Pagpasok ko palang ng meeting room ay sinalubong agad ako ni Big Boss. Sobrang saya ng kanyang mukha ng muli akong makita. "How are you Reese? Habang tumatagal ay lalo kang gumaganda!" mabulaklak na bati nito sakin. "Hindi naman po Sir," namula ang mukha ko. Bakit hindi pa ako nasasanay sa mga ganoong pagpuri, kaysa naman sabihin nila habang tumatagal ay haggard at stress ang itsura ko. "Pasensya na po kung medyo nalate ko dahil sa traffic," Tumingin si Big boss sa suot nyang mamahaling relos para tignan kung anong oras na. "No, it's okay. Sakto lang ang dating mo," sabay kaming naupo. "Let's start!" Magkahalong nerbyos at saya ang nararamdaman ko ngayon sa unang pag upo ko bilang board member ng kumapanya namin. Pinaghirapan kong makarating kung nasaan man ako ngayon. Huminga ako ng