Chapter 14
"Makalipas ang ilang taon kapag minamalas ka nga naman oh, kamot sa ulong napababa ako sa truck ni Rocco at sinipat ko ang umuusok na unahang bahagi ng sasakyan at mabilis kong kinuha ang baon kong tubig at binuhusan agad ngunit napatingin ako sa talyer na malapit lang sa hinintoan ko.
Ngunit Napatago ako bigla sa gilid ng sasakyan dahil papalabas ang lalaking nagpunta sa bahay at bumili ng mga pananim ko ilang taon na ang nakakaraan at tinawag ito ng mga tauhan nya marahil na boss Albert at hindi Eugene tulad ng pakilala nito sa aming mag asawa at base sa gayak nito ay tila mayaman kaya muli akong sumakay sa truck at nakahinga ng maluwag dahil umandar na ulit ang karagkarag Kong sasakyan.
Napatingin ako sa kabilang kalsada ng tila may matang nakatingin sa akin at nakita ko ang pamilyar na sasakyan pinaglumaan na ito ng panahon ngunit kilala ko pa rin kaya ang pasakay ko na sana sa kotse ay napababa ako at napatawid ngunit umandar na ito palayo.
Gusto ko sana habolin ang matandang Driver ngunit tinawag na ako ni Carlo.
"Sino yon pare takang tanong ko sa kaibigan ng makabalik na ito.
Problema pare nakita ako nong byanan ng pinatay mo sagot ko sa kaibigan.
"B–Bakit?" dinaga ka na agad pare nakangiting sagot ko kay Albert dating gawi iligpit ulit natin yon ba yong pinuntahan mo na akala ko ay chop–chop na katawan ang laman ng sako yon pala ay gulay lang hayop ka?"
Natatawang wika ko ng ma–alala ang takot na naramdaman noon.
Napalingon ako sa kaibigan at agad tumango bilang pag payag dahil alam kong nagdududa na ang takbo ng isip ng matandang lalaki tungkol sa pagkatao ko.
"Nang makauwi ay tulalang napaisip ako habang nakatitig sa truck ni Rocco na halos puro kalawang na ngunit malaking tulong pa rin sa akin dahil nadadala ko sa palengke ang mga ani ko sa edad kong seventy seven ay kaya ko pang imaneho at malaki na rin ang ipinagbago ng lugar namin dahil maayos na ang kalsada ngunit malalayo pa rin ang pagitan ng mga bahay.
B-Bakit?" Mario, may sakit kaba takang tanong ko ng lapitan ko na ito dahil hindi pa bumababa sa truck.
Wala umusok nanaman kasi kanina nag over heat tinitingnan ko lang pagsisinungaling ko sa asawa para hindi na ito mag usisa pa at bumaba na sinundan ko si Emilia sa kubo kong saan ito nag babalot ng mga,sumang paninda namin gawa sa kamoteng kahoy at malagkit na ani namin mismo sa mga tanim.
"Halika na po at tayo'y manang halian na tawag ko sa Lolo't, Lola habang abala silang gumawa ng mga suman na pambenta nila sa palengke kahit na halos kadarating lang ni Lolo galing sa palengke ay tumulong na ito agad kay Lola.
"Kakatapos lang ng graduation ko sa College bilang isang teacher ilang buwan na ang nakakaraan at napag desisyonan kong dito rin sa bayan namin kong saan ako nagtapos ng elementarya magsilbi at para maalagaan ko sina Lolo at Lola.
"Mabuti at mabait naman ang naging amo namin at parating wala.
"Ang medyo, bukid na lugar nila Lolo ay nagsisilbing kapayapaan ko kapag dinadalaw ko sila maging ang maliit na sapang nagsisilibing iregasyon sa taniman namin ang pinaka gusto ko malayo sa maingay na syodad at walang masasakit na salitang maririnig dahil karaniwan na sa syodad ang murahan ng ultimo mga bata huni ng ibon at agos ng tubig mula sa sapa at sariwang hanggin ang lagi kong gustong marinig at mga sariwang gulay sa paligid ipinikit ko ang mga Mata at dinama ang sariwang hanggin mula sa kinaruruonan kong kubo.
Hinihintay ko sina Lolo at Lola na ayaw pang lumapit at mukhang napasarap sila sa Ginagawa dahil halos ayaw pa nilang tumayo?
"Dinalhan ko sila ng lutong pagkain na bigay ni Tita Grace dahil alam nitong kada araw ng linggo ay Binibigyan ko ng oras na madalaw ko sina Lolo at Lola pinapasukan ko pa din ang trabaho ko kahit tapos na akong mag-aral dahil hinihintay ko pa ang board exam namin sa susunod na buwan sayang din kasi ang makukuha kong sahod?
Malaking tulong din para kina Lolo at Lola dahil matatanda na sila.
"Oh, apo nandito ka pala anong iniisip mo, aba'y mukhang masarap ang niluto ng Tita Grace mong pananghalian natin huh, Baka mapasarap nanaman ako ng kain nito.
Tama yan Mario para may lakas kang maglako ng paninda natin nakangiti kong sagot sa biro nito kay Maura.
Aba'y "Oo, naman gusto ko pa yatang makaubos ng paninda kahit na uugod-ugod, na tayo kaya ko pa tulad ng dati bago nagkatawanan ulit kaming tatlo ng ilabas ko pa ang braso ko at ipakita ang mussel?
"Ikaw talagang matanda ka mayabang ka pa din hindi na mussel yan lawlaw na balat sabay tawa ko ng biglang takpan ng asawa ang braso nitong ipinagyayabang sa amin ni Maura.
Matapos ang pananghalian namin na masaya pa din tulad ng dati at hindi nagbabago isa sa mga namimis ko kapag nasa trabaho ako kaming tatlo lang nila Tita Grace sa napakalaking bahay dahil puro nasa Manila na lahat ang anak ni Ma'am Susan.
Kaya kahit na sabay kaming kumakain nila Tita Grace at Tito Eric ay subrang tahimik.
Sumapit ang gabi nasa kalagitnaan na kami ng patulog ng makarinig kami ng mga yabag kaya napabangon ako Lolo may bisita po ba kayo hating gabi na ho, takang tanong ko dahil ang hindi naman ginagabi ng uwi ang kapitbahay namin sa dulo.
"Mag handa ka apo bilis Bulong ko at agad na dinampot ang mga gamit nito.
Nagulat ako at nakaramdam ng kaba dahil sa narinig na sinabi ni Lolo at nagmamadali ito ng kilos.
Kunin mo itong bag bilis magtago ka at huwag Lalabas kahit na anong Mangyari Halika dito utos ko sa apo at hinila ko ang sakong Dingding sa silong ng kubo namin na pinaglalagyan ko ng mga ani.
Lolo!" Mahinang bulong ko ngunit iniwan na ako nito ng mailigpit ang hinigaan ko napa hagulhol ako ng iyak sa subrang takot tulad ng naramdaman ko noon ng patayin sina Mama at Papa.
Kasunod ng pagkalabog sa labas at paghiyaw ni Lola pigil ko ang hininga habang narinig ko ang pag Mamakaawa ni Lola at mga kalabog ng gamit sa labas at paliwanag ng kwarto ko dahil sa flashlight na dala ng tatlong Lalaki at tumutulo pa ang dugo sa hawak nitong itak.
Natakpan ko ang Bibig para hindi nila ako marinig dahil panay na din ang pagsigok ko muling lumabas ang mga lalaki at iniwang bukas ang pintoan kaya kitang-kita ko ang walang habas nilang muling pagtaga kina Lolo at Lola.
Ipinikit ko nalang ang Mata dahil baka hindi nako makapagpigil at mapalabas na din para umawat sa mga kreminal na nakatakip ang mga mukha.
Ngunit ang isa ay nag alis ng takip sa mukha nito ang nakapukaw sa akin ng atensyon dahil kilalang kilala ko ito ang asawa ng may ari ng grocery sa palengke walang iba kundi si Albert Cristomo at masayang nanunuod lang tulad ng mapatay sila Papa at Mama.
"Nang marinig kong tumahimik na ang paligid ko at nawala na ang mga yabag sa labas ay maingat akong lumabas mula sa pinagkukublihan ko.
Gumapang ako palabas sa silong at maingat kong itinulak ang maliit na pintoan nito bago mabigat ang mga paa, kong iwan sina Lolo at Lola habang panay patak ng luha ko papalayo sa kubo namin ang masaya naming pagsasama kanina ay napalitan ngayon ng nakakatakot na pangyayari?
"Nang makarating ako sa taniman ng kamoteng kahoy nila Lolo ay mabilis ang kilos kong pilit na inaaninag ang dinadaanan ko ng marinig ko ulit ang mga lalaking armado ay mabilis akong nagtago ulit dahil lalong lumalapit ang yabag nila.
Tahimik akong nakatingin sa kubo namin at nakikiramdam.
Ano?" Patay na ba talaga ang dalawang Matanda tanong ko sa mga tauhan na may hawak na galon ng gasolina.
"Oo, Naman boss Albert kami pa tulad ng anak at manugang nila na pataba sa lupa nakangisi kong sagot sa amo kinuha lang namin ang gasolina sunogin na ba namin.
"Syempre, umpisahan nyo na at ng makaalis tayo dalhin nyo ang kalat at huwag nyong iiwan dyan ang galon ng gasolina mahigpit kong bilin sabay sindi ko ng sigarilyo at naupo sa kahoy habang pinapanuod ko ang mga tauhan.
Hinawakan ko ulit ang Bibig ko dahil sa narinig na pag uusap ay lalong bumuhos ang mga luha sa Mata ko at subrang sakit sa Dibdib na nakikita ko ang tagpong susunogin pa nila sina Lolo at Lola.
Biglang naging mapula ang paligid ng magsimula na ang pagkalat ng apoy sa kubo namin at muli kong nakita ng malinaw ang taong pumatay sa magulang ko at ngayon ay pumatay din sa Lolo at Lola ko.
"Tulad ng nag aapoy naming kubo ang apoy na galit sa mga Mata ko magpakasaya kayo ngayon darating din ang araw ng pag ganti ko buhay sa buhay babalikan ko kayong lahat bulong ko sa isipan habang panay ang patak ng luha ko ay may dumating pang isa na tinawag na sila walang iba kundi ang madalas kong makitang maghatid kay Valen.
Tumahimik na ang paligid at Unti- unting dumilim dahil halos naabo na ang kubo naming nagsilibing libingan din nila Lolo at Lola mabilis akong kumilos, papalayo sa lugar ng masiguro kong nakaalis na rin sila may tatakbo at lalakad ang ginawa ko at kong minsan naman ay nadarapa pa?
"Nang makarating ako sa brgy. Halos nagulat ang mga tao ng makita nila ang ayos ko at tarantang napalapit sa akin.
"Anong nangyari sa'yo tanong ko sa dungisang Dalaga at inabotan ko ito ng tubig pagkatapos ay inalalayang makaupo.
Agad kong sinabi sa kagawad na nag abot sa akin ng tubig ang nangyari sa pagitan ng pag iyak at isinalaysay ko lahat ng nasaksihan maliban sa itsura ng taong may atraso sa pamilya ko dahil ako ang maghahatol sa buhay nila."Dali-daling tumawag sila ng pulis at kinuhaan ulit ako ng salaysay bago ako isinakay sa service nila at dinala sa police station.
Mag pahinga ka na muna Miss dalhin nyo ito sa safe house, natin utos ko sa isang kasama.
Kinakabahan ako sa mga tauhan nito at parang nakakaramdam ako ng hindi maganda.
"Halika na Miss.
Wika ng dalawang matong lalaki sa'kin at ang isa ay nagpatiuna ng lumabas?
Dito po muna ako at hinihintayin ko ang balita sa amin Sir. tanggi ko sa dalawang nagkatinginan at parehong ngumisi ng pasimple at umalis ulit ang isa.
"Hindi ka pwedeng mag tagal dito dahil maaring delikado rin ang buhay mo para sa ikabubuti mo rin habang wala pa ang balita sa inyo ay doon ka muna at ipapasundo kita kapag nakabalik na ang mga kasamahan ko na nag punta sa inyo.
Lalo na at hindi mo naman kamo namukhaan ang mga taong pumatay sa Lolo at Lola mo kaya baka nasa paligid lang natin sila ngayon at naghihintay ng pagkakataon para mapatay ka rin nila."Wika ko sa Dalagang halata pa ang takot sa malagim na sinapit ng kanyang Mahal sa buhay.
Napilitan akong tumango sa police at nilingon ko ang mga maton na mukhang maamong tupa at kabaliktaran kanina.
"Sige na ihatid nyo na ito utos ko ulit Babalitaan nalang kita Miss at ako mismo ang puponta at magsasabi Sa'yo ng tungkol sa pag iimbestiga?
"Wala akong nagawa ng akayin na ako palabas at isinakay sa Sasakyan tahimik lang ang tatlo habang nasa byahe na kami halos kalahating oras na ang nilalakbay namin?