Kung may isang bagay na pinagsisisihan si Ginger sakanyang buhay ito ang pagsuko nya sa pagmamahalan nila ni Reese at pag alis nya papuntang Amerika. Wala syang ibang nagawa kundi ang maging sunod sunuran sakanyang ina na walang ibang ginawa kundi ang takutin sya. Pinagbantaan sya nito na kapag ipinagpatuloy nila ni Reese ang kanilang relasyon ay gagawin lahat ni Señora ang lahat para pahirapan ang pamilya ni Reese at para hindi ito makapag aral sa kolehiyo. Pinili ni Ginger ang mas makakabuti para sa lahat at para protektahan si Reese. Pero kapalit nito ang kanyang pagluha araw man o gabi. Para syang preso sa Amerika na hindi pwedeng gumamit ng cellphone o kahit anong bagay na pwede silang magkausap ni Reese. Hindi narin mabilang ang naipadala nyang sulat kay Reese sa mga lumipas