"Jeyrin…
Natulala ako nang pagbukas ko ng condo ko ay bumungad sa akin si Mommy at Daddy na nasa loob ng condo unit ko. Hindi na ako magtataka kung labas-pasok sila sa condo ko. Alam kasi nila ang code ng condo ko.
"Bakit kayo nandito?"
"Hindi ka na umuuwi ng mansyon natin kaya naisipan namin na kami ang bumisita sa iyo rito." Lumapit sa akin si Mommy at sinuklay niya ang buhok ko. "Galit ka pa rin ba sa amin ng Daddy mo?"
Umiling ako. "Bakit naman ako magagalit sa inyo?"
"Dahil nagdesisyon kami na ipakasal ka sa tao na hindi mo gusto," wika ni Mommy.
"Iyon lang ba ang pinunta n'yo rito? Hindi ko naman inisip ang bagay na iyon. I'm sorry kung nag-isip kayo ng hindi maganda pero wala sa akin iyon."
"Kung gano'n sumama ka sa amin ng Mommy mo," wika ni Daddy.
Umangat ang kanang kilay ko. "Where are we going?"
Hindi sila umimik dalawa sa halip ay sumunod ako sa kanila. Sumakay kami ng kotse at huminto kami sa isang sikat na hotel.
"Anong ginagawa natin dito?" tanong ko .
Ngumiti si Mommy. "Libre natin ang sarili natin," sabi ni Mommy.
Hinayaan ko silang mag-order ng pagkain naming tatlo.
"Mommy, sana hindi n'yo na ako pinuntahan ni Daddy sa condo ko. Nasayang ang oras n'yo tuloy sa akin."
"Nag-aalala lang kami na baka galit ka kaya nag-desisyon kang puntahan ka na lang," sagot ni Mommy.
Tumingin ako sa kanilang dalawa. "Ayoko lang na napapagod kayo dahil sa akin."
Ngumiti sila. "Thank you, anak," sagot nila.
Nang matapos kaming kumain ay tinawagan ko naman ang mga kaibigan ko para sa restaurant na ito kami magkita-kita.
"What is that?" Nakaangat pa ang kilay kong nakatingin sa hawak ni Rosie.
Isang kulay itim na maliit na card na may ribbon na kulay ginto. Ang inilapag ni Rosie sa lamesa. Nakangiti siya sa aming dalawa ni Candy.
"Invitation ba 'yan o listahan ng utang?" tanong ni Candy.
Magkasama kami ngayong tatlo para i-report ang naging income ng negosyo namin ngayon. Kahit mahilig sa party ang dalawa kong kaibigan maasahan naman ang mga ito pagdating sa negosyo.
Sumimangot si Rosie. "Gaga! Invitation card 'yan galing sa boyfriend mo ko." Ngumiti siya nang banggitin niya ang boyfriend niya.
"Sino ba ang boyfriend mo?"
Ilang beses ko ng naririnig sa kanya ang boyfriend niya. Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ipinakilala sa amin.
"Makikilala n'yo na rin sa birthday niya."
"Bakit naman ako pupunta sa birthday ng hindi ko kilala?" Prangka na sagot ko.
"Tama si Jeyrin. Ikaw na lang ang pumunta sa birthday ng boyfriend mo," ani Candy.
Kinuha niya ang invitation card at inilagay niyang muli sa bag niya. "Okay, hindi ko muna ibibigay sa iyo ito kapag malapit na ang birthday niya."
Pinagmasdan ni Rosie ang dokumento na nakapatong sa table. "I think kailangan na natin magtayo ng bagong branch."
Sabay pa kaming nagtataas ng kilay ni Candy.
"Are you serious?" tanong ni Candy.
Tumango-tango si Rosie. "It's time na siguro para i-upgrade ang small business natin. May mga sapat na ipon naman tayo para makapagpatayo ng bagong kumpanya."
Tumawa ako. "Sana okay ka lang sa mga sinasabi mo. Paano mo naman natin gagawin iyon? Hindi madaling maghanap ng investor na handang mag-invest sa atin. Huwag tayong magpadalos-dalos sa gagawin natin pag-isipan natin maigi ang mga plano natin," mahabang paliwanag ko.
Tama si Jeyrin. "Huwag muna 'yan ang unahin natin. Gawin mo muna natin palaguin ang business natin ngayon. Kailangan natin gumawa ng mga bagong design na wedding gown," ani Candy.
Tumango kami ni Rosie bilang pagsang-ayon.
Habang nakikinig ako sa sinasabi ni Rosie ay nilalatakan ko naman ang mga in-order naming pagkain.
"Girls, help me."
Kinilabutan ako nang marinig ko ang boses ni Rosie na iyak nang iyak. Minsan ko lang nakita si Rosie na umiiyak ng sobra.
Bumangon ako sa higaan. Kanina lang ay magkasama kaming tatlo na nag-uusap. "Anong nangyari? Where are you?"
"M-Masyado na ba akong masama para iparamdam sa akin na hindi ako karapat-dapat na maging masaya?"
"Hey! Rosie, where are you. Bakit ka umiiyak?"
"Gusto ko ng magpakamatay."
"Tumigil ka! Huwag na huwag mong gagawin 'yan. Hindi 'yan ang solusyon sa problema. Nasaan ka ngayon pupuntahan kita."
"Jeyrin, ang sakit-sakit minahal ko siya ng sobra bakit kailangan niya akong saktan."
"Sino ba ang nanakit sa iyo? Ang boyfriend mo ba? Nasaan ka ba pag-usapan natin 'yan."
"I want to die," sabay hagulgol niya ng iyak. Naputol ang tawag niya. Sinubukan ko siyang tawagan ngunit hindi na niya sinagot. Natakot ako sa maaring gawin ni Rosie. Ganitong-ganito siya noong na broken hearted siya sa unang lalaking minahal niya na inalayan niya ng sarili noon. Halos magpakamatay na rin siya.
Nakasuot lang ako ng panjama nang sumakay ako ng kotse. Hindi na rin ako nakapagsuot ng bra sa kamamadali. Pinaharurot ko ang kotse ko papunta sa condo unit habang sinusubukan ko naman tawagan si Candy..
"s**t! Bakit ba ayaw sagutin ng bruha na iyon."
Hindi ko tinigilan ang pagpapa-ring sa phone ni Candy at Rosie hanggang sa makarating ako ng condo ni Rosie. Nasa pinto pa lang ako ay rinig ko na si Rosie na nagwawala. Mabuti na lang at hindi pa pinapalitan ni Rosie ang pass code niya kaya nabuksan ko ang pinto. Nakita ko si Candy na pinipigilan si Rosie sa mga hakbang na gagawin niya. Tumakbo ako palapit sa kanila at kinuha nag bote na inagaw ni Candy.
"Anong nangyayari sa iyo? Bakit ka ba nagkakaganyan niyan? Kanina lang maayos ka pa nang maghiwalay tayong tatlo.
Tumingin si Rosie sa amin at saka humagulgol ng iyak. "Girls, nakita ko ang boyfriend kong si Isaac na may kasamang babae sa condo niya." Humagulgol siya ng iyak.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Candy.
"Hayaan mo siya kung may iba siyang babae. Hiwalayan mo siya hindi dapat iniiyakan ang mga lalaking manloloko," ani Candy
"Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya."
"Huwag mong sayangin ang sarili mo dahil sa kanya. Sa ginagawa mo mas lalo mo siyang binibigyan ng karapatan na saktan ka niya," sabi ko.
Humiga sa sahig si Rosie at umiyak nang umiyak. Lahat ginawa namin ni Candy para pakalmahin si Rosie. Kahit siraulo si Rosie. Naawa pa rin kami sa kanya dahil sa pangalawang pagkakataon niyang umibig at magtiwala ay nasaktan ulit siya.
Hays! Kaya ayokong magmahal masasaktan ka lang.