Chapter 3

1956 Words
Hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko ang totoo kay Ginger, pano nalang kapag ito ang magiging dahilan ng pagkawasak ng aming pagkakaibigan na sobrang kung inalagaan. Meron talagang mga tanong na walang kasagutan at may mga kasagutan na hindi mo alam kung paano sasabihin dahil ayaw mo masaktan o ayaw mo makasakit. "I'm asking you Reese, what are we?" bulong na tanong ni Ginger sakin. Ngayon ko lang sya nakita na ganitong kaseryoso. Idinilat ko ang aking mga mata pero hindi ko magawang tumingin sakanya. Natatakot ako na baka lalo akong ipagkanulo ng aking sarili. "Hindi ko alam Ginger-" Binitawan ni Ginger ang aking bewang at lumayo sakin na tila may nakakahawa akong sakit. "Hindi mo alam?" ramdam ko ang sakit sakanyang boses. "Ganyan ka na ba talaga kamanhid Reese?" Sa pagkakataon na ito ay napatingin ako kay Ginger na pulang pula ang mga mata. Tila gusto nyang umiyak. "But you know what. Never mind-" huminga sya ng malalim at lumangoy papunta sa pangpang. "Umuwi na tayo," Sinunod ko naman ang sinabi nya. Wala kaming kibuan habang nagbibihis ng damit. Alam ko na galit sya pero hindi ko alam kung bakit. Ako na nga ang gumagawa ng paraan para hindi masira ang pagkakaibigan namin. "Ginger.." tawag ko sakanyang pangalan habang naglalakad kami sa kagubatan. Ang bilis nyang maglakad halos madapa na ako dahil sa mga bato na nasa daan pero hindi nya ako pinapansin. "Ginger ano ba! Kausapin mo naman ako!" hinatak ko ang kanyang braso. "Bakit ang manhid mo Reese!?" napalunok si Ginger habang nakatingin sya sa malayo. "Sa tingin mo bakit kita hinalikan? At bakit mo ako hinalikan? Ginagawa ba ng magkaibigan yon?" "Ginger-" "Mahal kita okay," pagamin nya at tumingin sya ng malalim sa aking mga mata. "Mahal kita noon pa," Sa narinig ko parang umangat ang aking mga paa sa lupa. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko, sumasakit na nga ang tenga ko dahil sa ingay nito. Baka panaginip lang ito at ayaw ko ng magising. Hinawakan ko ang kanyang pisngi at pinunasan ang kanyang luha. Nasasaktan ako kapag nakikita syang umiiyak, lalo na kung ako ang dahilan. "Mahal kita Ginger," isang malungkot na ngiti ang namutawi sa aking labi. "Minahal kita bago mo pa ako mahalin, pero itinago ko dahil ayaw ko masira ang pagkakaibigan natin." "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Ginger. Ngumiti ako. "Oo, bakit naman ako magsisinungaling?" Hinatak ako ni Ginger at mahigpit na niyakap. Walang anumang salitang namutawi sakanyang labi. Dahil may mga damdamin at empsyon na walang katumbas ng kahit anong salita. Wala mang kasunduang nangyari pagkatapos ng pagtatapat namin sa isa't isa ay kuntento at masaya narin kami. Hindi pa siguro ito ang tamang panahon at pagkakataon. Basta ang mahalaga mahal namin ang isa't isa. Bumalik kami sa Mansion at hinanap ko si Nanay. Samantalang si Ginger ay kinausap ni Mayor para sa ika- 18 taon na birthday nya bukas. "Reese Anak, kanina pa kita hinahanap," wika ni Nanay habang inaayos ang mga gagamiting mga halaman at bulaklak sa debut. "Saan ka ba nagpupunta?" Tinulungan ko si Nanay magbuhat ng mga paso at inilapag malapit sa pintuan ng Mansion. "Pasensya na po Nay, may pinuntahan lang po," pagsisinungaling ko. Ayaw ko man sana gawin ito pero hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Nanay kapag nalaman nya ang nangyari samin ni Ginger. Hindi ko alam kung matatanggap ba ako ng aking pamilya kapag nagtapat ako tungkol sa pagmamahal ko kay Ginger. "Mukhang engrande ang birthday party ni Ginger bukas," "Sinabi mo pa Anak," nilapag ni Nanay ang paso at naginat ng katawan. Kung ako ang tatanungin ay ayaw ko na magtrabaho pa sya pero lagi nalang sinasabi ni Nanay na malaki ang utang na loob ng aming pamilya kina Mayor. "Maraming mga politikong imbitado, mga mayayamang pamilya," Napakamot nalang ako sa aking baba. Magbibirthday na si Ginger bukas pero wala parin akong regalo para sakanya. Nastress tuloy ako. "Kanino galing ang kwintas na suot mo?" biglang tanong ni Nanay at titig na titig sa kwintas na binigay sakin ni Ginger. Napahawak ako sa pendant. Hindi ko mapigilang mapangiti nang bumalik sa aking isipan ang mga nangyari samin sa Crisina. "Regalo lang po sakin," Bago pa man makapagtanong ulit si Nanay ay dumating sina Mayor at Ginger. Nagmano ako kay Mayor gaya ng nakagawian tuwing makikita ko sya. Ninong kasi sya ni Kuya Aljun kaya parang inaanak narin ang tingin nya sa aming magkakapatid. Mabait si Mayor kumpara sa asawa nyang si Señora Amanda. "Congratulations nga pala Reese, sigurado akong proud na proud sayo si Ester," bumaling si Mayor kay Nanay. "Hanga talaga ako sayo dahil may Valedictorian ka na," "Salamat po," sagot ko at palihim akong sumulyap kay Ginger na sobrang tamis ang pagkakangiti sakin. Hindi ko naman mapigilang mamula ang aking mukha. "Wag kayong mawawala bukas sa birthday ni Ginger ha, Ester lalong lalo ka na Reese," sabi ni Mayor at hinawakan pa ang aking balikat. "Reese," tawag sakin ni Ginger sabay senyas. Lumapit naman ako sakanya at lumayo kami kina Nanay at Mayor na abala sa paguusap. "Wag na wag kang mawawala sa birthday ko ha," Naglakad kami papunta sa maliit na kubo at naupo sa mga dayami. Pinanuod namin nagtatakbuhan ang mga kabayo, para silang mga batang malayang naglalaro. "Oo naman, hinding hindi ko papalampasin ang pagkakataon na maging 18th roses mo," masaya ko na sagot. Ngumiti lang si Ginger. Sa tagal nanamin magkaibigan ay alam na alam ko kapag may pinaplano syang ikakabigla ko lang sa tamang oras at panahon. "Ano nanaman yang kalokohan na iniisip mo?" "Wala ah," tanggi nito. Nagulat ako ng bigla nya akong hinalikan sa pisngi. Napatingin ako sa paligid, buti nalang at wala na sina Mayor at Nanay kundi baka pinaglalamayan na kami ngayon. "Ano ka ba Ginger," saway ko sakanya pero ngumiti lang sya sakin. "Baka makita tayo ni Mayor," Palihim na hinawakan ni Ginger ang aking kamay. "Masaya lang ako," Walang bahid ng kahit anong dumi ang kanyang mukha, para syang dyosa sa sikat na Greek Mythology. "Bakit mo ako tinitignan ng ganyan," nakakunot noo na tanong ni Ginger. "May dumi ba ako sa aking mukha?" "Wala," matipid ko na sagot at sabay balik ko ang aking paningin sa malawak na rancho at ineenjoy ang napakalamig at sariwang hangin na sa probinsya lamang pwede maexpercience. "Malalim ata iniisip mo?" "Iniisip ko lang kung bakit mo ako minahal," sagot ko kay Ginger. Napansin ko sa gilid ng aking mga mata ang ngiti sakanyang labi. "I'm nothing compare to you, wala akong maipagmamalaki, hindi ako mayaman at hindi rin ako kasing ganda mo," Hinawi ni Ginger ang kanyang buhok at inilagay sa likod ng kanyang tenga. "Reese," bulong nya sa aking pangalan. May dalang kiliti ang kanyang boses. "Higit pa sa mga nasabi mo ang meron ka na hindi pwede ikumpara sa kahit anong bagay dito sa mundo," hinawakan nya ang aking kamay at pinagsalikop ang aming mga daliri. "Hindi ko alam kung bakit hindi mo nakikita kung gaano ka kaganda. Yung iba nga sa manliligaw mo kailangan ko pang takutin para wag lumapit sayo at tigilan ka," "Ginawa mo yon?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo," proud na proud nyang sabi sakin. Tumayo si Ginger sa aking harapan at inilahad ang kanyang kamay. "Are you ready to fly with me Wendy?" Walang pagaalinlangang inabot ko ang kanyang kamay. "Anywhere with you Peterpan," Maaga palang ay gising na ako, pero ang totoo hindi naman talaga ako masyadong nakatulog kakaisip sa birthday ni Ginger. Dapat ay excited ako para sa debut nya pero hindi ko alam kung bakit may kung anong bumabagabag sakin. "Reese Anak, gising ka na ba?" tawag ni Nanay mula sa pintuan. "May nagpadala sayo ng package," Bigla akong napatayo at tila nilipad ang pintuan. Nakita ko ang kulay itim na malaking kahon na bitbit ni Nanay pagkabukas ko ng pintuan. "Kanino daw po galing?" tanong ko kay Nanay habang inilalapag nya ang kahon sa ibabaw ng aking kama. "Abay may dumating na lalaki dito na nakamotor at sabi ay delivery daw," "Paano po kung bomba pala yan?" medyo nangilabot ako sa naisip ko. Delikado kasi ang panahon natin ngayon dapat bigilante ka sa lahat ng bagay. "Ikaw talagang bata ka, kung ano ano iniiisip mo," iiling iling na sabi ni Nanay. "Buksan mo na yan," Sinunod ko naman ang sinabi ni Nanay at agad kung binuksan ang kahon. Napanganga ako ng tumambad sa aking harapan ang pulang gown na yari sa pinakamahal na tela. At hindi lang yan may pulang heels at clutch bag pa. "Sigurado akong mahal yan," tumayo si Nanay. "Kung sino man ang nagbigay nyan sayo ay sobrang special ka sakanya," Hinawakan ko ang makinis at malambot ng tela ng gown. Iisang tao lang naman ang pwedeng gumawa nito para sakin. Tatanungin ko sya mamaya pag nagkita kami. "Oh sya. Tara at magamusal na tayo dahil maaga akong aalis dahil maraming gagawin sa Mansyon ngayong araw," wika ni Nanay bago ito tuluyang lumabas ng aking kwarto. "Sige po," inayos ko muna ang aking kama, nilinis ang aking kwarto saka kumain ng agahan. Ako na ang naghugas ng mga pinagkainan at naglinis ng bahay dahil kapwa nasa kanya kanya ng trabaho sina Nanay at Tatay. Syempre nakagawian ko na ang magpapatugtog ng mga kanta habang naglilinis ng bahay. Hindi ko mapigilang mapasayaw at kanta. "But I keep cruising," gumiling giling ang aking bewang habang nagpupunas ng kabinet ng mga antigong koleksyon ni Nanay. "Can't stop, won't stop moving. It's like I got this music, In my mind. Saying, It's gonna be alright." Sumayaw ako gaya ng ginawa ni Taylor Swift sakanyang music video. Giling dito, giling doon. Kulang nalang ay magpole dance ako sa gitna ng bahay. "Cause the players gonna play, play, play, play, play. And the haters gonna hate, hate, hat-" pagikot ko habang sumasayaw ay para akong binuhusan ng malamig na tubig na may yelo pa nang makita ko si Ginger na nakatayo sa pintuan at nakahilig ang kanyang ulo sa pader habang ako ay pinanunuod. Bigla akong napaupo na tila gusto ko ng maglaho sa kahihiyan. "Ka-kanina ka pa ba dyan?" Nakasuot si Ginger ng blue dress, ankle boots at sumbrero na nagmukha talaga syang Haciendera. "Oo," nakangiting sagot nito at buong elegante syang naglakad papunta sakin. "Hindi ko alam na magaling kang sumayaw," Lalong namula ang aking mukha. "Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka dito," pagiiba ko sa usapan. Huminto si Ginger sa aking harapan at walang sabi sabing naupo sa aking hita. Hindi naman sya mabigat kaya okay lang kahit na maghapon magdamag pa syang kumandong sakin at ikinawit nya ang braso nya sa aking leeg. "Ginger, ano nanaman ba ito. Baka dumating si Nanay o kaya si Tatay," "Sshh," awat ni Ginger. Hinaplos nya ang aking pisngi. "Gusto kasi kitang makita, sobrang namiss kita Reese." muntik na akong mapatalon ng bigla nya akong halikan sa leeg. "Oh gosh, Ginger." nanginginig na bulong ko sakanya. Napakapit ako ng mahigpit sa braso nya. "A-ano ba," Napatawa ng malakas si Ginger at itinigil ang paghalik sa aking leeg. Pakiramdam ko umaapoy ang buo kung katawan sa kanyang panunukso. Tinitigan ako ni Ginger. "Can you promise me one thing?" "Ano yun?" Inilapit ni Ginger ang kanyang labi sa aking tenga. "That I will be your first and last," noong una hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin pero nang makita ko ang mapaglarong ngiti sa kantang labi ay nalaman ko ang ibig nyang iparating sakin. "Ginger-" Binigyan ako ni Ginger ng isang mabilis na halik sa aking mga labi bago sya tumayo at naglakad papunta sa pintuan. "Teka," pigil ko sakanya. Tumayo narin ako. "Ikaw ba ang nagbigay ng black box?" Ngumiti si Ginger at tumango. "See you later my princess,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD