HINDI na yata mawala ang pag-angat ng kanang kilay habang nakikinig sa kuwento ng kaibigan kong si Rosie. Halos dalawang oras na kaming nag-uusap ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tapos ikuwento ang tungkol sa bago niyang boyfriend.
"Jeyrin, nakikinig ka ba sa akin?" Iritang tanong sa akin ni Rosie.
Sa halip ba sumagot ako ay inubos ko ang milk tea na kanina ko iniinom.
Sinipat ko ang orasan pambisig ko saka tumayo. "I have to go."
"Teka!" Sabay hawak ni Rosie sa braso ko para pigilan akong umalis.
"What?" Pagtataray ko.
"Aalis ka na agad hindi pa nga ako tapos magkuwento sa inyo." Tumingin pa siya kay Candy na nakahalumbaba sa lamesa.
I raised my brows. "You've been talking for more than two hours. Is your story still not over?"
"Alam mo naman ngayon lang ako na in love kaya pagbigyan mo na ako," wika ni Rosie.
"I have something more important to do than listening to your love story."
"Hindi ka na nasanay diyan kay Jeyrin. Alam mo naman masyado siyang bitter sa love," sabat ni Candy.
Hikab nang hikab si Candy nang lingunin ko. "Kulang na lang sa iyo ay unan at makakatulog ka na? Aminin mo inaantok ka sa kuwento ni Rosie," sabi ko.
Mabilis namang umiwas ng tingin si Candy sa amin. Bakas sa mukha ni Rosie ang lungkot.
"Hindi pala kayo masaya para sa akin?" wika ni Rosie.
Ramdam namin ang hinanakit niya sa amin dahil sa tono ng boses niya.
Huminga ako ng malalim saka muling umupo.
"Waiter!" sigaw ko.
Agad naman dumating ang waiter.
"Yes, Ma'am?"
"Isang jumbo Testikels king with white sauce," sabi ko.
"Ako isang bayagrice and tamodchili," sagot ni Candy.
"What else Ma'am?"
Nakasimangot akong tumingin sa dalawa. "Ano pa ang gusto n'yong i-order?"
Ngumiti si Rosie. "Large Milk tea-tea at palagyan ng maraming black pearls."
"Okay, Ma'am, got it."
"I'll give you another two hours para ikuwento ang love life mong fake," sabi ko.
Tumawa si Candy sa sinabi ko. Hindi ko kasi maiwasan na maging prangka kay Rosie. Hindi ko na mabilang sa mga daliri ko kung ilang beses na niyang sinabi na may seryoso na siyang boyfriend. College pa lang kami bukang bibig na niya 'yan. Ngunit isa sa mga naging karelasyon niya ay hindi umabot ng isang buwan lagi siyang iniiwan ng mga ito pagkatapos pagsawaan.
"Hindi ito fake relationship maniwala kayo sa akin," wika ni Rosie.
Pinaikot ko ang eyeballs ko bilang tugon sa kanya. "Maniniwala lang ako sa iyo kung aabot kayo ng tatlong buwan."
"Paano kung umabot kami ng tatlong buwan?"
"Kung umabot kayo ng tatlong buwan saka lang ako maniniwala na totoo ang relasyon n'yo."
"Tama si Jeyrin. Ipakilala mo siya sa amin kapag umabot kayo ng tatlong buwan. Sa ngayon, tigilan mo muna ang mahulog ng husto sa lalaking 'yan. s*x lang ang habol niya sa iyo kaya huwag kang magpapauto sa kanya."
"Sige, tatandaan ko 'yan mga sinabi n'yo," kampanteng sagot ni Rosie.
Hindi na kami nagsalita nang dumating ang mga order namin. Pagkain kaya tahimik kaming kumain.
Palabas kami ng Jutjutan restaurant nang marinig ko may tumawag sa akin
"Jeyrin!
Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita ko ang Tita ko.
"Fritzie!" tawag ko rin sa pangalan niya.
Lumapit siya sa akin at tumingin sa mga kaibigan ko. "Bakit ka nandito?" Hindi makapaniwala na tanong ni Fritzie.
Ang restaurant na Jutjutan ay ngayon lang namin napuntahan. Sinubukan lang namin dito dahil nag-trending dahil sa kakaibang recipe at names ng mga pagkain dito.
"Hindi kami nagpahuli ng mga kaibigan ko na hindi subukan dito."
Siniko ako ni Candy at bumulong. "You look at each other."
"Friends mo?" tanong ni Fritzie.
Tumango ako. "Mga kaibigan ko, si Candy at Rosie, business partner din kaming tatlo. Girl, siya nga pala ang Tita ko si Fritzie.
"Tita mo?" hindi makapaniwala na tanong ni Rosie.
Tinitigan nila ito ng ilang beses. "Bakit parang mas matanda ka tingnan?"
Sa inis ko at binatukan ko silang dalawa. Tumawa naman si Fritzie sa naging reaksyon ko.
"Mga Gaga! Maagang lumandi ang mga magulang ko kaya nabuo agad ako. Kaya hindi nagkakalayo ang edad namin ng Tita ko."
"Tama si Jeyrin, iyon na rin ang dahil kung bakit ayokong tinatawag niya akong Tita or Ate," sabi Fritzie.
"Aalis na kami," sabi ko.
Tumango si Fritzie at nagbeso-beso muna kaming dalawa bago kami tuluyang umalis.
"Ang ganda talaga ng Tita mo mas maganda pa siya sa iyo," sabi ni Candy, habang papunta kami sa car park.
Sumimangot ako. "Huwag ka ng magpapakita sa akin kahit kailan. Simula ngayon ay FQ (friends Quarrel.) tayo."
Imbes na mainis si Candy ay tumawa siya. "Huwag kang magalit nagbibiro lang naman ako masyado ka naman pikon."
"Ewan ko sa iyo." Binuksan ko ang pinto ng kotse ko at sumakay. "Text na lang tayo."
"Okay, ee you tomorrow." Kumaway sila sa akin bago umalis. Pinaandar ko naman ang sasakyan ko at pinaharurot ko ang kotse ko palayo sa lugar na iyon.
Nasa biyahe pa lang ako ay tunog nang tunog ang cellphone ko. Pangalan ni Daddy at ng kambal kong kapatid ang nakita ko sa screen. Hindi ko iyon sinagot dahil siguradong makakatikim ako ng sermon. Ang pinangako kong oras na punta ko ay naudlot dahil na rin sa mga kaibigan ko. Mas lalo kong pinagarurot ang kotse ko para makarating agad sa mansyon namin.
"Senyorita, kanina pa kayo hinanap ng Daddy n'yo," bungad sa akin ng Yaya namin.
"Nasaan siya?"
"Nasa living room silang lahat."
Kinabahan ako dahil wala akong malulusatan kapag pumasok ako sa loob ng mansyon namin.
Huminga ako ng malalim bago ako pumasok sa loob. s**t! Lagot na.
Tulad ng inaasahan ko ay nasa sala na silang lahat na nakabihis na sila.
Tumayo si Daddy upang salubungin ako.
"Anak!" sabay yakap at halik niya sa pisngi ko.
"I'm sorry, Daddy, kung late akong dumating. Hindi ko kasi maiwan ang mga kaibigan ko."
"It's okay, get dressed maghihintay kami sa iyo."
"Ate, bilisan mo kanina pa kami naghihintay sa iyo," ani Harvey.
Inirapan ko siya sabay talikod ko at dumiretso ako sa kuwarto ko. Nakahanda ang susuotin kong gown kaya mabilis akong nakapagbihis.
"Ganya na itsura mo?" Nakaangat ang kilay na tanong ni Hency sa akin.
"What's wrong with my outfit?" Pinagmasdan ko pa ang suot kong damit.
"Bakit kita ang dibdib mo? Nakakahiya ka naman sa suot mo kulang na lang maghubad ka." Prangka na sagot ni Hency.
Ang kapatid kong kambal na lalaki ay masyado talagang conservative pagdating sa akin. Sila ang unang kumukontra sa mga sinusuot kong damit. Samantalang si Daddy at Mommy ay okay lang kahit sexy ang isuot kong damit.
"Cleavage lang naman kita hindi naman ako nakahubad."
"Pareho na rin iyon parang inaanyayahan mo silang bastusin ka. Ate, palitan mo ang suot mong damit," sabi ni Hency.
Nagkibit-balikat sina Daddy nang tumingin ako sa kanila. Tinaas ko ang kamay ko bilang pagsuko sa kapatid ko. "Okay! Hintayin n'yo ako."
Nagmadali akong bumalik sa kuwarto at nagpalit ng damit. Pumili ako ng damit hindi kita ang cleavage ko at hindi rin maikli para pumasa sa paningin ng kapatid kong conservative.
Kanya-kanya kaming sasakyan nang pumunta sa masquerade party. Pagpasok namin sa loob ay marami ng mga bisita. Lahat sila ay nakatakip ang mukha. Gusto ko ang ganitong party. Hindi nakikita kung sino ang mga tao sa paligid mo.
"Jeyrin!" tawag sa akin ni Mommy.
Hinila niya ako at pagkatapos ay sapilitang pinasok sa isang silid.
"Teka? Mommy!" sigaw.
"Ate, huwag kang maingay."
"Anong meron dito kambal?" tanong ko sa dalawa.
"Hiniwalay nila ang party sa mga single katulad natin kasi may kakaibang party rito," ani Hency.
"Everyone, find your partner and dance!" sigaw ng emcee.
Hinila ako ng kambal kong kapatid at sinayaw nila ako. Nang namatay ang ilaw ay nagkagulo ang lahat pagbukas ng ilaw ay ibang tao na ang partner ko.
"Nasaan na ang mga kapatid ko?"
"Relax, Miss," sabi ng lalaking kapartner ko.
Hinawakan niya ang bewang ko at sumayaw kaming dalawa. Napilitan akong sumayaw. Nang muling mamatay ang ilaw ay nagpalit ulit ng partner. Hindi ko gusto ang ganitong trip ng mga tao rito pero wala kaming magawa.
"Hawakan n'yo na ang partner n'yo dahil kapag namatay ang ilaw ay hahalikan n'yo kung sino ang partner n'yo. Bawal tanggalin ang mask at bawal ang killjoy!" sabi ng emcee.
Wala akong kagana-ganang sumayaw dahil bukod sa mas matangkad ako sa partner ko mataba pa siya.
Nang muling mamatay ang ilaw may humila sa akin kaya sumigaw ako. Bumukas muli ang ilaw at isang matangkad na lalaki ang kaharap ko ngayon. Nakahawak siya sa bewang ko at nakatitig sa akin.
Hindi ko maintindihan bakit ang bilis ng t***k ng puso ko.
"Kiss your last partner!" sigaw ng emcee.
Walang patumpik-tumpik ang lalaki. Hinapit niya ang bewang ko palapit sa kanya. Halos naamoy ko na ang mabango niyang hininga kahit may halong alak ito. Nang lumapat ang labi niya ay pumikit ako.
Bakit pareho silang humalik ng lalaki sa bar?