"Magpahinga ka muna ako na ang bahala sa Lolo mo," sabi ni Lola nang dumating siya para pumalit sa akin sa pagbabantay kay Lolo. Tumango ako. "Thank you, Lola. If there's any problem just call me, okay." Tumango siya sa akin. "Sure! Ingat sa pagda-drive." Sabay halik niya sa pisngi ko. Sinuot ko shades ko habang naglalakad ako palabas ng hospital. Habang naglalakad ako ay may biglang bumangga sa akin. "Ouch!" Inis kong sabi. Muntik na akong matumba sa kapabayaan niya. "I'm sorry, I didn't mean to do it." Yumuko siya habang humihingi ng sorry sa akin. Nang tingnan ko siya ay nagdilim ang paningin ko. Hindi ko inaasahan na muling magtatagpo ang landas namin ni Christine. Mabuti na lang at nakasuot ako ng shades hindi niya ako makikilala. "Next time, tumingin ka sa dinadaanan mo!" Pa