"Good morning!" bati sa akin ni Isaac nang magising ako. Tinitigan ko siya ng matalim. "Bakit nandito ka pa?" tanong ko sa kanya. Ang alam ko kasi ngayong araw siya babalik ng Manila para ipagpatuloy ang trabaho bilang Doktor. Sa estado ng buhay niya puwedeng hindi na siya magtrabaho sa mga ospital dahil mayaman naman ito. Ngunit dahil may sinumpaan siyang tungkulin kaya pinagpapatuloy pa rin niya ang pagiging Doktor. Umupo siya sa gilid ng kama at lumapit sa akin para halikan ako. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya. Hindi dahil sa ayoko ang ginagawa niya kung hindi dahil bagong gising lang ako at siguradong bad breath pa ako. "Ma-miss kita." Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung nakikita niya ang pamumula ng mukha ko pero ramdam kong nag-iinit ang mukha ko. "U