"Jeyrin! Wake up!" sigaw ni Isaac. Kanina ko pa naririnig ang boses ni Isaac ngunit hindi ko ito pinakikinggan. Gusto kong matulog ng mahaba dahil sa matinding pagod. Ikaw ba naman sipingin ng paulit-ulit hindi ka mapagod. Nararamdaman ko rin ang pananakit ng mga hita at balakang ko. "Jeyrin!" muli niyang sinagot. Bahala ka sa buhay mo. Inisip ko na lang na tahol ng aso ang naririnig ko para hindi ako makaramdam ng inis. "Wake up!" Inugoy-ugoy niya ako. "Ano ba?!" Kulang na lang ay marinig ng buong barangay ang sigaw ko. Sinalubong niya ang tingin. "Bakit tulog ka pa rin hanggang ngayon?" "Pinagod mo ako kagabi kaya gusto kong matulog!" Inis kong sabi. Nakita kong namula ang mukha niya pero wala akong panahon bigyan ng kahulugan ito. "Kailangan mong magising dahil nagugutom na a