Tila may pakpak ang aking paa ng magising ako nitong umaga, magaang ang aking pakiramdam at wala narin akong lagnat. Hindi narin masyadong sumasakit ang binti ko at nakakapaglakad na ako ng maayos at mag isa. Kailangan kong pasalamatan kung sino man ang taong nag tiyaga at nag alaga sakin ng buong magdamag. Pagkatapos kong maligo, ayusin ang sarili ay bumaba na ako para makapag agahan. Kailangan ko kasing magtrabaho at puntahan ang site, baka kung ano na kasi ang nangyari sa aking team. "Oh Anak, bakit ka bumangon? Okay na ba ang pakiramdam mo?" bungad na tanong sa akin ni Tatay nang makababa ako ng hagdan. Katabi nya sina Color at Ethan na parehong abala sa pagkain. Lumabas si Nanay mula sa kusina. "Papasok ka na ba?" Naupo ako at inunat ang aking kamay. "Opo Nay, mabuting mabuti