
Napakunot noo nalang ako. "Anong kakaiba?"
Natatawang lumapit si Nadia sa aking tabi at saka kami naglakad papunta sa isang bakanteng lamesa. "Sobrang ganda mo kasi ngayon Reese,"
"So dati panget ako? Grabe kayo sakin," nahihiyang sagot ko at saka kami naupo.
Napansin ko ang may nakapalibot na mga puti at pulang petals ng rosas sa maliit na stage, may mga metallic balloon na nagkalat sa sahig na natatakpan ng usok. "Nakita nyo na ba si Ginger?"
Kinuha ni Chloe ang baso ng tubig. "Hindi pa, baka maya maya ay bumaba narin sya dahil maguumpisa narin ang party nya," napatingin sya kay Nadia. "Sino katext mo?"
Napataas kilay si Nadia kay Chloe. "You are not my mother para tanungin kung ano ang ginagawa ko kada minuto," pagtataray nito sa kanyang katabi. Para silang aso at pusa kapag nagtatabi. "Well, I texted Ginger kaya lang hindi naman sya sumasagot,"
Biglang namatay ang ilaw at ang nagbigay liwanag ang strobe lights na umiikot sa loob ng Mansion. Lahat kami ay napatingin sa bumukas na ilaw sa tutok ng hagdan sa second floor. Napasinghap ako ng makita ko si Ginger na nakatayo sa hagdan at maingat na bumaba habang tumutunog ang piano.
Lalo syang gumanda sa kanyang blue fairytale like na gown. Tamang tama ang kanyang make up, hindi makapal hindi manipis sadyang pinalabas ang kanyang ganda samantalang ang buhok nya ay malayang sumasayaw sa kanyang kutis porselanang balikat.
"Sya na nga talaga ang Pretty Woman," narinig ko na bulong ni Chloe habang buong paghangang pinanunuod si Ginger.
"Sinabi mo pa," buntong hininga ni Nadia. "Ang ganda na nga nya, pero mas lalo pa syang gumanda ngayon,"
Ngumiti ng matamis si Ginger sakin ng magtama ang aming paningin. Sa dami ng tao sa loob ng Mansion ay nahagilap nya parin ako. Inalalayan sya ni Mayor sa pagbaba ng hagdan at dumaretcho sa maliit na entablado.
"18th Candles please stand up," anang ng event organizer. Agad namang kaming tumayo at isa isang lumapit kay Ginger habang nakaupo sa malatronong upuan na yari sa ratan na pinalibutan ng mga petals ng rosas.
"Kinakabahan ako," bulong ni Nadia sakin dahil sya na ang susunod, samantalang ako ang pinakahuli.
Tinapik ko ang kanyang balikat. "Relax lang," at naglakad na sya papunta kay Ginger. Parang ako naman ata ang kinabahan, lalo pa at lahat ng mata ay nakatingin sakin. Nang maiabot ko ang huling kandila kay Ginger ay agad kaming pinabalik sa upuan ng event organizer. Nakita ko na medyo napasimangot si Ginger dahil hindi man lang kami nakapagusap.
Sa first dance, syempre si Mayor ang una, at ang mga sumunod ay kung sino sino na ang nagsayaw kay Ginger. Ewan ko ba pero nakaramdam ko ng pagseselos, dahil nakikita ko sa mga kilos ng mga lalaking nagsasayaw sakanya kung gaano nila ito hinahangaan at kagusto.
"Bakit parang walang 18th roses?" nagtatakang tanong ni Chloe samin ni Nadia.
Napatingin kami sa pila ng 18th roses, pero hanggang 17 lang ang nakatayo.
"Baka nandyan lang, imposible namang nakalimutan ni Ginger ang pinakaimportante sa lahat," sabi ko pa.
"Tama, si Ginger pa ba e nakapaperfectionist nyan," sang ayon ni Chloe habang nakahilig ang kanyang ulo sa balikat ni Nadia.
Nang matapos ang 17th roses ay wala na ngang kasunod. Nakalimutan nga ata. Buong pagtataka na sinundan namin ng tingin si Ginger na naglalakad. Tuloy parin ang tugtog para sa last dance.
"Saan sya pupunta?" tanong ni Chloe.
Nanlamig ang aking katawan ng mapagtanto ko kung saan pupunta at kung ano ang gagawin ni Ginger.
Lumakas ang mga bulungan nang huminto si Ginger sa aking harapan. Siguro nananaginip lang ako dahil napakaimposible naman nitong mangyari.
"Oh gosh," bulong ni Nadia sa aking tabi.
Tila namaos ang aking lalamunan at nakalimutan ko kung paano magsalita sa pagkalito at pagkagulat.
Inilahad ni Ginger ang kanyang kamay sa aking harapan. "We have been best friends for so many years Reese and since I didn't have my 18th roses," nakangiting sabi ni Ginger sakin. Medyo nakahinga ako ng maluwag ng marinig ko ang tinuran nya. Gustuhin ko man kasing marinig na higit pa sa pagiging best friend ang meron kami pero hindi pa ito ang tamang panahon. "Can you be my last dance?"
"Sige na," tulak nina Nadia at Chloe sakin. Hanggang pati ang ibang tao ay pinipilit na akong tumayo at isayaw ang birthday celebrant.
Sino ba ako para tanggihan ang pinakamagandang babae na nakatayo sa aking harapan. Inabot ko ang kanyang malalambot na kamay at saka ako tumayo. Magkahawak kamay kaming naglakad ni Ginger patungo sa entablado at nagsayaw.
"Happy Birthday," bati ko kay Ginger.
Inilapit ni Ginger ang kanyang mukha sakin at bumulong. Hindi din naman kami magkakaintindihan dahil sa lakas ng musika. "Thank you," naramdaman ko ang mainit nyang hininga sa aking batok.
"Ginger, no.." nanghihinang bulong ko sakanya. "Nakatingin lahat ng tao satin,"
"Wala naman tayong ginagawang masama at hindi maganda Reese, nagsasayaw lang tayo. Iisipin lang nila na masyado lang tayong close dahil nga magbest friend tayo," lumayo ng kaonti si Ginger. "Hihintayin kita sa garden mamaya,"
Tumango nalang ako bago matapos ang sayaw. Bumalik ulit ako sa mga kaibigan ko. Mukhang hindi naman sila nagiisip ng kung ano sa pagsasayaw namin ni Ginger.
Dumating na ang pagkain pero hindi ko ito naubos dahil hindi ako mapakali sa mga makahulugang tingin ni Ginger.
"Excuse me," may nagsalita mula sa aking likuran. Napatingala ako at nakita ang isang lalaki na kung todo ang pagkakangiti sakin. "Hi, Reese right?"
"Yes," maiksi kung sagot.
"I'm Raven," pakilala ng lalaki. Hindi ko naman maitatanggi na gwapo sya. Kapag ngumingiti ito pati ang kanyang mata ay ngumingiti rin. "Can I sit here?"
Tumingin muna ako sa mga kaibigan ko. Humihingi ako ng tulong pero kahit sina Chloe at Nadia ay halos naglalaway habang nakatingin kay Raven.
"Ah sure," wala na akong nagawa. Sumulyap ako sa gawi ni Ginger at kitang kita ko ang pagseselos sakanyang mata.
"I heard that you are the Validectorian of your class," basag ni Rave sa katahimikan habang kami ay kumakain. Paano kaya nya nalaman yun. "So where are you going for College?"
Pinunasan ko muna ang aking bibig bago sumagot. "Actually hindi ko pa alam, naghihintay pa ako ng resulta,"
Napadaretcho ng upo si Raven at ngumiti ng kasing tamis ng asukal sakin. "Do you want me to help you? You know, I have connections," nagulat ako ng hinawakan nya ang aking kamay.
"Excuse me Raven," medyo galit at gigil na salita ni Ginger na hindi ko man lang namalayan na nakalapit na pala sya sa lamesa namin. "Can I please talk to Reese," ang kanyang boses ay hindi nagtatanong kundi naguutos.
Tumayo si Raven. "Ah. Okay sure," humarap si Raven sakin. "See you around," masaya nitong sabi bago umalis at bumalik kung saan man sya nanggaling.
"Please follow me," salita ni Ginger bago tumalikod at lumabas ng Mansion. "Girls I'll be right back," paalam ko kina Chloe at Nadia na abala sa pagkain. Hindi ata mga nagsikain ng ilang linggo ang mga ito kaya hindi na nagsasalita kundi nguya at lunok nalang ang ginagawa.
Tumayo ako sumunod kay Ginger. Hindi sya nagsasalita hanggang sa makarating kami sa garden. Walang tao dito at madilim pa.
Umuhip ang malamig ng hangin bitbit nito ang mabangong amoy na nagmumula sa sari't saring bulaklak na nakatanim sa napakalaking hardin na ito.
Muntik na akong mapatalon ng may humawak sa aking braso at kaladkarin ako sa kung saan man. Muntik na akong matapilok dahil sa mabatong daan. Naramdaman ko nalang na tumama ang aking likuran sa pader.
"Why are you flirting with Raven?" mahinang wika ni Ginger habang nakahawak ang dalawa nyang kamay saking balikat. "Nalingat lang ako tapos kung sino sino na ang kinakausap mo,"
"Anong pinagsasabi mo Ginger! Ni hindi ko nga kilala yang Raven na yan e!" medyo inis na angil ko sakanya. "Bitiwan mo nga ako," pilit kung inaalis ang kanyang kamay sa balikat ko pero sadyang mas malakas sya sakin.
Pagkalipas ng ilang segundo at binitawan na ako ni Ginger. "I'm sorry. I was just.." napabuntong hininga nalang ito at niyakap ako. "I just love you Reese," niyakap ko rin sya at ipinatong ang aking baba sa kanyang balikat. "It's hurt me na hindi man lang kita mahawakan, na hindi ko masabi sa buong mundo kung gaano kita kamahal,"
Sobrang galak ng puso ko sa bawat salita na naririnig ko mula kay Ginger. Nakakalasing at nakakabaliw. Daig ko pa ang nakagamit ng bawal na gamot.
Lumayo si Ginger at tinitigan ako habang hinahaplos ang aking pisngi. "Have I told you that you are the most the beautiful woman tonight?"
Naginit ang aking pisngi sakanyang pagpuri. Kung alam ni Ginger na sa mga mata ko ay wala ng hihigit pa sakanyang kagandahan.
Inikot ko ang aking braso sa kanyang bewang at sa pagkakataon na ito ay hindi ko na pinigilan ang aking sarili nang halikan ko ang kanyang mapupulang labi.
"Hmm," narinig ko na ungol ni Ginger habang gumaganti sya ng halik sakin.
Napahigpit ang aking pagkakahawak sa kanyang bewang ng maramdaman ko ang kanyang dila sa pagitan ng aking labi. At dahil sa init na aking nararamdaman ay dahan dahan kung ibinuka ang aking bibig at sya namang pagpasok ng mapaglarong dila ni Ginger.
Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakaranas ng ganitong katinding sensyason sa aking katawan. Nakakapaso at nakakasunog ng mga kalamnan. Sana wag itong matapos at sana wala itong kapalit.
"Ginger-" usal ko sa pagitan ng paghalik ng ang kanyang kamay ay dumapo sa aking dibdib.
"I love you," bulong ni Ginger ng naghiwalay ang aming mga labi para kumuha ng hangin. Nakikiliti ang puso ko kapag naririnig ko salitang I love you mula sa kanya. Unti unting idinampi ni Ginger ang kanyang mga labi sakin at muli ako ay nagparaya.
"GINGER!!"
Napatalon kami palayo sa isa't isa ng biglang may sumigaw ng pangalan ni Gunger. Nanlamig ang buo kung katawan ng makita kung sino ito.