"Jeyrin! Jeyrin!"
Nagising ako sa yugyog sa balikat ko. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko si Mommy.
"Good morning, Mom."
Jeyrin, tumawag sa akin ang kaibigan mo."
"Sinong kaibigan?" sabi ko. Nakapikit pa rin ang mga mata ko habang nakatakip ang unan. Gusto kong ituloy ang tulog ko kaya hindi ako nag-aksayang bumangon.
"Si Candy, tawag siya nang tawag sa iyo."
Kinapa ko ang phone ko upang tingnan ito.
Nang buksan ko ang phone ko ay nakita kong may ninety one missed calls si Candy. Binuksan ko isa sa text niya sa akin.
"Oh no!"
Napabangon ako nang mabasa ko ang text ni Candy sa akin.
"What happened?" takang tanong ni Mommy.
"Mom, si Rosie nasa hospital."
"Ano?!" Gulat na sabi ni Mommy.
Ang kaninang antok na nararamdaman ko ay napalitan ng labis na pag-aalala kay Rosie.
Tumayo ako at tinawagan ko si Candy.
"Mabuti naman at sinagot mo na ang tawag ko.
"Tulog ako kanina kaya hindi ko nasagot ang tawag mo. Anong nangyari kay Rosie?"
Narinig ko ang buntong-hininga niya.
"Puntahan mo rito si Rosie sa hospital. Nagtangka siyang magpakamatay.
"Ano? Ang akala ko okay na siya kanina? Bago tayo umalis."
"Iyon ang akala ko pero nagulat na lang ako ng tumawag sa akin ang Mommy niya. Hindi ko alam ang isasagot sa Mommy."
"Hintayin mo ako at pupunta ako diyan."
"Okay, hihintayin kita."
Pinutol ko ang tawag ni Candy.
"Anong nangyari?" tanong ni Mommy.
Tumingin ako sa kanya. "Mom, si Rosie nagtangkang magpakamatay."
"Diyos ko! Bakit niya ginawa ang bagay na 'yon? Kumusta na siya ngayon?"
"Nakalimutan kong itanong kay Candy ang kalagayan ngayon ni Rosie. Maliligo lang ako Mommy at dadalawin ko si Rosie."
Tumango si Mommy sa akin. Ako naman ay dumiretso sa banyo. Nagmadali akong maligo upang makarating agad sa hospital.
Pagkalipas ng isang oras ay nakaligo at nakapagbihis na rin ako ng damit.
"Good morning, Dad!" Sabay halik ko sa kanya sa pisngi.
"Where are you going? Kadarating mo pa lang aalis ka na agad?" takang tanong ni Daddy.
Hinawakan ni Mommy ang braso ni Daddy. "Sige na. Umalis ka na ako na ang bahalang magsabi sa Daddy mo kung saan ka pupunta."
Tumango ako. Thanks, Mom."
Humalik ako sa pisngi nila bago ako tuluyang umalis. Halos paliparin ko ang kotse ko sa bilis ng pagpapatakbo ko para lang makarating agad sa hospital. Alam kong ang boyfriend ni Rosie ang dahilan kaya siya nagtangkang magpakamatay.
"Kumusta si Rosie?" tanong ko kay Candy nang salubungin niya ako sa entrance door ng hospital.
"Hindi pa siya nagigising."
"Ano ba ang nangyari bakit naisipan niyang magpakamatay?"
"Doon na lang natin pag-usapan sa loob ang nangyari sa kanya."
Tumango ako. "Okay "
Hindi ko napigilan ang umiyak nang makita ko ang kaibigan namin. Halata sa mukha niya ang matinding lungkot.
"I thought she's okay."
Dahil nasa Amerika ang pamilya ni Rosie. Kaming dalawa ni Candy ang naging pamilya ni Rosie sa Pilipinas.
"Ang akala ko rin ay okay na siya. Ilang linggo natin siyang sinamahan sa mga broken days niya. Ang akala ko naka-move on na siya."
"Bakit naisipan niyang magpakamatay?"
Inabot sa akin ni Candy ang cellphone ni Rosie.
"Basahin mo ang naging conversation nila ng ex-boyfriend niya."
Dahil para na kaming magkapatid. Alam namin ang pin code lock ng phone ng isa't-isa kaya nabuksan namin ito.
Habang binabasa ko ang naging conversation nila ay nakaramdam ako ng inis at galit para sa ex-boyfriend ni Rosie.
"Bakit hindi sinabi sa atin ni Rosie ang ginawa sa kanya ng ex-boyfriend niya?" Nilingon ko pa si Rosie.
"Plano talaga ni Isaac na mahulog ang loob ni Rosie sa kanya para magawa niya ang plano niya. Ang walang hiya na iyon, masyado na bang balakid sa kanila ang maliit na negosyo natin kaya gusto niyang pabagsakin." Nanginginig ang panga ni Candy sa galit.
Basa sa naging usapan ng dalawa. Kung gusto ni Rosie na magtagal ang relasyon nila ay bibitawan niya ang negosyong tinayo naming tatlo. Ngunit hindi pumayag si Rosie sa gusto ni Isaac kaya gumawa ito ng dahilan para saktan niya si Rosie. Ang lakas ng loob nitong ipakita kay Rosie ang pangloloko niya. Nagpakuha siya ng video na may kahalikan sa kuwarto at ipinasa kay Rosie. May nabasa pa kami sa conversation nila na ang bagong girlfriend ng ex- boyfriend ni Rosie ang ka-chat niya. Halos hindi ko maisip kinaya ni Rosie na lunukin ang lahat ng masasamang sinabi nito sa kanya.
"Hindi puwedeng ang kaibigan lang natin ang nahihirapan ngayon."
"Anong iniisip mo?"
"Kailangan nating maghiganti sa ex-boyfriend niya."
"Paano na tayo maghihiganti. Hindi nga natin alam kung anong itsura. Sa video naman na pinadala niya mukha lang ng babae ang nakikita. Wala rin picture ang f*******: niya. Binura na rin siguro ni Rosie ang mga pictures nila. Kahit ang buong pangalan niya ay hindi natin alam."
Bigla kong naisip ang invitation card.
"Hindi ba't may binibigay sa atin na invitation card, nasaan na iyon?"
"Oo nga pala, malapit na pala magdiwang ng kaarawan ang hudas. Baka nandoon pa rin nakalagay sa loob ng bag na ginamit niya."
"Kukunin ko sa condo niya."
"Ako na lang ang kukuha para hindi ka na mapagod."
Tumango ako. "Mag-iingat ka sa pagda-drive." Nagbeso-beso pa kaming dalawa bago siya umalis.
Umupo ako sa gilid ng kama ni Rosie at pinagmasdan ko siya. Dahil lumaki si Rosie sa Amerika at naging liberated siya. Mahilig talaga si Rosie sa nightlife kahit noong college kami kaya marami rin siya naging ka-fling dahil sa pagpunta-punta niya sa bar. Simula nang ibigay ni Rosie sa maling tao ay naging pampalipas oras na lang niya ang pakikipagtalik sa ibang lalaki na matitipuhan niya sa bar. Iyon siguro ang naging dahilan kaya ininsulto si Rosie ng bagong girlfriend ng ex-boyfriend niya. Tumatak kasi sa isip ko ang sinabi ang sinabi sa chat ng babaeng pinalit sa kanya.
Pokpok ka at malandi. Huwag kang umasa na may lalaking magseseryoso sa iyo dahil ang katulad mong babae ay pangkama lang, pampalipas ng oras at pampatanggal ng libog. Hindi katulad mo ang babae na puwedeng iharap sa altar dahil nakakadiri ka. Huwag ka ng umasa na babalikan ka ng boyfriend ko dahil ako na ang mahal niya.
"Kapag nakilala ko ang girlfriend ng ex-boyfriend mo. Manghihiram siya ng mukha sa aso. Magpagaling ka lang diyan kami na ang bahalang maghiganti sa mga taong nanakit sa iyo."
"Isaac Mathew Chen ang pangalan ng boyfriend ni Rosie," sabi ni Candy.
Nakuha na niya ang invitation card namin. Naroon ang kumpletong pangalan ng ex-boyfriend niya.
"Parang may kilala akong Chen din ang apelyido. Hindi ko lang matandaan kung saan ko nakita."
"Search natin sa social media ang pangalan niya," ani Candy.
Tumango ako sa kanya. Ako naman ay hinalungkat ang naging conversation ni Rosie at ang bagong girlfriend ni Rosie. Nakita ko ang real account ng babae sa spam messenger.
"Arianna Gallon pala ang tunay na pangalan ng bagong girlfriend. Nakita ko rin kung saan ito madalas magpunta dahil na rin sa mga public post niya.
"Oh my God!" sambit ni Candy
Lumapit ako sa kanya. "Bakit?"
"Kaya naman pala hindi maka-move on si Rosie. Bigatin pala ang ex-boyfriend niya. Guwapo at daks. Isaac Mathe Chen, Cardiologist Doctor, businessman, model, athletic. Anak siya ni Abraham at Cassandra Chen isa sa Bilyonaryo sa Pilipinas. Tingnan mo ang mo ang pictures niya.
Kinuha ko ang cellphone at pinagmasdan ko ang larawan niya.
"Guwapo nga siya pero hindi ibig sabihin niya ay kailangan niyang manloko at saktan si Rosie pagbabayaran natin silang dalawa."
"Kinakabahan ako sa gagawin mo."
"Hindi tayo papayag na apihin. Kapag dumating ang magulang ni Rosie ay magsisimula na tayong maghiganti."
"Ikaw ang bahala basta naka-suporta ako sa iyo."
Kinabukasan ay dumating ang dating Yaya ni Rosie para magbantay sa kanya pansamantala habang hindi pa dumarating ang magulang niya. Tinawagan daw siya ng magulang ni Rosie para bantayan si Rosie.
"Ngayon na ba tayo maghihiganti sa bagong girlfriend ni Isaac?" tanong ni Candy.
Nasa iisang sasakyan kami at papunta kami sa bar kung saan laging pumupunta ang babae.
"Kinakabahan ako sa gagawin natin baka marami siyang kasama at pagtulungan tayo."
"Relax, hindi tayo magpapatalo sa kanya."
Huminga siya ng malalim. "Basta kahit anong mangyari naka-suporta ako sa iyo."
Pagdating namin sa bar ay hinanap namin si Arianna. Kilala ko ang may ari ng bar na pinupuntahan niya kaya nagawa kong alamin kung saan anong araw siya madalas pumunta sa bar.
"Siya ba iyon?" turo sa akin ni Candy sa babaing sumasayaw sa entablado.
Nagdilim na agad ang paningin ko nang makita ko ang babae.
Kinuha ko ang isang bote ng tequila na binili ko. "Yeah, let's go!"
Pinuntahan namin siya sa stage. Nakikipagsayaw siya sa mga lalaki. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Nilapitan ko siya. "Hi! Ikaw ba si Arianna Gallon?" sabi ko. Sinasabayan ko pa ang tunog ang nakakaindak na musika.
"Yes, gusto mo bang magpa-authograph?" Nakangiti pa siya.
Tumango ako. "Yeah." Binuhos ko sa kanya ang isang bote ma tequila.
Sumigaw siya kaya nabaling ang tingin ng ibang sumasayaw. "How dare you!" Kulang na lang ay kagatin niya ako sa galit.
Nagulat si Candy nang sampalin ko si Arianna ng mag-asawang sampal. Maging ang ibang mga tao ay nagulat sa ginawa ko.
"Kulang pa yan sa ginawa n'yo sa kaibigan ko." Tumalikod ako para umalis ngunit hinila niya ang buhok ko.
"Walang hiya ka! Ang lakas ng loob mong saktan ako."
Hindi ako natakot sa ginawa niya. Sanay na sanay na akong hinihila ang buhok ko ng mga Tita at ni Mommy ang buhok ko. Dumaan din ako sa training ni Tito Clarence Miguel kaya alam na alam ko kung paano makakawala sa ganito.
Inapakan ko ang paa niya at hinawakan ko ang palapulsuhah niya at pinisil ko ito. Sumigaw siya sa sakit. Susuntukin ko sana siya kaya lang baka hindi niya kayanin kaya muli ko na lang siyang sinampal.
"Tandaan mo ang pangalan ko. Jeyrin Heice Santiago." Pailalim ko siyang tinitigan saka taas noo akong umalis.
Binigyan kami ng daan ng mga tao hanggang makaalis kami ni Candy.
"Grabe! Iba talaga kapag may kamag-anak na mafia. Kinakatakutan," ani Candy.
"Si Isaac Mathew naman ang isusunod natin."