"So, si Isaac ang Doktor ng Lolo mo?" wika ni Daddy nang nag-video call kami. Hindi na ako bumalik sa hospital nang malaman kong si Isaac ang Doktor ni Lolo. Kaya napilitan si Lolo na iba ang magbabantay sa kanya ngayong gabi. Imbes na sa mansyon ako ng Lolo ko ako umuwi ay umuwi ako sa condo ng isa sa pinsan ko. Ayokong umuwi sa condo ko dahil marami kaming alaala ni Isaac doon. Sumimangot. "Ang daming Doktor sa buong mundo bakit si Isaac pa!" "Maybe, destiny has made way for the two of you to meet again. You need to talk to each other to clarify why he ran into your wedding. Malay mo naman may mabigat siyang dahilan kaya siya tumakbo." "Dad, aren't you mad at Isaac anymore?" "Why would I get mad? It will only damage my health if I am still angry with him. Five years have passed, an