SIMULA
®️1️⃣8️⃣⚠️
Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang anomang pagkakatulad ng pangalan o lugar at pangyayari ay hindi sinasadyang mabanggit."
Teaser:⏬⏬
Philip!" Ano ba?" Lasing kaba Bitiwan mo nga ako inis kong wika at buong lakas na itinulak na ito dahil kinikilabotan ako sa mainit na hininga nitong tumatama sa balikat ko maging ang pagkakadikit ng labi nya sa balat ko ay tila kuryenteng nakakapanginig sa tuhod ko.
Natatawang binitiwan ko na si Maura dahil naiilang at nagugulat Sigurado ito sa pinaggagawa ko nagugutom ako wala pa akong tanghalian may pagkain kaba dyan sige na magbihis ka na baka maabotan pa tayo ni Heaven na ganyan ang suot mo nako isusumbong talaga tayo no'n kay Pearly sabay tingin ko sa maalindog na katawan ni Maura at napapalunok ng tuyo.
Nahawakan ko tuloy lalo ang tapis kong tuwalya dahil sa narinig at tingin ni Philip at inis kong dinampot ang remote ng tv' at buong lakas na ibinato bwesit!" Ka ikaw itong sulpot ng sulpot nangdadamay ka pa.
Mabilis kong nasalo ang lumilipad na remote paponta sa akin at natatawang iniwan ko na si Maura at nagtungo sa kusina nila pinagbubuksan ko ang kaldero pagkatapos ay nakialam na.
Inis na pumasok nako sa kwarto para magbihis at sinadya kong hindi na lumabas ngunit panay nanaman ang katok ni Philip sa pintoan.
Sisirain ko itong pintoan pag hindi ka pa lumabas dyan isa, dalawa bilang ko kay Maura.
"Damn You?" Philip gigil kong bulong na mura at inis na lumabas sa kwarto.
Nakakainis ka talaga kumain ka mag isa busog pa ako at akmang papasok ulit sa loob ng kwarto.
Sinungaling wala pang bawas ang niluto mo sabay haklit ko ng braso ni Maura at hinila na ito patungo sa lamesa.
Masamang magalit at tumanggi sa grasya kaya huwag mong simangotan ang pagkaing nakahain sa harapan mo ang sarap pa naman ng luto mo sabay subo ko na ng matapos kong lagyan ng kanin at ulam ang plato ni Maura.
"Hoy, hindi ako naiinis sa grasya sa'yo ako naiinis ang lakas mo mag trip ngayon dalawang araw muna akong iniinis hindi ka naman lasing kunot noong wika ko at sumandok na rin dahil tila ako ginutom sa maganang pagkain ni Philip.
Gusto lang kita makitang laging galit natatawang sagot ko kay Maura at tumahimik na para makakain ito ng maayos dahil baka mapikon nanaman sa akin.
"Ako na ang magliligpit amo pa rin pala kita 'di ba baka sabihin mo namang ikaw na ang nagsisilbi sa akin ngayon pasaring ko kay Philip ng akmang kukunin na nito ang platong pinagkainan naming dalawa.
Tahimik lang akong tumango at nagtungo sa sopa binuksan ko ang TV' at inilagay ko sa madalas makitang pinapanuod ni Maura at Mommy nong nasa bahay pa ito.
"Hindi ka pa ba uuwi gabi na huh, napakain na rin kita baka gusto mo namang bigyan ako ng pahinga dahil baka bukas nandito ka nanaman para mang bwesit or sa trabaho ko.
Nilakasan ko ang volume ng TV' imbes na sagotin ko si Maura na katatapos lang maghugas ng pinggan at naupo rin sa kabilang sopa pagkakamaling nagawa ulit nito dahil malaki ang space kaya tumayo ako at nahiga sa kandungan nito.
Gulat na napanganga ako sa inaasta ngayon ng amo at dinunggol ng kaba dahil nakakailang ang ayos naming dalawa ano ba umuwi ka na nga sabay tulak ko sa ulo nito.
Inaantok na ako hindi ko kayang mag Drive pagdadahilan ko at tumagilid ng pagkakahiga para hindi ako mahulog sa pagtulak ni Maura at mahigpit kong ipinulopot sa bewang nito ang isang braso ko.
Naluluhang nahataw ko sa balikat si Philip dahil sa subrang pikon ko na ngunit mas lalo lang ako nitong hindi binitiwan at talagang natulog nga ito dahil naging payapa na ang paghinga nito ng maglaon kahit na nakabaloktot halos sa laki nito.
Maingat kong pilit na inaalis ang ulo nitong nakaunan sa hita ko at ng sa wakas ay maalis na kaya nagmamadaling pinatay ko na ang TV' at pumasok na sa kwarto ko ngunit hindi pa man nalalapat ang pagkakasara ay may katawan ng humarang.
"Hindi ako kasya sa sopa sabay alis ko ng kamay ni Maura na pilit itinutulak ang pintoan para hindi ako tuloyang makapasok.
Parang balewala lang ang lakas ko kay Philip madali lang ako nitong naitulak papasok at hinila pahiga sa malambot na kama maging ang natutunan ko sa self defense ay hindi ko nagamit kong ganito ba naman ka gwapo ang magiging kalaban ko pati tuhod ko ay nanginginig kasabay ng pagkabog ng Dibdib na tila nag palpitate at kinakapos ako ng paghinga dahil sa mahigpit na pagkakayakap nito.
Mahigpit kong ipinulopot sa katawan ni Maura ang dalawang braso ko para hindi ito makawala huwag ka na malikot matulog na tayo bulong ko kay Maura at lalo ko pa ibinaon ang mukha sa mabangong batok nito at kay Sarap nitong kayakap.
"Hindi na ako gumalaw at Pinakiramdaman ko lang si Philip na lumuwag ang pagkakayakap nito sa akin ngunit sa kakahintay ko ay ako naman ang unang nakatulog.
Napangiti ako ng maging malalim na ang paghinga ni Maura kaya binitiwan ko na ito at pinanuod ang payapang pagtulog nito hinawi ko ang ilang hiblang buhok na tumatakip sa magandang nyang mukha buhat sa konting liwanag na mula sa lampshade ay malaya ko itong napagmasdan.
Masuyong hinawakan ko ito sa pisnge bakit sinusulo mong mag isa ang problemang pinagdadaan mo nandito naman ako na pwede mong sabihan masyado ba akong naging masungit sa'yo para katakotan mo mahinang bulong ko kay Maura kahit na alam kong hindi nya ako masasagot dahil mahimbing na ang pagkakatulog nito.
"Mula ngayon hindi na ako lalayo sa tabi mo pangako at muli ko itong ikinulong sa bisig ko at ipinikit ko na rin ang hapong mata.