Chapter 2

2425 Words
Malungkot akong nagising dahil wala na si Ginger sa aking tabi. Hindi man lang sya nagpaalam bago umalis. Naligo muna ako bago lumabas ng aking kwarto. "Oh gising ka na pala," bungad ni Nanay sakin. Nagluluto ito agahan sa kusina. Naupo ako sa sala habang sinusuklay ang aking basang buhok. Kaming dalawa nalang ni Nanay ang natira sa bahay dahil ang mga kuya ko ay lumuwas na sa Maynila, si Tatay naman ay nasa munisipyo na. "Maagang nagising si Ginger, hindi ka na nya ginising dahil masarap daw ang tulog mo," Napasimangot nalang ako. Kahit na. Dapat ginising nya parin ako. Para nakita ko man lang sya bago umalis. "Kumain ka na at ako ay pupunta pa sa Mansion para tumulong sa paglilinis ng rancho," Tumayo ako at nagpunta sa kusina para kumain. "Salamat po sa pagkain," kumuha ako ng pritong itlog. "Gusto nyo po bang tulungan ko kayo? Wala naman po akong gagawin dito," Isinuot ni Nanay ang kanyang jacket para panangga sa mainit o maulang panahon. "Oh sya sige, sumunod ka nalang sakin dahil kailangan na ako sa Mansion." sabi ni Nanay bago lumabas ng bahay. Mabilis akong kumain. Isinarado ko ang mga bintana at pintuan bago pumunta sa Mansion. Hindi naman ito malayo kaya pwedeng pwede lakarin. "Magandang umaga Reese!" bati ng kapitbahay namin na si Aleng Cedes na nakadungaw sa bintana. Matandang dalaga ito pero palabati at masayahin. Huminto ako saglit para kumaway sa aking kaibigan. "Magandang umaga rin po Aleng Cedes, kamusta na po kayo?" Lumabas si Aleng Cedes mula sa kanyang bahay na may bitbit na mga prutas. Gaya ng mga saging, manga at papaya. Inabot nya sakin ang basket. Nagtataka man ay kinuha ko na rin ito. "Nalaman ko na grumaduate ka kahapon, pagsensyahan mo na at iyan lang ang nakayanan ko." Napangiti ako at niyakap si Aleng Cedes. "Maraming salamat po. Kahit ano pa po ang ibinigay nyo ay lubos ko po itong pinagsasalamat," "Walang anuman, oh sya. Ikamusta mo nalang ako kay Ginger. Matagal ko na syang hindi nakikita," tinapik ni Aleng Cedes ang aking balikat. "Makakarating po. Sige po." paalam ko sa matanda bago ako naglakad palayo. Kumuha ako ng isang pirasong saging at kinain ito habang ang aking mata ay pinagmamasdan ang kagandahan ng kapaligiran. Maraming puno, simpleng kabahayan at mga kabukiran. Muntik na akong mapatalon ng biglang may bumusina na sasakyan sa aking likuran. Huminto ang isang kulay abo na Toyota Corolla sa aking tabi. Napangiti ako ng makita si Ginger na nakasakay sa back seat. "Reese! Saan punta mo?" tanong ni Ginger. Sya at ang driver nya lamang ang tao sa loob ng sasakyan. Humangin ng malakas kaya kailangan ko munang alisin ang aking buhok na saking mukha bago sumagot. "Pupuntahan ko sana si Nanay sa rancho. Wala rin naman akong gagawin ngayong araw. Ikaw san ka galing?" Binuksan ni Ginger ang pintuan ng kotse. "Sumabay ka na sakin," hindi na ako nagdalawang isip na sumakay. Naamoy ko agad ang nakakalasing na pabango ni Ginger. "Galing kami ng munisipyo para ihatid si Mama," hinawakan nya ang aking kamay at marahan itong pinisil. Lagi naman nya itong ginagawa kaya hindi ko narin binibigyan ng malisya. "Bakit umalis ka ng hindi nagpapaalam?" tanong ko sakanya. Sumulyap si Ginger sakin. Gustong gusto ko talagang pakatitigan ang kanyang mapupungay na mata. "Himbing na himbing ka kasi sa pagtulog, naghihilik ka pa kaya hindi na kita ginising," "Teka!" napabuga ako ng hangin sabay ikot ng aking mga mata. "Hindi ako naghihilik," Napailing si Ginger. "If you don't believe me then ask your mother," "Dinamay mo pa si Nanay," bulong ko. Tumingin ako sa labas ng sasakyan. Malapit na kami sa Mansion. Pero ayaw ko pa muna matapos ang oras na kasama ko si Ginger. Inihilig ni Ginger ang kanyang ulo sa balikat ko. "Saan ka magaaral ng College Reese?" "Hmm," huni ko. "Hindi ko pa alam, marami akong inaplyan for scholarship dito sa lugar natin at sa Maynila. Naghihintay pa ako ng resulta," nilaro laro ko ang daliri ni Ginger. "Ikaw?" Napaupo ng tuwid si Ginger at tumingin ng diretcho. "Gusto nina Mama at Papa sa Maynila ako magaral para kumuha ng medicine. Pero kung dito ka magaaral, dito nalang rin ako." "Ginger-" mahinang tawag ko sa pangalan nya. "Magagalit ang parents mo kapag nalaman nila ganyan ang iniisip mo, do what they want, it is for you," Nanlamig ako ng bitawan ni Ginger ang aking kamay. "What about what I want Reese?" Paano ko nga ba sasagutin ang tanong nya. Pareho lang kaming umasa sa mga magulang namin dahil pareho kaming menor de edad pa. "Or kung gusto mo, kakausapin ko si Papa para bigyan ka ng suporta sa pagaaral mo sa Maynila." lumiwanag ang mukha ni Ginger sa naisip nyang suhestiyon. "Anong sa tingin mo?" Tahimik lang ako. Hindi ko kasi alam kung tama ba ang sinasabi ni Ginger. Ayaw ko naman umasa at maging pabigat sa kahit sino man. Sigurado naman ako na may makukuha akong scholarship, hindi ko lang alam kung dito ba o sa maynila. Huminto ang sasakyan sa tapat ng napakalaki na Mansion, katabi nito ang napakalawak na rancho. Kahit malayo ay kitang kita ko ang mga nagtatakbuhang kabayo. Bumaba na kami ni Ginger sa kotse at naglakad papunta sa loob ng mansion. Napatingin ako kay Ginger na nauuna sakin. Ngayon ko lang napansin ang kanyang suot na bagay na bagay sakanya, black long sleeve, navy blue jeans at brown boots. Napakaganda nya talaga. "Like what you see?" tanong ni Ginger kahit na hindi ito tumitingin sakin. Paano nya nalaman na nakatingin ako sakanya? May third eye ba si Ginger? Umiwas ako ng tingin para itago ang namumula kong mukha. "Hindi ko alam ang sinasabi mo," Naramdaman ko ang braso ni Ginger na pumaikot sa aking bewang. "Dumaan muna tayo sa kwarto ko. Magpapalit lang ako ng damit," Tumango nalang ako at sumunod sakanya. Kahit maraming beses na ako nakapunta sa mansion ng mga Mercado ay hindi ko parin maiwasang mapahanga at matulala sa laki at engrande nito. Pumanik kami sa second floor ng bahay kung nasaan ang kwarto ni Ginger. "I will just change, feel at home." wika ni Ginger bago pumunta sa bathroom. Naiwanan akong magisa. Naglakad lakad ako para tignan ang mga picture na nakadikit sa white board ng kanyang kwarto. May mga notes at mga pictures, karamihan ay picture naming dalawa. Meron akong mga stolen shot. "Bakit ka nakangiti?" narinig ko na tanong ni Ginger mula sa pintuan ng bathroom. Nakapagpalit na sya sa simpleng maong short at tshirt. "Mamimiss ko lang ang bonding natin sa high school. Ang mga asaran, foodtrip at mga selfie." medyo malungkot ko na sagot. Napabuntong hininga nalang ako. Sa totoo lang, mahihirapan talaga ako pag nagkahiwalay kami ni Ginger. Sana lang talaga makapasa ako sa mga inaplyan ko na scholarship sa Maynila para kahit paano ay magkita parin kami ni Ginger. "I have something to give you Reese." wika ni Ginger. Napataas ang kilay ko. "Talaga?" Nakangiting tumango si Ginger. "Close your eyes Reese." "Why?" nagtataka ko na tanong. "I said close your eyes," Nagdadalawang isip man ay ipinikit ko narin ang aking mga mata. Pagkaraan ng ilang segundo ay naramdaman ko ang mainit na labi na dumapi sa aking pisngi. Napadilat ako at nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Ginger na todo ang ngiti. "An-ano ang ginawa mo?" natataranta ko na tanong. "Yon na ba ang tinutukoy mo na regalo?" Natatawang umiling si Ginger. "Hindi," sagot nya sabay pisil sa aking pisngi. "Tumalikod ka," "Ginger please. Stop playing with me." bulong ko. "Totoo na ito, promise." Napabuntong hininga nalang ako at tumalikod. Sana naman ay walang ibang trip na gawin tong si Ginger. Para kasing pinaglalaruan nya ang nararamdaman ko sa bawat haplos at halik nya sakin. Naramdaman ko na may kung anong nilagay si Ginger sa aking leeg. Isang gintong kwintas na may pendant na letter G. "I hope you will like this," bulong ni Ginger sa aking tenga. Niyakap nya ako mula sa aking likuran at ang kanyang baba ay nakapatong sa aking balikat. "Like it? No. I love this." sobrang laki ng pagkakangiti ko habang tinitignan ang pendant. "Thank you!" hindi ko napigilan ang aking sarili ng bigla kong syang hinalikan sa pisngi. Pareho ķaming nagulat. Agad na inalis ni Ginger ang kanyang mga braso sa aking katawan at umatras. "I- I'm sorry-" Ngayon ko lang nakitang namumula ang mukha ni Ginger. Nanginginig na isinuklay nya ang kanyang daliri sa kanyang buhok at pilit na ngumiti. "Ohh. It's okay. Tara.." at lumabas agad sya ng kwarto. Napaisip tuloy ako. Eto na kaya ang katapusan ng pagkakaibigan namin ni Ginger? "Okay Reese." huminga ako ng malalim. "Relax!" lumabas na ako ng kwarto ni Ginger. Nakita ko sya nakatayo at hawak ang kanyang pisngi. "Ginger.." Napatayo ng tuwid si Ginger at ngumiti sakin. "Tara.." aya nito sabay hawak sa aking kamay at pinagsalikop ang aming mga daliri. Bumaba na kami ng hagdaaln. "San tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng Mansion. Binati kami ng mga trabahador sa nagpapahinga sa kubo. "Sa Crisna." sagot ni Ginger. Lumusot kami sa magubat na bahagi ng Mansion na bihirang pinupuntahan ng mga tao. Ang Crisna na sinasabi ni Ginger ay ang napakalinaw na lawa na may talon. Ilang beses na akong nakarating dito kasama sina Kuya Aljun, Iñigo at iba ko pang kaibigan. Napatigil ako sa paghinga nang sa wakas ay marating namin ang Crisna. Walang tao kundi ang mga naguusap na mga ibon na nakatuntong sa ibabaw ng mga malalaking bato. Sobrang linaw ng lawa. Halos kitang kita ko ang ilalim. Ang tanging ingay lang na maririnig mo ay ang nanggagaling sa talon. Mas nakakarelax itong pakinggan kaysa sa mga musika. Napangnga nalang ako ng biglang naghubad ng tshirt si Ginger at tumambad ang kulay pula nyang bra. Napababa ang aking paningin sa kanyang dibdib at halos wala syang tyan. Nang huhubarin ni Ginger ang kanyang suot na short ay pinigilan ko sya. "Teka, teka. Anong gagawin mo?!" natataranta kong tanong. Hindi pa nga ako nakakaget over sa pagkatopless nya ay maghuhubad naman sya ng short. Gusto ata nya mabaliw ako. "Maghuhubad ng short," sakrisaktong sagot nito at tuluyan nyang hinubad ang kanyang short. Biglang umikot ang paningin ko. Parang gusto kung matumba. Teka. Nakasakay ba ako sa rollercoaster? "Are you okay?" nagaalalang tanong ni Ginger habang nakatingin sakin. "Namumutla ka ata," "Oo," umiwas ako ng tingin. "Please don't tell me pati yang natitirang suot mo ay huhubarin mo din," "Paano mo nalaman?" seryosong sabi ni Ginger. Nanlalaki ang mga mata ko na tumingin sakanya. Halos walang emosyon ang kanyang mukha. Magsasalita sana ako ng bigla syang tumawa. "Joke lang," sabay talon nya sa lawa. Ilang segundo rin bago lumitaw si Ginger sa lawa. Para syang dyosa ng karagatan sa kanyang kagandahan. Sana ako nalang ang tubig na humahalik sa buo nyang katawan. "Hay. Reese. Bakit ka ba ganyang magisip! Best friend kayo ni Ginger." singhal ko sa aking sarili. "Tara na. Hubarin mo na yang damit mo Reese!" sigaw ni Ginger mula sa lawa. Namula ang aking mukha sabay iling. "Ayaw ko nga! Hindi nalang ako maliligo," "Reese naman e! Please.. Ngayon lang ito. Pagbigyan mo na ako." "Hindi ko kaya!" napakapit ako sa suot ko na tshirt. Kahit kailan ay hindi ko pa nagagawang maghubad ng damit sa harap ng ibang tao pwera lang sa nanay ko. "Don't make me do it Reese," banta ni Ginger. "Tatalikod ako kung gusto mo para hindi ka na mahiya," Napaisip ako. Bakit hindi? Dahil kung hihintayin ko pa akyatin ako ni Ginger dito baka itulak nya lang ako nang hindi nakakapaghubad ng damit. "Okay, wag kang maninilip," sang ayon ko. Ngumiti si Ginger at tumalikod na sya. Mabilis kung inalis ang aking tshirt, short at sabay talon sa lawa. Ang lamig ng tubig at kusa ako nitong iniaangat pataas. Ipinadyak ko ang aking mga paa at iginalaw ang mga kamay para hindi ako kainin ng tubig. "Mabuti naman at hindi ka na nagpapilit pa," nakangiting sabi ni Ginger pagkaharap nito sakin. Tinatakpan ko sa pamamagitan ng braso ko ang aking dibdib. "Kesa naman itulak mo ako," Napatawa ng mahina si Ginger sabay hawak sa aking braso. "Doon tayo sa ilalim ng talon." bago pa man ako makapagsalita ay hinatak na ako ni Ginger. Wala na akong nagawa kundi lumangoy ng lumangoy hanggang sa marating namin ang ilalim ng talon. Naunang umakyat si Ginger sa batuhan. Natakot ako baka madulas sya, pero si Ginger pa ba e kayang kaya nya ang kanyang sarili. Inabot ni Ginger ang kanyang kamay para alalayan akong makapanik sa batuhan sa ilalim ng talon. "Magingat ka," paalala nya sakin. Inabot ko ang kamay ni Ginger pero hindi para pumanik. Napangisi ako at hinatak ang kanyang kamay para mabuwal sya at bumagsak sa lawa. Mabilis akong lumangoy palayo pero parang may kumapit sa paa ko. "Ahhh!" napasigaw ako sa takot bago lumubog sa lawa. Dahil sa malinaw ang tubig ay kitang kita ko ang nakangiting si Ginger na ngayon ay nasa aking harapan at hawak ang aking bewang. "Why did you do that hm?" taas kilay na tanong nito sakin nang kami ay lumutang. Tinitigan ko lang ang kanyang napakagandang mukha. Nang nagtangka akong lumangoy palayo kay Ginger ay lalo lang humigpit ang pagkakahawak nito sa aking bewang. "Ginger.." kunwaring angil ko, pero ang totoo ay sobrang bilis ng t***k ng puso ko ayaw kong marinig nya ito. Pakiramdam ko rin kasi ay nagbago ang awra at atmosphere sa paligid namin. "Tara na, umuw-" Naparalisa ang aking katawan ng maramdaman ko ang maiinit na labi ni Ginger sa aking labi. Kahit napakalamig ng tubig pero pakiramdam ko ay sinisilaban ako ng apoy mula sa aking paa paakyat sa aking ulo. Lumayo ang mga labi ni Ginger at tinitigan ako. Mga tingin na ngayon ko lang nakita, mga tingin na walang tinatago at walang sikreto. Ngumiti sya at muli ay ako ay hinalikan pero kung kanina ay para akong bato, ngayon naman ay tinanggap ko ang kanyang bawat halik ng buong buo at buong puso. Hindi ko man maamin pero matagal ko ng minamahal si Ginger pero mas nanaig ang takot ko na masira ang kung ano mang meron kami. Pagkalipas ng ilang minuto ng malayang pagpapahayag ng aming mga damdamin sa pamamagitan ng mga halik. Ay si Ginger na mismo ang unang lumayo para lumanghap ng hangin. "Ginger-" nangingig ang aking boses habang nakapikit ang akinh mga mata. Naramdaman ko ang pagpunas ni Ginger ang aking mga labi at haplos ang aking pisngi. "What are we Reese?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD