Naging boring ang mga sumusunod na araw ni Lyka nang matapos ang lahat ng trahedya sa kanyang buhay. Madalas na rin siyang bisitahin ni Chris sa apartment niya matapos makalabas mula sa ospital. Dinadalhan siya nito ng mga pagkain araw-araw, maging stock na pagkain sa loob ng kanyang refrigerator. Medyo nao-awkward na nga rin siya sa ikinikilos ng lalaki ngunit isinantabi na lang niya ang mga iyon dahil alam niya sa sariling nagugustuhan niya ang pakikitungo ng binata. Minsan pa'y bigla-bigla itong kumakatok nang madaling-araw para lang manood ng movie sa DVD player niya. At dahil tuwang-tuwa naman ang kanyang best friend na si Ricky ay wala siyang magawa kundi ang paunlakan ang request ng binata. Umabot na nang hapon ay hindi pa rin dinadatnan ng antok ang dalaga mula pa kagabi no