BAGSAK ang balikat ko habang naglalakad ako sa lobby ng hospital. Kung saan ay papunta ako sa patient room ng hospital. Dahil sa galit ko ay nakagawa ako ng kasalanan.
Ilang beses pa akong huminga ng malalim bago ko pinihit ang seradura ng pinto. Pagkatapos ay dahan-dahan akong pumasok sa loob. Sinalubong ako ni Candy. Katulad ko ay hindi pa rin siya nakakapagbihis ng damit. Nakasuot pa rin kami ng gown.
Napansin ko ang Mommy ni Rosie, ngunit hindi ako lumapit sa kanya dahil ayokong istorbihin ang pakikipag-usap niya kay Rosie.
"Halika ka nga!" Hinila ako ni Candy palabas at pumunta kamis sa kapilya ng hospital. Sinadya ba talaga na dito ako dahil dahil para humingi ako ng tawad sa kasalanan ko?"
"Jeyrin…"
Tumingala ako kay Candy saka huminga ng malalim. "Anong gagawin ko?"
"Bakit naman kasi nagpadalos-dalos ka sa desisyon mo. Imbes na masolusyunan ang problema mas lalong nadagdagan." Nasapo ni Candy ang noo dahil sa labis na inis.
"Don't blame me. I just did what I knew was right for our friend. Gusto ko lang makaganti sa lalaking naging dahilan para maisipan niyang magpakamatay."
"I'm not blaming you. Iniisip ko lang ang kapahamakan mo. Anong gagawin mo ngayon?"
Huminga ako ng malalim. "Hindi naman niya siguro ako makikilala."
"Sa dami ng cctv camera sa lugar na iyon imposible na hindi nila i-review. Lalo na kung nagkaroon ng problema."
"Kasalanan ito ng ex-boyfriend ni Rosie. Hindi puwedeng hindi siya managot sa nangyari."
"Jeyrin!"
Seryoso akong tumingin kay Candy. "Hindi ako papayag na mawalang saysay ang sakripisyo ko kay Rosie. Itutuloy ko ang paghihiganti sa kanya bago ako hanapin ni Isaac Mathew."
"Ano kaya kung pumunta ka muna ng Amerika mas safe ka roon. Bago pa nila malaman na ikaw ang gumawa ng eskandalo nasa Amerika ka na. Hindi ka na nila masusundan."
Umiling ako. "Hindi ko sila tatakasan. Hihingi ako ng tulong sa Tita Jhoace at Tito Clarence ko. Sigurado akong matutulungan nila ako."
"Gusto mong madamay ang pagiging mafia nila para sa pagkakamali mo?"
Nameywang ako sa kanya. "Anong gusto mong gawin ko?"
"Alam mo naman kung ano ang dapat gawin."
" I will not apologize to him in public."
"Jeyrin, iyon lang naman ang magandang gawin mo."
"Hindi ko kilala kung sino ang Isaac Mathew na 'yan bakit ako maghihingi ng sorry?" Tumalikod ako kay Candy para umalis.
Narinig kong bumuntong-hininga siya. Pagkatapos ay sumunod siya sa akin papunta sa patient room ni Rosie. Tapos na silang mag-usap ng Mommy niya nang dumating kami.
"Candy, Jeyrin… "tawag ni Rosie sa mahinang boses.
Lumapit kaming dalawa ni Candy.
"How are you?" tanong ni Candy.
Namumuo ang mga luha ni Rosie sa kanyang mga mata habang pinagmamasdan niya kami.
"Girls… I'm sorry kung nag-alala kayo sa akin masyado lang talaga akong nasaktan sa paghihiwalay namin. Alam n'yo naman kung gaano ako katino kapag na in love ako." Tuluyan ng tumulo ang luha ni Rosie sa mga mata niya.
Pinunasan naman ni Candy ang mga luha ni Rosie sa mga mata.
"Okay lang ang mahalaga safe ka. Huwag mo ng ulitin ang bagay na 'yan," ani Candy.
"Pa-isa nga." Marahan ko siyang sinampal.
"Ouch! " daing ni Rosie.
"Bigay mo sa akin ang picture ng ex-boyfriend mo para hindi ako magkamali ulit ng taong pinaghihiganinatihan," sabi ko.
"Bakit may nangyari bang masama?"
Tumango ako. "Kaano-ano mo ba ang may birthday sa invitation na dapat ibibigay mo sa amin?" tanong ko.
"Birthday iyon ni Isaac Mathew Chen. Naging kaibigan siya ng ex-boyfriend ko. Since, hindi n'yo pa kilala ang ex-boyfriend ko. Sinabi ko lang sa inyo na siya ang may birthday para mapilitan kayong samahan ako. "
Natampal ko ang noo ko sa nalaman ko.
"Maling tao nga talaga ang pinaghigantihan mo," ani Candy.
Tumingin si Rosie. "Anong ibig sabihin ni Candy?"
"Sa sobrang galit ko sa ex-boyfriend mo ay gusto kong maghiganti sa kanya. Kaya lang ibang tao pala ang nakatikim ng paghihiganti ko. Yang may birthday ang nakatikim ng galit ko." Sabay simangot ko.
"I'm sorry kung ako ang naging dahilan para makagawa ka ng mali. Hayaan mo kapag nakalabas ako rito tutulungan kitang humingi ng tawad sa lalaki 'yan," ani Rosie.
"Huwag mo na akong intindihin. I can manage my mistakes. Intindihin mo ang sarili mo. Magpagaling ka dahil iyon na lang ang ambag mo."
Ngumiti si Rosie. "Thank you."
"Jeyrin! Candy!" tawag ng Mommy ni Rosie sa amin.
Agad kaming lumapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ako sa balita ang nangyari sa party. Mabuti na lang at hindi pinaka ang actual na eksena kung paano ko sinampal ang lalaki.
"Ang tapang naman ng girlfriend ng lalaki talagang pinahiya niya," wika ng Mommy ni Rosie.
"Tita, baka hindi niya girlfriend ang namahiya sa kanya," sagot ko.
"Naku, sinabi ng lalaki na girlfriend niya ang nanampal sa kanya at masyado raw nagselos sa kanya kaya siya sinaktan."
Umangat ang kilay ko habang si Candy ay ngumiti sa sinabi ng Mommy ni Rosie.
"Kayong dalawa. Kahit anong galit niyo sa partner n'yo huwag nyong sasaktan para hindi mauwi sa paghihiwalay," wika ng Mommy ni Rosie.
Napilitan kaming tumango ni Candy sa sinabi nito. Pagkatapos ay muli kaming bumalik sa inuupuan namin.
"Jeyrin, ano kaya kung jowain mo na lang yung Isaac Mathew?" ani Candy.
Umiling ako. "Hindi ko siya type, isa pa, iniiwasan ko nga siya makita maging jowa pa kaya." Sabay irap ko sa kanya.
"Sinabi ko lang naman para mawalan ka ng problema."
"Wala namang problema. Nakita mo naman kanina sa interview sa kanya na wala siyang balak magdemanda sa akin pero hindi pa kami tapos ng Isaac Serano. Magtutuos pa kami.
Huminto ang sinakyan ko sa bar na malapit sa malate. Alas-nuebe pa lang ng gabi at nagsisimula pa lang dumating ang mga tao. Paglabas ko sa kotse ay hinarang na agad ako ni Candy.
"Jeyrin, baka mas lalong magalit sa iyo si Rosie kapag nalaman niya ang totoo."
Inalis ko ang kamay niya sa balikat at ngumiti sa kanya. "Relax," nakataas ang kilay ko nang pumasok sa loob ng bar. Hinanap ko agad si Isaac Serano.
Nakita na rin kita sa wakas.
Nilapitan ko siya. Kasama niya ang isa niyang kaibigan.
"Who are you?" Nakataas ang kilay niyang tanong.
Naka-cross-legs ako nang umupo sa table nila.
Tinitigan ko siya ng masama. "I'm Rosie's friend and you will pay for what you did to my friend." Tumayo ako at lumapit sa kanya. Nakipagtitigan pa ako sa kanya ng ilang segundo. Ngumisi ako. Pinulupot ko ang kamay ko sa leeg niya. Ang akala niya ay hahalikan ko siya ngunit bigla ko siyang tinuhod ang alaga niya sabay sampal.
"Ouch!" sigaw niya.
Taas noo akong naglakad palabas ng bar.
Mabuti 'yan sa iyo.