BSB CHP15

1593 Words
Chapter 15 "Nang huminto kami sa gas station ay bumaba ang dalawa Maingat ang kilos ko na tumalon sa bintana ng sasakyan mabuti nalang at nagkasya ako Bitbit ko pa din ang bag na swerteng hindi nila naisipang kunin sa akin. "Hindi nila ako napapansin dahil nakikipag kwentohan ang Driver sa gasoline boy at ang isa namay ay may kausap sa cellphone nito nagmamadaling tumakbo ako palayo at agad naghagilap ng masasakyan. Natanaw ko ang nakaparadang trycecle na nag Baba ng pasahero nito kaya agad kong nilapitan at sumakay nagpalipat–lipat ako ng sakay mula trycecle ay nag jeep at taxi ako para hindi nila masundan. "Samantala pare nasaan na ang apo ng dalawang Matanda baka nakahalata na iyon wala dito Gago!" Mura ko sa kasamahang panay ang kwento sa mga gasoline boy tangina!" mayayari tayo nito kay boss, bilis hanapin natin maghiwalay tayo itatabi ko lang itong sasakyan? Pagkatapos ay sumunod na ako sa kasamang naghahanap sa apo ng matandang pinatay nila boss kagabi pinapwesto kami nito agad sa police station para malaman nya kong sino ang unang magsusumbong sa nangyari at laking gulat namin dahil nandoon din pala ang apo ng dalawang matanda sa kubo nila ayon sa narinig naming statement nito sa police. mabuti nalang din at hindi pa ito nakukuhaan ng police sketch sa mga suspects na itinuturo nito. Samantala narinig ko ang sinabi ng taxi driver na nasa Cavite na kami nakahinga ako ng maluwag dahil malayong malayo, na ako sa mga taong gusto talaga kaming ubosin. Para na po kuya dyan nalang sa tabi turo ko sa malaking Mall at binuksan ko ang hawak na bag pagkatapos ay dumukot ng pambayad. "Hindi pa din nawawala ang subrang takot na naramdaman ko at tahimik lang akong, nakiramdam sa paligid ko habang muling nag byahe panginoon piping dasal ko ikaw na po ang bahalang, magligtas sa akin at kina Tita Grace subrang nararamdaman ko na din ang matinding pagod dahil wala pa akong kain at pahinga mula pa kagabi at kumukulo na din ang tyan ko at uhaw na uhaw. "Hindi pa ako dapat magpakampante dahil maski damit nga ay wala akong pamalit at kong Tatanggapin ba ako ni Ma'am Susan sa bahay nila kapag nalaman nya ang nangyari kina Lolo ay baka matakot din ito para sa kaligtasan nila dahil dalawang beses ng nangyari sa akin na patayin ang mga taong mahal ko sa buhay. "Baka pati sila ay madamay pa sa gulong napasukan naming pamilya kong ano ang dahilan ay hindi ko din alam? Malawak na lupain at may matatas na pader ang bahay nila Ma'am Susan kinatok ko ang saradong gate at si Ninong Alan ang nagbukas sa'kin tumambad ang Berdeng berdeng maliliit na damo na may napakaraming halaman at idagdag pa ang magarang bahay na salamin, napanganga ako napakayaman talaga ng amo namin? "Oh, Maura anak kamusta mabuti at nagawi ka ulit dito huh, wala ba sina pareng Eric at Mare Grace tanong ko dahil kinuha kong Ninong at Ninang ang mag asawa nong ikinasal si Gab. Napatulo ang luha ko sa tanong ni Ninong Alan kong kamusta ako. B–Bakit?" Anak gulat kong nilapitan ito ng mapaiyak bigla imbes na sagotin nito ang tanong ko. "Tulad po ng nangyari kina Papa at Mama Ninong Alan ay muling inubos ang pamilya ko pinatay po sina Lolo at Lola kagabi pinagtago lang po ako ni Lolo pero may mga kumuha din sa akin sa police station nakatakas lang ako Ninong pagkwekwento ko sa pagitan ng pag iyak. "Dumagundong, ang kaba ng Dibdib ko dahil sa narinig na sinabi ni Maura at inakay na itong makapasok sa bahay na tinutuloyan naming mag anak. Tessie!"Tessie!" Pahinge ng tubig bilis utos ko sa asawang katatapos lang maglinis sa malaking bahay. Tarantang napatakbo ako sa kusina at kumuha ng isang basong tubig para kay Maura ng makita kong luhaan ito bakit anong nangyari takang tanong ko ng makabalik nako at agad kong inabot ang tubig sa nanginginig pang inaanak. Pinatay daw sina Nanay Emilia at Tatay Mario kagabi baka yong mga pumatay din kina Pare Rocco siguradong sila lang ang Gagawa no'n wala ng iba sagot ko sa asawang naluha na din. "Mula ngayon anak hindi ka na uuwi doon para hindi rin madamay ang Tita Grace mo kaso ang problema natin ay wala dito si Ma'am Susan nasa kabilang bahay nila sa Manila dahil manganganak na si Pearly. Pero baka malaman ni Philip ang nangyari at baka ayaw no'n madamay sa gulo. Magtago ka muna anak, at huwag magpapakita kay Philip. Baka po mawalan naman kayo ng trabaho ni Ninang Tessie nag aalalang sagot ko kay Ninang Alan. "Huwag mo kaming alalahanin anak okay, lang kami ng Ninong mo ang importante ay ligtas ka nawalan na kami ng kaibigan Hahayaan ba naming pati ikaw ay mawala trabaho lang yan maraming pwedeng pasukan or umuwi nalang tayo sa baguio kapag pinaalis tayo dito ni Ma'am Susan. Bilang pangalawang pamilya muna ngayon anak ay obligasyon ka na namin ngayon lalo na at nandito ka sa poder namin ng Ninong mo mabuti at naisipan mong dito magpunta. Wala na po kasi akong alam na Pupontahang ligtas kundi dito lang po sa inyo at naluluhang niyakap ko din si Ninang Tessie. Busina ng sasakyan ang nagpahiwalay sa aming tatlo nila Ninang Tessie at Ninong Alan bago kabadong napatingin ako sa kanila. Akong bahala anak dito ka lang at huwag Lalabas huh, mahigpit kong bilin at patakbo ng lumabas para buksan ang malaking gate. Gab!" Baka natutulog si Tito Alan ikaw na ang magbukas ng gate sabay abot ko ng susi. Mabilis kong inabot ang susi at akmang Bababa na ngunit bumukas na ang nakasaradong malaking gate at nag thumbs up, pa si Papa sa'kin kaya muli kong isinara ang pinto ng sasakyan. "Hayaan nyo sa Susunod na buwan ay Palalagyan ko na ito ng electric gate para hindi na abala ang pagbubukas. Wow!" Talaga boss, maigi kong ganon para hindi na tumatakbo si Papa. Napangiti ako sa narinig na sinabi ng kaibigan dahil maedad na din si Tito Alan agad ko itong binati ng madaanan ko bago ideneretso ko na ang sasakyan sa may malaking aquarium namin. Pinagtulongan naming ibaba sa sasakyan ang mga dalang buhay na Hito at Dalag sa naglalakihang cooler na may oxygen para manatiling mga buhay pa din. Dave!" Kayo na ang bahala dyan huh, matutulog nako paalam ko sa bayaw ni Gab. "Sige boss, sagot ko sa napakasipag na amo. Paano una na din ako bayaw Saba't ko din matutulog din kami ng ate mo sabay halakhak ko ng batohin ako ni Dave at boss Philip ng masamang tingin. Malibog ka talaga ang init ng panahon hindi mo pinapatawad kaya laging buntis si Mare. Inggit lang kayo ayaw nyo pa kasi mangbabae sabay halakhak ko at tumalikod na. Maingat na sinilip ko ang anak ng amo sa 'di kalayoan kahit sinong Babae kapag nakita ito ay Mapapatulo yata ang laway dahil sa subrang hunks nito malayo sa mga picture na nakadisplay sa bahay nila at sa dating madalas na nagagalit sa amin ng bunsong kapatid nito. Nalipat ang tingin ko kina Gab at Kara na nagbatian at humalik pa sa bagong dating na asawa maganda ito at bagay na bagay sila ni Gab ngunit maaga silang nag asawa at hindi na nakapagtapos pareho pero maski paano ay may naging maayos silang trabaho dahil mabait ang amo namin. "Muli kong sinundan ng tingin si Philip na naglalakad patungo sa may dalawang palapag na bahay nila at tulad din ng nasa bulacan na nililinisan ko ang desenyo nito? Napalingon ako sa bahay na tinutuloyan nila Tito Alan ng tila may Matang nakasunod sa akin ng tingin. Napayuko ako bigla sa bintanang kinaruruonan ko ng biglang lumingon ang binatang amo at sana lang ay hindi nya ako nakita kabadong napatingin ako kay Ninang Tessie na abalang nagluluto sa kusina. "Anak!" Nakita kaba nako pasensya ka na hindi ko pala naibaba ang kurtina. "Hindi po Ninang mabuti nalang nakayuko ako agad kabadong sagot ko kahit kasalanan ko din naman kong bakit lumingon ang amo namin. Maigi naman hay nako dyosko bata ka halika na kumain ka na at magpahinga yakag ko at nagtungo din sa kwarto naming mag asawa para maghanap ng maliit kong damit na pwedeng ipamalit ni Maura. Nang wala na si Ninang ay muli kong sinilip ang binatang amo Gwapo si Philip pero mukhang matapang ang Aura at baka sakalin ako nito kapag nalaman nitong dito ako nagtatago sa kanila at may delikadong gulong nasangkotan? Nakahinga ako ng maluwag kahit paano ngunit hindi ko magawang lunokin ang pagkaing nakahain dahil naalala ko bigla kong paano pinatay sa harap ko sina Lolo at Lola ng walang kalaban laban at parang hayop na tinadtad. Ngunit kailangan ko ng lakas para harapin ang mga taong umubos sa pamilya ko kaya pilit kong ipinapasok sa lalamunan ko ang pagkain sa tulong ng tubig kada isang subo ko ay isang lagok naman ng tubig ang kasunod. Nang matapos akong kumain ay iniabot ni Ninang Tessie sa'kin ang damit na ipinahiram nito patamad kong kinuha at nagpasalamat muli pagkatapos ay naligo ako at ipinahinga ko ang patang katawan ngunit hanggang sa panaginip ko ay nakasunod pa din ang bangungot na nasaksihan ko ng dalawang ulit. Hinihingal na napabalikwas ako ng gising at bumangon nalang ngunit hindi ko naman magawang lumabas dahil nasa labas si Gab at Kara kaya muli akong bumalik sa pagkakahiga ko at nakikinig sa pag uusap nila ngunit hindi ko naman maintindihan dahil ilokano ang pag uusap nilang mag anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD