I sat by the front door of my condo with knees folded and back leaned against the wall. I'm wearing a charcoal bl*ck motorcycle jacket over a white top with blue jeans and a pair of sneakers. Naka-ready na ko para sa lakad ko ngayong araw pero parang may kung anong bigat na pumipigil sa mga paa ko para hindi tumuloy.
Chubs followed me all the way here. He jumped on my lap, squishing his tiny self there before he had snuggled into a warm and comfortable position. Great. Ngayon mas nagdadalawang isip na ko tumuloy.
I sat there for awhile, thinking about the news Dr. Romualdo told us about on the assembly this week. Ayon sa kanya, may associate ang Chairman ng Highland Medicenter na magsu-sponsor ng medical missions sa iba't-ibang lugar sa bansa.
My initial reaction of course is gusto ko. After all, ang bestfriend ko nasa ibang bansa na at nagvo-volunteer kung saan-saan. I want to join her soon. Sa ngayon, locally muna ako mag-uumpisa. Although, despite the hospital being understaffed, gusto ng Chairman na 20 doctors ang magpa-participate sa medical mission.
Me and my fellow doctors think that the decision will compromise the quality of our health care services, pero dahil businessman si Chairman at marami pang ibang negosyo na hinahawakan, siguro ay 'yung relationship niya lang sa business companion niya ang binigyan niyang halaga. Or is it? I'm not sure. I know nothing about the corporate industry.
"Chubs, I'm sorry I have to go." paalam ko sa alagang pusa na nakatulog na sa kandungan ko.
Binuhat ko siya at nilipat sa heated house nest niya. There, he curled up into a ball of fur and continued his slumber. Noticing the toy basket beside his relevantly small house, I realized that I haven't given him a toy last month. I should buy something for him today.
Taking my wallet, car keys, and shoulder bag with me, I then went to the parking space to be on my way to the city where everything started— Antipolo.
I usually cook my own breakfast because it's healthier that way. Unfortunately, I procrastinated right after getting up from bed so I didn't have time to prepare my own food. Dadaan sana ako sa drive thru pero sarado pa lahat ng establishments na meron kaya nag-settle na lang ako na pumasok sa fast-food na bukas na para bumili.
"I'll have a hash brown, a cheesy bacon flat bread, and a black coffee." order ko sa cashier habang hinahanap sa wallet ang bank card ko.
"Pa-add na lang ng fruit and yogurt parfait." a guy behind me slipped past me and slid his cash p*****t onto the register, paying for the both of us.
Nang lingunin ko 'to ay nakita ko si Yvon, diretso lang ang tingin sa fast-food staff na kinukumpirma ang order namin. From this angle up close you'll see how sharp his jawline and how excruciatingly perfect his side profile is. And now that his hair is down, I can't help but notice that he indeed look athletic and young. G*d really has his favorites.
"Na-discharge na ko sa hospital. Here outside we're no longer doctor and patient, siguro naman pwede na kita kausapin," he said upon taking his change from the cashier.
"Usap lang."
"Kung disappointed ka pwede namang hindi lang usap ang gawin natin."
Sinamaan ko siya ng tingin. Natawa naman siya. Naghanap ako ng paper bill sa wallet ko at nang makakuha ay tinampal 'yon sa pisngi niya. Napaawang ang mga labi niya sa gulat.
"I changed my mind. Kahit usap, ayoko na." Dinakma ko sa counter ang order ko at saka ako nagmartsa palabas ng fast-food chain.
Kaya siguro ayaw kong tumuloy kanina dahil mamalasin ako. I knew it!
I furiously went inside my car. Pagkalapag ko ng paper bag sa passenger seat ay binuhay ko agad ang makina ng kotse at minaniobra 'yon palabas ng parking space.
Kumalma lang ako nang makaharurot na palayo. Why is that guy everywhere? May naka-implant ba sa'king tracking device kaya nahahanap niya ko? He's a total creep. Sa susunod na magkita kami ipapapulis ko na siya, he definitely is stalking me!
The engine of my car suddenly died and my speed came into a complete halt. Tinry kong i-start ang makina pero bago pa ko makatapak sa accelerator ay namamatay lang 'yon uli.
"What did just happen?"
Nag-umpisa nang bumusina ang hanay ng sasakyan na nakasunod sa'kin kaya nagmamadali akong bumaba. I checked my wristwatch and I was right to assume that it's already 7 in the morning; rush hour and I'm causing a traffic.
Atubili kong binuksan ang hood ng kotse para tingnan kung anong problema, not that I know, pero nasulasok ako sa itim na usok na binuga ng car engine.
Hindi ako marunong kahit basic lang ng pagmemekaniko kaya hindi ko alam ang gagawin. 'Di rin nakatulong ang nakabibinging busina ng mga motorista na nauubusan na ng pasensya sa abalang nagawa ko. Lalo na 'tong nasa likod ko, sinasadya niya talagang panggigilan ang horn button niya para i-pressure ako. Nakaangat pa ang cellphone niya sa gawi ko; he's recording me.
I was about to reach for my phone to call Karina and to ask her for help when Yvon suddenly came to my rescue. Nagulat ako nang kalampagin niya ang hood ng kasunod kong kotse.
"You're harassing her. Hindi mo ba alam na noise polution 'yang ginagawa mo? And if I see that video of you stealing glances of her bosom, babalikan kita. I've took note of your plate number. You'll never get away with this," Yvon chastised. The driver in fear of him eventually stopped spamming his car horn, he took his phone down, too.
Hindi ko alam na nababastos na pala ako. Nahiya ako at inayos ang white tops ko. Disente ang damit ko pero may kanipisan dahil nakasuot naman ako ng jacket. Nasisilip siguro ang dibdib ko kanina no'ng nakayuko ako para silipin ang ilalim ng kotse.
Yvon pulled me by the hand. He crossed the street, taking me to the safest part of the sidewalk.
"Do you have a roadside assistance plan?" he asked, attentive and in a hurry.
Umiling agad ako, nag-aalala na baka magkaproblema ako lalo dahil wala akong gano'n.
"Alright, ako nang bahala. Magpahinga ka muna rito sa lilim, mainit na ang araw baka pagpawisan ka." saad niya, maalagang inipit sa tainga ko ang mga hibla ng buhok na kumawala roon dahil sa stress kanina.
Binalikan ni Yvon ang kotse ko. Nagtawag siya ng baranggay tanod na tumulong sa kanya pagalawin ang stuck na trapiko. He's being so reliable it softens me to the core. Although, I feel guilty at the same time because I pushed him way too hard earlier on.
Upon him and the tanod's help, the vehicles smoothly drove past my broke down car and soon enough to my relief, the traffic on the highway finally cleared up. I gotta give it to him. Yvon saved the day.
TUMULOY AKO sa Antipolo kahit nasira ang kotse ko. I was initially planning to book a cab but Yvon insisted to be my chaperone and to drive me to wherever I need to go today. Pagkatapos ng tulong niya sa'kin ay hindi ko na siya kayang tanggihan. Anyway, sasamahan niya lang naman ako. Nothing can possibly go wrong with that, right?
"Pina-tow ko na 'yung kotse mo." imporma niya sa'kin habang nagda-drive. "Dadalhin nila 'yon sa mga kaibigan kong mechanic. Sila na ang bahalang mag-repair. Wala ka nang gagawin, kukunin mo na lang after 12 days."
"Thank you. I'll pay them promptly with extra."
"Yeah, alangang ako ang magbayad?"
I gave him a side eye. "Hindi naman ako naga-assume na babayaran mo. Ang sabi ko babayaran ko agad. It's basic Filipino."
He chuckled. "Biro lang. It's settled, Sungit."
"Bakit mo ba ko pinangungunahan?" I turned to him. "Akala niyong mga lalaki gentleman kayo kapag ginagawa 'yan? No. Women work too, hence, has the ability to pay as much or even better than you men. 'Wag mo na 'tong uulitin."
Dalawang beses siyang nagnakaw sa'kin ng sulyap habang pinipilit mag-focus sa kalsada. My reaction probably bothered him. Napadila siya sa labi at napahigpit ng kapit sa steering wheel.
"Ginawa ko 'yon dahil ayoko ng may iba ka pang inaalala kapag ako ang kasama mo. I'm sorry kung na-offend kita. A woman with an ego like you is unusual."
"You're just not used to handling one. Sanay kasi kayong mga lalaki na kayo lang ang may ego. You took that word and owned it."
He clicked his tongue. "Ang laki naman yata ng galit mo sa mga lalaki? Hindi naman kami pare-pareho. Like the rest of humanity we're built different."
"Sure," I scoffed.
He smilingly bit his lips, satisfied with what he thought was me dismissing the argument.
"Pero majority of you men are as*hole."
Tinapakan niya ang brake pedal at halos sumubsob ako sa bigla naming pagtigil.
"Okay, what the hell is wrong with you?"
"What the hell is wrong with you! Bakit ka nagbe-brake bigla?" inis kong tanong pabalik.
Tumuro siya sa car window at do'n ko lang napansin na nandito na pala kami sa ancestral house ng pamilya ko— ang bahay kung saan ako lumaki at kung saan nakatira sina Mamá at Papá, mga kapatid ko, at ilang kamag-anak na nasa compound din ng mga Montalvo.
"I'll get going." paalam ko kay Yvon.
Kinalas ko ang seatbelt ko at saka kinuha ang shoulder bag ko sa backseat pati na ang pasalubong na cake para sa pamilyang bibisitahin.
"Iiwan mo ko dito?" Yvon resembled a clingy puppy hopeful that I would say no.
"Yes, kung gusto mo mauna ka na at magta-taxi na lang ako pauwi. Hindi ka pwedeng sumama sa loob, baka kung anong isipin nina Mamá kapag nakita ka."
"Anong iisipin nila?" he probed.
"Na boyfriend kita?"
"Edi sabihin mong oo para wala nang poporma sa'yo."
Pinaningkitan ko siya. "Binabakuran mo ba ko?"
"Kung oo, magpapabakod ka ba?" he bantered.
I was stunned for a moment when the sunlight filtered by the car's windscreen worshiped Yvon's flawless masculinity. He has such fair skin. Pati leeg at collar bone niya na hayag sa suot niyang v-neck shirt ay namumula sa paghalik ng araw.
"Kung property ako na binibili mo sa mga panlilibre na 'yan, hindi mo pa ko pag-aari kaya hindi mo ko pwede bakuran, Yvon."
"Hindi pa. Kung gano'n may chance."
Binuksan ko na ang pinto ng shotgun seat. "Chance na ano, pumayag akong makipag-s*x uli sa'yo? I told you that was a one time mistake. You're wasting your time. Mabuti pa maghanap ka na lang ibang babae na papayag agad sa gusto mo, okay? Umuwi ka na."
Bumaba ako sa kotse at sinara na ang pinto nang hindi siya nililingon. Oras ang pinakaimportante sa'ming mga doktor. I have none to spare for Yvon's s****l thirst. Sa susunod na gagawin ko 'yon ay sa taong makakasama ko na habang buhay.
Lumakad ako papunta sa malawak na gate ng Montalvo residence. Sementado na ang kalsada pero sa kabilang bahagi ng fence ay lupa pa rin. Pagpindot ko sa doorbell ay sumilip ako sa loob. May pathway roon na maghahatid sayo sa entrada ng enggrandeng ancestral house ng pamilya.
Na-renovate na ang bahay kaya ang style ng 1st floor ay Spanish villa na gawa sa bricks. Ang 2nd floor naman ay nanatiling classic ang design na mas pinaganda at pinatibay lang sa paggamit ng oak tree. Beyond the ancestral house is where the rest of my relatives live.
Walang lumabas sa bahay kaya tatlong beses pa ko nag-doorbell. Baka kasi hindi nila narinig. Naghintay pa ko ng ilang saglit bago matanawan si Papá na pababa na sa hagdan para puntahan ako sa gate.
He looks older compared to the last time I saw him. Kapansin-pansin na rin ang hirap niya sa paghakbang. He kept touching the joint connecting his quadruceps and gastrocnemius muscles; sigurado akong may rheumatoid arthritis na siya.
Pagbukas niya ng gate ay nakaramdam ako ng kaba dahil walang ngiti na sumilay sa mga labi niya. Hindi ko alam kung saan magsisimula kaya pinili ko na lang muna magbigay galang.
"Mano po, Papá." Inabot ko ang kamay niya pero mabilis niya 'yong binawi mula sa'kin.
"Anong ginagawa mo rito?"
I felt uneasy. Bigla kong naramdaman ang bigat ng bag at cake na dala ko. "Binibisita po kayo, Papá. Si Mamá po? Si Alexa?"
"Nagpapahinga ang Mamá mo at masama ang pakiramdam niya. Ang kapatid mo nasa dormitoryo ng unibersidad niya. No'ng nakaraang taon pa siya nando'n, pinaalis ko na rito para malayo sa kababuyang nagawa mo noon."
Napakuyom ako ng palad. Nang makita niya 'yon ay nagsalubong ang kilay niya kaya agad rin akong nag-ayos ng sarili.
"Mabuti kung mas makakapag-aral si Alexa ro'n ng maayos, Papá. Si Mamá po anong sakit? Kung makikita ko siya mas mapapabilis ang paggaling niya."
Nagtangka akong pumasok pero hinawakan ni Papá ang gate pasara para hindi ako makadaan. Naipit ang isang paa ko kaya napakislot din ako sa sakit.
"Hindi ka pwede pumasok. Sasama lang ang pakiramdam ng Mamá mo lalo. Kapag nakita ka niya manunumbalik lang ang kamalasan at kahihiyan na dinala mo sa pamilya."
"Pa, ang tagal na no'n. Gusto ko lang malaman ang kalagayan ni Mamá at b-baka mapagaling ko siya. Para saan pa ang pagiging doktor ko kung hindi ko siya matutulungan sa iniindi niya? Kayo rin, Papá. Nakita ko hirap na kayo maglakad at—"
"Ayan, ang laki ng ulo mo dahil may narating ka na. Bakit hindi mo na lang sabihin na nagpunta ka rito para lang magmalaki, huh?"
"Hindi. Hindi po ako nagmamalaki." nagmamakaawa kong kinuha ang kamay niya. Binabawi niya 'yon pero hindi ko siya pinakawalan. "Gusto ko lang kayo puntahan kasi pamilya ko kayo. Limang taon na tayo hindi nagkikita-kita. Hindi man lang ba kayo nag-aalala sa'kin? Anak mo rin ako, Papá."
"Wala akong anak na lesbiana!" Tinabig niya ko at sa lakas no'n ay bumuwal ako sa aspalto.
Kaya ko ang pamimisikal niya pero ang sakit ng mga salita niya ay hindi. Akala ko sanay na ko at handa nang bumalik dito pero mukhang hindi pa pala.
"Hindi lang ikaw ang doktor sa Pilipinas, Calixta. Hinding-hindi ka kakailanganin ng pamilyang ito kaya umalis ka na at 'wag nang babalik pa."