CHAPTER 3

2347 Words
Hindi na maipinta ang mukha ko habang nakikipag-usap sa ako sa traffic enforcer. Nabangga ko kasi ang barrier sa daan na nagsisilbing harang sa mga gilid. Nang dahil sa pag-iiwas ko sa kotse na mas lalong hindi ko naiwasan ang aksidente. "Thank you, Dr. Chen sa kooperasyon, ingat po," wika ng isa sa traffic enforcer na nakausap ko. Itinaas lang ko ang kamay ko upang sabihin na 'okay' at pagkatapos ay sumakay ako sa aking kotse. Hindi ko makakalimutan ang araw na ito dahil sa babaeng dahilan kung bakit ako na-aksidente. Maaga pa naman akong umalis ng mansyon upang maghanap ng regalo para sa Mommy ko. Ngayon kasi ang birthday niya, sinadya kong hindi mag-duty para sa espesyal na araw na ito ngunit ng dahil sa aksidente masisira ang araw ko. Naging banayad ang pagpapatakbo ko sa kotse upang hindi maulit ang nangyari kanina. Nagpunta ako sa isang Mall at naghanap ako ng puwedeng iregalo sa Mommy ko. Hindi mahilig sa materyal na bagay ang Mommy ko kahit ano ang ibigay mo sa kanya ay masaya na siya. Ang mahalaga kay Mommy ay ang effort at hindi paglimot sa kanya. Nakasuot ako ng maong na puti at t-shirt at sneaker na sapatos. Habang naglalakad ako papasok sa loob napansin ko ang isa sa mga naging kaibigan ko si Rafael. May kasama siyang magandang babae habang papasok sa loob ng Mall. Nagmadali akong naglakad upang maabutan ang dalawa. Tinapik ko sa balikat ang kaibigan ko. "Hey!" "Isaac?" Hindi makapaniwala na tanong niya. Tumango ako at ngumiti. "The one and only." Tinapik niya ako sa balikat habang nakangiti. "Kumusta ka na? Ilang taon na rin tayong hindi nagkita," wika ni Rafael. "Two years pa lang ako dito sa Pilipinas," tumingin ako sa babaeng kasama ng kaibigan ko. "Rafael, girlfriend mo?" tanong ko. Hinawakan ni Rafael ang palad ng babae at tinaas ito at nakita kong may wedding ring sa kamay silang dalawa. "Asawa ko na siya pare, si Fritzie," tumingin naman si Rafael sa asawa niya. "Wife ko si Isaac kaibigan ko noong nasa ibang bansa ko," wika ni Rafael. Ngumiti si Fritzie"Nice to meet you." "Nice to meet you, Fritzie and congrats sa inyo," sagot ko. "Kung alam ko lang na matagal ka ng nasa pilipinas sana kinuha kitang abay sa kasal ko," wika ni Rafael. "It's okay, hindi ko rin naman nasabi agad sa 'yo dahil naging busy na ako nang umuwi ako ng Pilipinas." "I see, text na lang tayo para makapag-bonding tayo," wika ni Rafael. "Yeah, sure, save my number." Ibinigay ko kay Rafael ang numero ng phone ko pagkatapos ay tinawagan niya ako "Text na lang tayo okay, may pupuntahan kasi kami ng asawa ko," sabi ni Rafael "Sure, may lakad din ako, ingat kayo " Ngumiti ako sa mag-asawa pagkatapos ay umalis na ako at pumunta sa store kung saan ako bibili ng regalo para kay Mommy. Bumili ako ng imported bag ng mommy ko sa halagang three hundred thousand pesos. Gusto ko sanang bigyan ng mas mahal pa na bag ang bilihin ko ngunit hindi ko naman nagustuhan ang desisyon. Nakikita ko sa mga bag na ginagamit ni Mommy ay sobrang simple lang ang disenyo na gusto niya. Ito lang ang simple at siguradong magugustuhan ni Mommy. Pagkatapos kong bumili ay agad akong umuwi ng mansiyon. "Isaac!" tawag sa akin ng Lolo ko nang dumating ako. Lumpit ako sa kanya at niyakap ko siya, niyakap ko rin ang Lola ko. "Mabuti naman at dumating ka na kanina pa umiiyak ang Mommy mo. Hindi mo raw naalala ang birthday niya," wika ni Lolo. "Of course not, hindi ko puwedeng kalimutan ang birthday ni Mommy. Puntahan ko lang po si Mommy." Tumango si Lolo. "Sige, puntahan mo siya." Ginulo pa niya ang buhok ko tulad ng ginagawa niya sa akin noong bata ako. Pumunta ako sa kitchen kung saan naroon ang Mommy at Daddy ko. Ngumiti si Daddy nang makita ako. Pagkatapos kinalabit niya si Mommy kaya tumingin sa akin. "Isaac!" lumapit si Mommy at pagkatapos ay niyakap siya. Niyakap ko si Mommy. "Happy birthday, Mom," sabay halik ko sa pisngi. Lumuluha si Mommy nang iabot ko ang regalo. "Happy birthday, Mommy. I love you." "Thank you, alam mo naman makita lang kita sa araw ng birthday ko best gift na sa 'kin," wika ng kanyang Mommy. "Anak, bakit na-late ka?" tanong ni Daddy sa akin. Sumimangot ako nang naalala ko ang dahilan kung bakit ako late dumating. Napansin naman iyo ng Mommy ko. "Bakit nakasimangot ka?" "Kasi Mommy, dapat maaga pa lang nandito na ako, kaya lang inabot ako ng traffic may banggaan kasi akong nadaan kaya hindi ako nakarating ng maaga," alibi ko. Hindi ko kasi puwedeng sabihin kay Mommy at Daddy ang totoo nangyari dahil mag-aalala sila sa akin. Kaya naisipan kong magsinungaling na lang. Ngumiti si Mommy sa akin. "Okay lang kahit late basta nandito ka. Thank you anak," wika niya. Dahil sa request ni Mommy, Simpleng handaan lang ang ginawa sa birthday niya. Ang mahalaga sa kanya ay kasama niya ang mahal niya sa buhay sa araw na ito. Gusto kasi niyang sulitin ang mga oras na kumpleto kami dahil hindi kami laging nagkikita at nagkakasama. "Malapit na rin ang birthday mo, Apo," wika ni Lolo. Katatapos lang naming kumain at nakaupo kami sa mahabang sofa, habang kumakanta naman sa videoke ang isa sa kaibigan ni Mommy. "Opo, pero gusto ko ganito lang din kasimple or kahit 'wag ng maghanda," sagot ko. "Anak, hindi puwede ang gusto mo. Kailangang engrande ang birthday mo dahil ipapakilala ka bilang isang Chen," sabat ni Daddy. Tumango si Lolo. "Tama ang Daddy mo. Maraming ang nagtatanong kung anong itsura mo ngayon dahil ang huli nilang nakita na Isaac ay ten years old na bata noon. Kaya ipapakilala kita sa maraming tao," wika ni Lolo. Bumuntong-hininga ako. "Wala naman akong magagawa kung iyon ang gusto n'yo." Kinuha ko ang wine at nilagyan ko isa-isa ang wine glass ni Lolo at Daddy. "Cheers!" Tinaas pa ko ang wine glass ko. "Cheers!" Sabi ni Lolo at Daddy. "Ang bilis ng panahon. Noon tayong dalawa lang ang umiinom. Ngayon, kasama natin ang anak mo," wika ni Lolo kay Daddy. "Dad, ang bilis talaga ng panahon, baka magulat na lang ako Lolo na rin ako." Sabay tingin ni Daddy sa akin. Nakangising tumingin ang Lolo niya sa akin. "May girlfriend ka na ba?"tanong ni Lolo. "Wala pa," sagot ko. "Hindi mo ba girlfriend ang Doktora na kasama mo noong pumunta ka rito?" tanong ni Lolo. "Hindi po, Lolo wala pa akong nakikitang babae na ipapakilala ko sa inyo. 'wag po kayong mag-alala kapag may girlfriend ako ipapakilala ko sa inyo. Sa ngayon, mag-focus muna ako sa trabaho ko," wika ko. "Well, ibang-iba ka talaga sa Daddy mo, noong kabataan ng Daddy mo, maraming girlfriend 'yan mabuti nga at tumino." Sabay tingin ni Lolo kay Daddy. Kakamot-kamot sa ulo si Daddy. "Don't worry, Dad, wala kang ibang apo sa labas." Sabay tawa ni Daddy. "Sumakit ang ulo ko sa iyo noon," umiling-iling pa si Lolo habang siya ay nakikinig lang sa dalawa. Ipinikit ko ang mga mata ko habang nakahiga sa malambot na kama. Na-miss ko ang kuwarto ko dahil minsan nakakauwi ng mansiyon. Madalas kasi akong nasa condo ko na malapit sa hospital na pinapasukan ko. Simula nang nag-aral ako ng medisina sa Amerika naging independent na ako. Ako ang nagluluto ng pagkain naglilinis, at naglalaba ng mga damit ko kahit hanggang ngayon. Nagpapapunta lang ako ng katulong kapag nasa may seminar ako sa ibang lugar. Patulog ako nang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko tiningnan kung sino ang tumatawag dahil sinagot ko agad ang tumatawag sa akin. "Hello," sabi ko. "Kumusta pare, nasaan ka ngayon?" sabi ni Jano sa kabilang linya. "Naka-duty ako ngayon, bakit?" Pagsisinungaling ko sa kaibigan kong si Jano. "Sayang naman yayain sana kitang gumimik mamaya. Natatandaan mo ba ang mga babaeng nakasama natin last friday?" "Sa dami ng mga babaing hinarot n'yo matatandaan ko ba sila?" Humalakhak ng malakas ang kaibigan ko. "Parang sinabi mo na playboy ako." "Tumawag ka ba dahil lang diyan? Hindi ako interesado." "Sayang mukhang kasama ng dalawang babae ang magandang babae na humalik sa 'yo, makilala mo sana siya ngayon." Saglit akong nag-isip, bigla kong naalala ang babaeng humalik sa akin. Mayroon siyang malambot na labi at malambot na balat. Sa tuwing naalala ko iyon hindi ko maiwasang ma-curious kung anong itsura niya. Ang alam ko lang ay maganda siya tulad ng sinabi ng mga kaibigan ko. "Hey, Isaac." "Susubukan ko." Tumawa si Jano. "Huwag mong sayangin ang gabi na ito malay mo naman… Ang babaeng humalik sa iyo ay maka-one night stand mo na ngayon." "Not interested. Magte-text na lang ako kung sasama ako sa iyo." Pinutol ko ang pag-uusap namin. Bago ako natulog ay nag-alarm ako ng alas-sais ng gabi. Balak kong sumama sa gimik ng mga kaibigan ko. Curious talaga akong malaman kung sino at anong itsura ng babaing humalik sa akin. Pagkatapos ay nag-text ako kay Jano na sasama ako mamayang gabi. Ang lapad ng ngiti ni Jano nang makita ako sa tapat ng disco-bar. Nakasuot ako ng kaki shorts at white polo shirt at rubber shoes. May extrang damit ako sa loob ng kotse bagay na lagi kong ginagawa. Bilang doctor kailangan lagi akong may baon na damit sa kotse. Si Jano ay nakasuot ng black maong pants at black polo shirt at cap. Ibang-iba sa suot niya tuwing umaalis siya ng bahay. Kasama rin namin si Lemuel na nakasuot ng white polo shirt at white brown short at black branded na sandals. Naka-gel din ang mga buhok nilang dalawa. "Kumusta, Doctor Chen?" Sabay tapik sa akin sa balikat ni Jano. "Ulol!" sabay finger sign ko. Alam kong aasarin lang nila ako. Tumawa naman si Lemuel sa aming dalawa ni Jano. "Let's go! Hinihintay na tayo nila Rosie at Candy," wika ni Jano. "Alam n'yo na ang real name nila?" takang tanong ko. Tinapik ako ni Jano sa balikat. "Yes, accidentally may nakakilala sa kanya noong nag-post ako ng picture sa f*******: ko na kasama silang dalawa. One of my social media friends mentioned their names." "I see, so pareho n'yo na palang kilala ang isa't-isa. How about the girl who kissed me? Kilala niyo ba siya?" "Unfortunately hindi, sabi ni Rosie ayaw ni Ivana na magkaroon ng friends from disco-bar, strict daw ang parents ng babaing 'yon," wika ni Jano. Strict ang parents pero nakikipaghalikan sa lalaki. Pumasok kami sa loob ng disco-bar tulad ng dati maingay at nagsama-sama ang usok ng sigarilyo, amoy ng iba't-ibang alak at pabango ang maamoy mo sa paligid. Ang pagkakaiba lang ngayon ay nasa VIP table kami. Agad kaming nilapitan ng waiter upang kunin ang order namin. Ilang minuto pa ang nakalipas dumating na ang dalawang babae na sina Candy at Rosie. "Babe," wika ni Lemuel sa isang babae na nakasuot ng floral dress, v-neck naman ang sa harapan at halata ang cleavage nito. May suot siyang hello kitty headband. Ang suot naman nito na palda ay masyadong daring. Hanggang singit ang slit ng palda nito kaya kung umupo siya ay makikita ang panty at leegs nito. "Hi, Babe," sagot ng babae. Lumapit ang babae kay Lemuel at pinulupot ang kamay sa leeg ni Lemuel at nag-lips to lips silang dalawa sa harapan namin. Habang ang kamay ni Lemuel ay pumipisil sa pwet nito. "Hoy, Candy na makati, mamaya na kayong mag-s*x, demonyo kayo sa harapan pa namin kayo naglalaplapan, pisti!" sigaw ng isang babae na parang nakasuot na lang ng bra. Naka spaghetti na damit kasi ito ngunit hanggang ibaba lang ng dibdib nito ang haba. Naka-fitted palda ito na kulay black ngunit ang haba ay hanggang ibaba lang ng pwet niya. May suot lang ito na jacket upang pantakip kung lalamigin. "Huwag kang mainggit Rosie, mas masarap pa ang gagawin natin diyan mamaya." Sabay kindat ni Jano. Binigyan ni Jano ng sigarilyo si Rosie. G*g*! Magtoothbrush ka muna bago humalik sa 'kin. Tang ina mo! Ang baho ng hininga mo noong naghalikan tayo para akong humahalik sa inidoro," wika ni Rosie. Pigil na pigil ang tawa ko dahil sinabi ni Rosie kay Jano. Ngunit imbes na mainis si Jano ay tumawa pa ito. "Laspag na ako nang naghalikan tayo, pangatlo ka ng gumahasa sa labi ko," wika ni Jano. Matalim na tinitigan ni Rosie. "Ul*l mabaho talaga hininga mo." Sabay hithit niya ng sigarilyo. Lumapit si Jano kay Rosie at hinala ito palapit. Pagkatapos ay siniil ni Jano ng halik si Rosie. Mabilis lang ang naging halikan nila. "Ano mabaho ba?" tanong ni Jano. Umiling si Rosie. "Hindi, ang sarap isa pa nga," wika ni Rosie. "Relax ka lang diyan Rosie. Uminom muna tayo," wika ni Jano. "Mahiya naman kayo sa kaibigan n'yong walang kalaplapan," biro ng isang babae. "Gusto ko mo ba magtawag ko ng magiging partner mo? May kakilala akong magaling makipaglaplapan at magaling gumiling," sabi ni Rosie. "Hindi ko kailangan ng babae." Sabay tungga ko ng alak. Nakakarami na ako ng inom ng wine habang pinakikinggan ko ang mga kuwentuhan ng mga kaibigan ko at ang mga kaibigan ni Ivana. Hinihintay ko si Ivana dahil gusto kong makilala siya ng personal. "Nasaan pala si Ivana?" tanong ni Lemuel. Marahil nararamdaman ni Lemuel na kanina ko pa gustong itanong 'yon. "Si Ivana, hindi siya pupunta ngayon dahil may family gathering sila." Tumingin si Rosie sa akin. "Hinahanap mo ba siya?" tanong nito. "Hinahanap niya kaya nga siya sumama rito," sagot ni Jano. "Huwag mo siyang hanapin dahil hindi iyon pupunta, hindi 'yon gabi-gabi pumupunta ng bar. Ano ba pangalan mo? Gusto mo ako na lang, daks ka naman e," biro ni Rosie. Matalim kong tinitigan si Rosie pagkatapos ay sinaid ko ang alak, pagkatapos ay tumayo ako. "Saan ka pupunta?" takang tanong ni Rosie. "Uuwi na siya wala naman ang sadya niya." Kampanteng sagot ni Jano. "Okay, ingat ka baka mapikot ka sa kalsada ani Rosie. Lumabas ako ng disco-bar at sumakay sa kotse, pinaharurut ko ang sasakyan pauwi ng condo. Nasayang lang ang oras ko sa paghihintay sa babae na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD