CHAPTER 9

1198 Words
"I hate you! I hate you!" Umalingawngaw sa akin ang salitang iyon ng isang babae ang bigla na lang gumawa ng eskandalo sa mismong party ko. Hanggang ngayon ay hawak ko pa rin ang mukha kong sinampal niya. habang papalayo siya sa akin. "Bullshit!" Tumakbo ako para habulin siya ngunit hinabol rin ako ng mga reporter na dapat ay mag-featured ng mga magagandang balita sa akin ngunit nauwi sa eskandalo. "Dr. Isaac Chen, totoo ba ang sinabi ng babae sa iyo? "Sino ang babae na iyon?" "Totoo ba na may boyfriend ka? Ilan lang ang mga iyan sa katanungan na binabato sa akin ng mga reporter kasabay ng sunod-sunod ng click ng camera. Dire-diretso akong pumunta sa kotse ko. Hindi ko tuloy na-enjoy ang birthday ko dahil sa nangyari. Pinaharurot ko ang sasakayan ko palayo sa lugar na iyon. Habang nasa biyahe ako ay tinawagan ako ni Daddy. "Where are you?" bungad na tanong ni Daddy "I'm on my way home." "Okay, we will wait for you, take care." Pinutol ni Daddy ang tawag niya sa akin. Huminga ako ng malalim. Kung kailan ipinakilala na nila ako bilang tagapagmana saka naman nagkaroon ng problema. "Who's that f**k'n girl! Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa akin. Wala ng ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang babae na iyon at ang kahihiyan na naghihintay sa akin. Nang dumating ako sa mansyon ay nasa sala na ang magulang ko at ang Lolo ko. Yumuko ako dahil sa labis na hiya. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nangyari. "Good evening, Dad, Mom, and Lolo." "Have a sit," sabi ni Daddy. Huminga ako ng malalim bago ako nagsalita. "About what happened, I don't know that woman. She's not my girlfriend, and I don't have a boyfriend." Nagsalubong ang kilay ni Lolo. "If you don't know her, who is that woman?" "Dad, maybe your business enemy sent that woman to embarrass my son," sagot ni Daddy. Nakahinga ako ng maluwag dahil iba ang naging takbo ng pag-uusap namin kabaliktaran ng iniisip ko kanina. Ang akala ko kasi ay susuntukin nila ako sa galit nila sa akin. "I don't remember any enemies in the business." "May babae ka ba na niloko? Baka meron kang nilokong babae kaya naghihiganti siya sa iyo?" Ani Daddy. Umiling ako. "Wala akong nilokong babae." "Kung ganon anong dahilan ng babae na iyon?" tanong ni Lolo. "Don't worry, hahanapin ko ang babae na iyon para malaman kung anong dahilan niya." Tumango si Daddy. "Nagrequest na ako ng CCTV camera para malaman kung sino ang babae na iyon." Tumango sila. "Okay, ikaw na ang bahala sa problema na 'yan. Bukas ay magpatawag ka ng media para linisin ang pangalan mo. Kailangan mong linisin ang sarili mo para hindi makasira sa reputasyon mo bilang Cardiologist Doctor," ani Lolo. "Thank you sa pag-unawa n'yo sa akin." Ngumiti sila sa akin. "Kilala ka namin at naniniwala kami sa iyo." "Thank you." "Matulog na tayo bukas para makapagpahinga na tayo." Tumayo si Lolo at pumasok sa silid niya, gayundin si Mommy at Daddy. Bago ako dumiretso sa kuwarto namin ay kumuha muna isang bote na may laman wine. Kailangan ko ito para makatulog ako ng mahimbig. Nakatingin ako sa bintana habang hawak ko ang alak. "Rosie Ricaporte. Kailangan ko siyang hanapin para malaman ko kung sino ang babae na iyon." Kinabukasan ay maaga akong umalis para panoorin ang cctv footage kagabi. Mabuti na lang at nakakuha agad ako ng kopya dahil pagmamay-ari din namin ang building kung saan ginanap ang birthday party ko. "Siya yung babae 'di ba?" sabi ng kaibigan kong si Jano. Tumango ako habang nakatingin sa babae. Hindi ko inaalis ang tingin sa kanya habang pinapanood ang bawat kilos ng babae. "Mukhang hindi naman siya binayaran. Ang mahal ng kotse na dala niya at limited edition lang siya rito sa Pilipinas," sabi ulit ni Jano. Mga kaibigan ko lang ang kasama ko sa panonood ng CCTV footage. Hindi nakialam ang pamilya ko sa issue basta ang gusto lang nila ay malinis ang pangalan ko. "She's very pretty, parang ang swerte mo naman yata dahil sinampal ka ng ganyang kagandang babae," natatawang sabi ni Lemuel. Pinanlakihan ko sila ng mga mata. Imbes kasi na makisampatya sila sa akin ay parang nagkagusto pa sila sa babae. "Teka ibalik mo sa part na yan," turo ni Lemuel. Ibalik ang scene kung saan may kausap na babae ang sumampal sa akin. "Bakit nakilala mo na ba siya?" tanong ni Jano. "Hindi ba't ang babae na kausap ng sumampal sa iyo ay kamukha ng babae na kasama natin sa table," ani Lemuel. Tinitigan namin mabuti ang babae. Pamilyar nga sa akin ang babae na katabi niya. "Oo nga, parang siya yung babae na naka-one night stand mo 'di ba Lemuel?" Nakangisi pa si Jano. "Ulol!" Inis na sigaw ni Lemuel. "Seriously, kamukha siya ng kaibigan ni Rosie. Tumingala ako. "Who's Rosie? Anong apelyido niya?" "Rosie Cruz ang pangalan niya sa f*******:. Hindi ko lang alam kung iyon talaga ang tunay niyang buong pangalan," wika ni Jano. "I see, I'm looking for Rica Ricaporte." Natapos ang panood namin ngunit wala kahit isa sa amin ang nakakilala sa babae na iyon. Ang tanging magagawa lang namin ay hanapin ang babae at ang may ari ng plate number ng kotse. Kinuha ko ang plate number ng kotse para ipahanap ko sa secretary ko. "Wala ka bang ibang gagawin ngayon?" tanong ni Jano. "Naka-leave ako pero kailangan kong bisitahin ang batang pasyente ko. Hindi siya kumakain kapag hindi niya ako nakikita." "Bar tayo mamayang gabi gusto mo ba?" Umiling Ako. "No, marami akong gagawin ngayon. Magpapatawag ako ng media para linawin ang nangyari kagabi para malinis ang apelyido namin." "I see.. huwag masyadong seryoso sa pagpapayaman. Sayang ang mga oras ng kabataan mo," ani Jano. "Dude, intindihin mo na lang si Isaac. Hindi basta-basta ang pamilyang meron siya. Kahit hindi sila artista kailangan pa rin niyang maging malinis ang image niya," wika ni Lemue. Nagkibit-balikat si Jano, at tumayo. "Mauuna na ako sa inyo." "Sasabay na ako." Tumayo na rin si Lemuel. "Mag-iingat kayo. Thank you" Nang makaalis na sila ay nagpa-interview ako. Pagkatapos at nag-hired ako ng secret agent. "Rafael! "tawag ko nang makita ko ang kaibigan kong nasa hospital. Nang marinig niya ang pangalan ko. Nilapitan niya ako kasama ng asawa niya. "Kumusta Dr. Chen? Nabalitaan namin ang nangyari sa party mo kagabi. Alam mo na ba kung sino ang babae? Umiling ako. "Hindi pa, pero ipapahanap ko na siya, bakit pala kayo nandito? Sino ang magpapa-check up sa inyo?" "Itong asawa ko buntis nasa siya." "Really, congrats!" sabi ko. "Thank you." "Mauna na akong umalis. Naka-leave ako ngayon. Binisita ko lang batang pasyente ko. Hindi siya umiinom at kumakain kapag hindi ako nakikita." "Okay, tawag na lang tayo kapag may time para uminom. Tinapik pa niya ang balikat ko bago tuluyang lumabas ng kotse. Nang nasa parking area ako ay napansin ko ang kotseng nakita sa cctv. Palabas na ito ng parking area. Iyon ang kotse! Susundan ko sana ito kaya lang hindi ako agad nakalabas sa parking area. "Magkikita ulit tayo at kapag nagkita tayo at sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD