Dahan-dahan kong inaalis ang kamay ni Isaac sa dibdib ko upang takasan siya. Ilang araw na akong kasama siya pero hanggang ngayon ay hindi ko pa alam kung saan niya ako dinala. Halos hindi ako huminga nang alisin ko ang kamay niya. Nang tuluyan ko ng maalis ay tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Nakasuot lang ako roba at wala kahit suot na pang-ilalim. "Kailangan ko ng susi ng kotse." Imbes na bumalik ako sa kuwarto para kunin ang susi ng sasakyan ay pinuntahan ko pa rin ang garahe. "s**t! Paano ko ito mabubuksan?" Inis kong sabi. Sinubukan ko na kasing buksan gamit ang alambre tulad nang nakikita ko sa palabas ngunit hindi ito mabuksan. "Ma'am ano po ang ginagawa n'yo?" Bigla akong umatras at tumingin sa katulong ni Isaac. Nakita ko siyang may hawak na walis marahil ay naglilinis n