Hindi ko napigilan ang humiga sa buhangin. Daig ko pa ang bata na tuwang-tuwa tuwing hinahampas ako ng alon at tatangayin ng tubig ng dagat pabalik. Katatapos lang namin sumakay sa jet ski ni Isaac at talaga namang nag-enjoy kaming dalawa. Hindi maipagkakailang sanay na sanay siyang sumakay sa jet ski. Nangyayain ko kasi siyang makipagkarera ay pumayag siya. Higit pa roon may pinagyabang pa siya sa akin na exhibition. "Ang ganda ng langit," sabi ko habang nakatingin. Ang ganitong tanawin ang magandang pagmasdan dahil masarap sa pakiramdam. "Let's go home,"sabi ni Isaac habang nakatayo siya sa harapan ko. Sumimangot ako. "Nag-e-enjoy pa ako. Mamaya na tayo umuwi." "Babalik na tayo sa bahay at ako ang masusunod." Tinitigan ko siya ng masama. Simula nang pumayag akong maging slave n