Nilunod ni Ginger ang kanyang nasasaktang puso sa alak. Nilunok ang pighati at sakit hanggang sa wala na syang maramdaman. Wala syang pakialam kung pinagtitinginan sya ng mga tao sa party basta mag lalasing sya hanggang ang kanyang katawan mismo ang sumuko. Biglang may humawak sa kamay ni Ginger ng iinom ulit sana sya ng alak. Umiikot na ang kanyang paningin at kahit anong oras ay babagsak na sya. "What are you doing!?" angil ni Señora kay Ginger habang tumitingin sakanyang paligid. "Nakakahiya ang ginagawa mo!" Hindi mapigilan ni Ginger matawa at walang salita na inalis nya ang kamay ng kanyang ina para muling syang makainom ng alak. Hanggat kaya nya ay ayaw nyang makipagtalo kay Señora dahil sa kundisyon nito. "Si Reese nanaman ba ang dahilan kaya ka nagpapakalunod sa alak?" gali