"Ouch!" Napahawak ako sa ulo ko nang magising ako ng alas-dos na ng hapon. Halos sixteen hours na akong tulog mula nang mawalan ako ng malay dahil sa kalasingan. Tulad ng laging ginagawa ng mga staff nila Tita ay dinadala nila ako sa silid na nasa ground floor ng Arristokrata bar. "Mabuti naman at nagising ka na?" Nakataas ang kilay ni Tita Jhoace. Kulang na lang ay lunukin niya ako ng buhay. Naka-cross arms ang mga paa niya habang nakaupo siya sa kulay puting sofa. "Good morning, Tita." Kunwari ay hindi ko narinig ang sinabi niya sa akin. Kinabahan ako nang lumapit siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong takpan. Ang ulo, tenga o buhok ko. Parang si Jackie Chan sa bilis dumapo ng kamay niya sa parte ng katawan ko. "T-Tita.. Ouch!" "Bruha ka! Kailan ka pa naging lasengg