Hindi maipinta ang mukha ko habang nakatingin kay Rosie na walang tigil sa kuwento niya tungkol sa bago nitong boyfriend. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi niya na ito na raw ang lalaking magpapatino sa kanya.
"Girls, simula ngayon hindi na ako pupunta sa bar. Hindi na ako makikipag-flirt sa iba dahil nakita ko na ang aking man of my dreams." Kilig na kilig na sabi ni Rosie.
"Ang kapal naman ng mukha mo, kasing kapal ng blush on mo. Sino naman ang maniniwala sa 'yong seryoso ka na? Noong isang araw, sinabi mo na rin 'yan," sagot ko. Umiling-iling ako, pagkatapos sinimsim ang milk tea.
"True, parang wala sa bokabularyo mo ang salitang seryoso, Rosie 'wag mo kaming gaguhin," sagot ni Candy.
Rosie leaned her foot on the table habang nagsisindi ng sigarilyo.
"Kung ayaw n'yo 'wag kayong maniwala basta ako good girl na. Ikaw Candy, magtino ka na," sagot ni Rosie.
Tumawa si Candy. "Coming from you?" she said sarcastically.
Pinagmasdan ko si Rosie. Bagamat hindi makatotohan ang sinabi niya. Napansin ko naman ang pagbabago ng pananamit niya. Hindi na kasi siya nagsusuot ng maikling short na labas ang singit. Hindi na rin siya nagsusuot na kita ng cleavage na halos u***g na lang ang tinatakpan.
"Bahala kayo kung ayaw n'yo maniwala," naiinis na sabi ni Rosie.
"Ano naman ang pangalan ng boyfriend mo?" tanong ko.
"Isaac. Ang gwapo ng name 'di ba? Mas guwapo siya sa personal. Hindi lang guwapo ang sarap pa." Kinikilig na sabi ni Rosie.
"Ayun! nagtikiman muna bago naging kasintahan. Ibig sabihin nasarapan kayo sa isa't-isa kaya gusto n'yo na kayo na? Gosh! Ang landi mo talaga." umiikot ang eyeballs na sabi ni Candy.
Umiling ako. "Wala akong panahon para magsayang ng oras sa inyong dalawa." tumayo ako. "I have to go!"
"Teka? Saan ka naman pupunta?"tanong ni Rosie.
"Pupuntahan ko ang Tita ko gusto raw niya akong kausapin,"
"Sino? 'yung Tita mo na sobrang taray?" tanong ni Rosie.
Nag-cross-arms ako. "Ano naman sa iyo?" inirapan ko si Candy sabay alis.
"Naghahanap ka pa ng mataray. Si Jeyrin pa lang sobrang taray na," narinig kong sabi ni Candy.
Dire-diretso akong umalis sa coffee shop. Ang akala ko, kaya ako pinapunta rito upang pag-usapan ang business naming tatlo. Minsan naiinis na ako sa dalawa dahil palaging ako ang nag-aasikaso ng business naming tatlo. Wala kasing ibang ginawa ang dalawa kung hindi ang maghanap ng lalaking makaka-molmol nila.
Sumakay ako sa kotse at mabilis na pinaharurut ang sasakyan. Nagsindi ako ng sigarilyo pagkatapos ay sinuot ko ang shades. Ibinaba ko ang bubong ng sport car at pagkatapos ay mabilis kong pinaharurut ang kotse. Mahilig akong makipag-car racing sa kalsada kaya palaging nakukuha ang lisensiya ko pero nakukuha ko rin agad.
"Hi! Miss beautiful!" narinig kong sabi ng mga lalaking nakasakay sa truck. Nakahinto kasi ang sasakyan ko dahil may stop light. Kaharap ko ang truck na may sakay na tatlong lalaki sa likod, at dalawa sa harapan kasama ang driver.
"Miss anong pangalan mo?"
Hindi ko ito pinansin sa halip ay tinaas ko ang kamay ko at nag-finger sign ako ng f**k you! Pagkatapos ay mabilis kong pinaharurut ang kotse ko palayo.
Napansin kong mabilis din ang pagpapatakbo ng truck at sinasadyang sundan ako.
Ngumisi ako. "Don't dare me," bulong ko.
Mas lalo kong pinaharurut ang sasakyang hanggang hindi na nila ako naabutan.
"Sa tingin nila uubra ang bulok nilang sasakyan."
Naging kalmado ulit ang pagpapatakbo ko sa kotse hanggang sa ihinto ko ang sasakyan sa tapat ng malaking mansyon ng mga Lu. Pagkatapos ay binusinahan ko ang bakuran nila. Ilang saglit pa ay lumabas ang isang katulong.
"Good afternoon po," yumuko pa ito sa akin.
"Where's my auntie?" I asked.
Kumunot-noo ang katulong tila iniisip kung sino ang hinahanap ko.
I rolled my eyes. "Where is Fritzie?"
Mas sanay silang tinatawag kong Fritzie ang Tita ko dahil hindi nalalayo ang edad naming dalawa. Ayaw niya rin tawagin ko siyang Auntie or Tita dahil nagmumukha siyang matanda.
"Ay! Si Ma'am Fritzie nasa kusina po."
"Okay, tell her that I'm here." I went straight into their mansion and sat down on their coach.
Isinandal ko ang aking mga paa sa may lamesa. Habang hinihintay si Fritzie.
Ilang saglit pa nasa harapan ko na siya. Nakasuot siya ng apron. Halatang galing ito sa kusina at nagluluto.
"Good to see you, my baked cake is perfectly cooked."
"Are you Tito Shawn?"
si Tito Shawn kasi ang chef sa pamilya at sobrang sarap niyang maluto at kahit mag-bake.
Lumapit siya sa akin at marahang tinapik ang balikat ko. "Stand up, and taste the cake I cooked."
Umiling ako. "Ayoko nga baka malason ako I love my life."
"Jeyrin!" Pinanlakihan pa niya ako ng mata.
Inis akong tumayo at pagkatapos ay dumiretso ako sa kitchen. Nakita ko ang cake sa lamesa.
Nag-slice siya ng cake at binigay sa akin. "Taste it!" utos niya sa akin.
Inirapan ko siya bago ko tinikman ang cake niya. Dahan-dahan kong nilasahan, pagkatapos ay tumingin ako kay Fritzie.
"Okay na hindi na nakakamatay,"
"Anong lasa?"
"Lasang cake," sagot ko.
Tumaas ang kilay ni Fritzie. "Sasabunutan kita! Iniinis mo ako!" galit nitong sabi sa akin.
"Hays! Ito lang ba ang dahilan kaya mo ako pinapunta rito?"
"Anong lasa ng cake ko?" Pag-uulit niya.
"Masarap ang cake na ginawa mo, okay na ba?" I said sarcastically.
Ngumiti si Fritzie. "Thank you, papakain ko 'yan mamaya sa asawa ko."
"So that's all? Pwede na ba akong umalis?"
Inalis niya ang suot niyang apron at pagkatapos ay pumunta sa living room. Sumunod naman ako sa kanya.
"Actually, kaya kita pinapunta rito gusto ka namin i-blind date sa kaibigan ni Rafael na Doctor, baka siya ang maging forever mo at tumino ka."
Humalakhak ako dahilan para mainis si Fritzie. Hinila niya ang buhok ko. "Ouch, damn it!" sabay hawak ko sa buhok.
Kapag kasama ko ang Tita ko kailangan kong iiwas ang buhok ko dahil kapag napipikon siya bigla na lang manghihila ng buhok.
"Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Taas kilay niya.
"Anong ba ang problema n'yo sa attitude ko? Si Mommy at Daddy nga hindi nagrereklamo." Nakasimangot pa ako.
"Wala akong problema. Ang gusto ko lang magkaroon ka ng boyfriend para may sasaway sa mga kalokohan mo. Look at yourself para kang killer sa mga pelikula amoy yosi ka pa,"
"Na-bored lang ako kaya ako nag-yosi."
"Sa ayaw at gusto mo makikipag-blind date ka."
"Fine! In one condition,"
Umangat ang kilay ni Fritzie. "Ano?"
"I will cover my face. Ayokong makita nila ako dahil ayokong magkaroon ng communication after date."
"So what's the purpose ng date n'yo kung hindi naman kayo magkakaroon ng communication after date."
"Sinabi ko sa 'yo na kung type ko siya ako ang tatawag sa kanya."
"You always do that every time you have a blind date."
"That's what I want, and you should respect my decision."
"Kailan ka ba nagkaroon ng boyfriend? Sabihin mo nga sa 'kin, tomboy ka ba?"
Matalim akong tumingin sa kanya. "What? You're crazy."
"Baka tomboy ka at ang dalawa mong kaibigan ang babies mo."
"Damn! Ano ba ang iniisip mo na 'yan? Hindi ako lesbian, at kung magiging lesbian ako hindi si Candy at Rosie ang type ko kadiri!" I rolled my eyes.
"Good, mag-ayos ka mamaya dahil susunduin kita sa condo mo ng eksaktong seven pm. Kapag pinaghintay mo ako ng matagal kakalbuhin kita."
"Fine!" Tumayo ako at nagmartsa palabas ng mansiyon nila. Sumakay ako ng kotse at muling pinaharurut ang sasakyan. Nagsisi tuloy ako kung bakit pa ako pumunta sa mansiyon nila Fritzie. Simula nang bumalik siya ng Pilipinas kung kani-kaninong lalaki na ako nirereto, na parang takot na takot silang maging single ako.
Nang makarating ako ng condo unit ay humiga ako sa kama at nagtakip ng unan. Inis na inis ako ngunit wala akong magawa. Tumunog ang cellphone ko, at nang silipin ko ito ay pangalan ni Rosie ang nakalagay sa screen.
Hindi ko ito pinansin dahil siguradong magyaya naman itong gumimik sa bar. Hindi ako madalas sumama sa discor bar kahit kaibigan ko sila. Simula kasi nang mahuli akong lasing na lasing ni Daddy ay hindi na ako umulit na mag-disco nang araw-araw.
Hanggang sa nakatulugan ko ang pagtunog-tunog ng cellphone ko. Nagising ako nang ala-sais ng gabi bigla kong naalala ang sinabi ni Fritzie. Darating siya ng ala-siyete ng gabi. Nagmadali akong bumangon at naligo. Bente minutos lang ang naubos kong oras sa banyo. Pagkatapos ay nagbihis na ako. Naglagay ako ng lipstick sa labi. Kinuha ko ang mask ko na hugis butterfly at kulay gold. Pinasadya ko iyon noong um-attend ako ng masquerade party. At dahil paborito ako ng Tita Fritzie ko na i-blind date, pinanindigan ko na ang paglalagay ng mask.
Alas-sais kuwarenta tumawag si Fritzie at sinabing paparating na ito. Kaya naman lumabas na ako ng condo unit ko. Ayaw kong makita niya ang kalat sa loob ng condo ko Hindi pa kasi ako nakakapaglinis. Tatawag na lang ako bukas kay Mommy para magpadala ng maglilinis at maglalaba sa akin.
Pagbaba ko ng building eksakto namang huminto ang kotse ni Fritzie. Kasama nito ang asawa niyang si Rafael
"Get in!" sabi niya.
Agad naman akong sumakay ng kotse nila. Ito ang pinaka-ayaw ko sa tuwing makikipag-blind-date ako. Hindi ako puwedeng magdala ng sasakyan dahil baka takasan ko ang ka-date ko kapag umalis silang mag-asawa.
"Hindi ka man lang naglagay ng makeup," wika ni Fritzie.
"Bakit pa? Tatakpan ko lang naman ng mask. Lipstick lang importante." sagot niya.
"Hays! Sasakit ulo ko sa 'yo." wika ni Fritzie habang binabagtas namin ang daan papunta sa restaurant kung saan kami magkikita ng blind date ko.
Alas-otso na kami nakarating sa restaurant. Isinuot ko ang mask nang nakapasok kami sa loob. Pinapahubad kasi ng security guard kapag papasok sa loob.
"Nandito na pala siya," wika ni Rafael.
Umarko ang kilay ko nang makita ko ang lalaking nakaupo at may suot din na mask. First time kong magkaroon ng blind date na tinatago ang mukha. Noon kasi lagi nilang pinapakita mukha nila lalo na kapag artista ang ka-date ko.
"Rafael!" tawag ng lalaki sa asawa ni Fritzie.
"Kilala mo naman yata ang wife ko. This is—
"My name is Bebang," mabilis kong sagot.
Natigilan si Rafael at Fritzie sa sinabi ko. Pinanlakihan ako ng mga mata ni Fritzie bilang warning sa ikikilos at sasabihin ko sa ka-blind date ko. Gayunpaman, hindi ako nasindak sa kanya.
"My name is Bebang." Sabay lahad ko ng kamay.
Tinanggap naman ng lalaki ang kamay ko. "Nice to meet you, Bebang my name is Bitoy," he smiled.
"Nice to meet you, Bitoy," walang kagana-ganang sagot ko.
"Bitoy at Bebang, maiwan na namin kayo." Kakamot-kamot sa ulo si Rafael.
Lumapit sa akin si Fritzie at niyakap ako na may kasamang kurot.
"Pasaway ka talaga," mahinang bulong ni Fritzie.
"Ouch! Damn it!" pabulong ko.
"So, let's start," wika ni Bitoy, nang makaalis ang mag-asawa.
Lumapit ang waiter sa amin at inilagay ang mga pagkain na in-order.
"What is your job?" Bitoy asked.
"Basurera, and how about you?" tanong ko.
"I work on a Krusty krab," he replied.
"Wow! Nice, that's a famous company, huh?" I mocked.
Bitoy took his glass with only wine. "Yeah, how much do you earn for being a garbage collector?"
"Well, it depends on my diligence and perseverance," I replied.
"Do you have a boyfriend?"
Tumingin ako sa kanya. "Wala, mag-a-apply ka ba?"
Nagkibit-balikat si Bitoy. "Hindi, ayoko ng basurera."
"That's good, ayoko rin na nagtatrabaho sa Krusty krab."
"Can you remove your mask?"
"Ayoko, bakit ko naman gagawin 'yon?"
Your voice sounds like the woman who kissed me last week. "
"Really? Maybe it's me. Do you miss my kiss?" I smiled.
Sumimangot siya. "I'm not kidding."
"Why? You said it sounded like my voice to kiss you? I claim, It's me. Do you miss my kiss?"
"Now I know why you're single. You're hard-headed."
"Oh, it's that a compliment?" I said sarcastically.
"Psh! Let's finish what we ate so we can go home," said Bitoy.
Nagkibit-balikat ako. "That's better."
Ngiting tagumpay ako dahil nainis ko ang ka-blind date ko. Actually, wala talaga akong planong patagalin ang date namin. Pasalamat pa nga siya dahil wala akong dalang sasakyan dahil kung meron baka kanina ko pa siya tinakasan.
Natapos ang pagkain namin na hindi kami nag-usap hanggang sa makarating kami sa ng car park. Naroon kasi ang mag-asawa na naghihintay sa akin.
"Thanks for the time, Bitoy." sinadya kong lumapit dito upang makita ng mag-asawa, pagkatapos hinila ko ang kuwelyo ni Bitoy.
Nagulat siya sa ginawa ko. "What?"
Hindi ako nagsalita dahil hinalikan ko siya nang mabilis, pagkatapos ay lumayo sa kanya upang lapitan si Fritzie. Ang lapad naman ng ngiti ni Fritzie nang makita niyang hinalikan ko ang lalaki. Ang akala kasi niya ay gusto ko ang lalaki. Ang hindi niya alam sinadya kong gawin iyon para makita nilang mag-asawa.