Chapter 6

2204 Words
My hand balled to a fist, grasping the dirt of the ground where he had pushed me. At this very spot 5 years ago, my clothes and belongings were threw out of the house. Naiwan ako ritong naghihintay umulan man o umaraw para pagbuksan nila. I refuse to do this the way I did before. Imbis na tingalain ko si Papá ay tumayo ako at hinarap siya mata sa mata. Ang dami kong paghihirap para maging deserving na makatayo uli sa lugar na 'to. I can't let it end like this. "Ginawa ko ang sinabi niyo, Papá. Lumayo ako, nagbago, at nagsikap para maging anak na maipagmamalaki niyo. L-Look at me, I am even hailed as a celebrity doctor now. Wala nang nag-iisip na minsan sa buhay ko nagawa ko ang pagkakamaling 'yon." "Anong magagawa ng kasikatang 'yan tinapak-tapakan na tayo nina Don Primo? Maibabalik ba niyan ang mga ari-arian natin? Ang dignidad ko bilang patriyarka ng mga Montalvo? O ang buhay ng kapatid mo?" he contended stone-cold. "Kulang pa rin ba, Papá? Anong dapat kong gawin para tanggapin niyo ko uli? Hindi ko maibabalik si Kuya p-pero babawiin ko ang properties natin, ibabalik ko kayo sa katungkulan, ako nang bahala sa lahat—" "Umalis ka na, Calixta. Wala ka nang pamilya," pinal niyang sagot. Nawalan ng buhay ang mata niya na kanina ay nagbabaga sa galit. Mas masakit pala kapag ganito. Kung tingnan niya ko parang hindi siya nakatingin sa sarili niyang dugo at laman. He almost shut the gate on my face if I hadn't stopped him. "M-May medical mission kami, Papá. Baka ma-stationed ako sa Cotaba." tukoy ko sa lugar na nasa balita kamakailan lang dahil sa crime rate. "Mas malayo ka sa'min, mas maigi." I wanted him to say something about it. I needed him to care about me. Hindi ko alam kung pa'no pero naitago ko pa rin ang sakit sa likod ng maaliwalas na ngiti. "Sige, Papá. Pakibigay na lang 'tong cake kay Mamá, kahit 'wag niyo na pong sabihin na sa'kin galing. Favorite niya kasi 'tong sunny lemon cheesecake." Inabot ko sa kanya ang clear cake box pero binagsakan niya lang ako ng gate pasara. Ngayon lang lumaya ang luha na kanina pa nangingilid sa mga mata ko. I waited all these years for what I thought would be a loving reunion. Jokes on me for hoping that it'd would even happen. I am without a lover and a family. Kasabay ng hirap ko na buhayin ang sarili at the age of 19, nawalan ako hindi lang ng kuya kundi pati ng pamilya na kasama ko sana noon sa pagluluksa. How can they leave their daughter to rot? I, too, was miserable. Pinunasan ko ang luha habang naglalakad na ko paalis. Ayokong nakakaramdam ng sama ng loob sa parents ko. Hindi 'yon tama. Napadaan ako sa playground na malapit lang sa bahay namin. Mabundok sa Rizal kaya ang mismong ancestral house namin ay nakatayo sa burol. Umakyat ako sa tuktok lagpas sa playground. Doon, nakita ko ang luntiang lupain na ekta-ektarya ang lawak. Sa tabi ko ay may malaking puno na nasasabitan ng wooden porch swing. Namasdan ko ang imahe ng mas batang Calixta na nakikipagkita sa panganay ng mga De La Sierra. Nanumbalik sa'kin kung paano kami patagong nagkikita pagkatapos ng classes namin, siya sa highschool at ako sa college. "Why did you come up here?" nabosesan ko si Yvon mula sa likod. "Ito ang paborito kong lugar sa buong mundo." Upon the successful hike, he stood beside me mesmerized by the fresh green meadow beneath us. The colors of the wildflowers there vary from peach, pastel blue, yellow, and lilac. If the paradise of Eden exists, this would be it. "Hindi ba natin kakainin 'yan?" Nagtaka ako at napatingin sa kanya. "Ang alin?" "Yung cake. Kung ayaw ng Papá mo ako nang uubos niyan." although he tried to be gentle with me, his voice had failed to hide the subdued displeasure in it. "Pa'no mo nalamang ayaw niya?" "Nakita ko," he simply answered, taking the cake box from my hand. He sat on a large rock with one leg folded and the other straightened to support his body weight. Maingat niyang tinanggal ang ribbon at binuksan ang box. I can tell he's being sympathetic. "Ililibre na lang kita 'wag mo na kainin, Yvon. Hindi na equally distributed ang tamis niyan dahil kumalat na 'yung icing sa gilid." "Dahil tinulak ka niya," he muttered low in dissatisfaction. "Nakita mo nga. Pa'no? 'Di ba sabi ko kanina umuwi ka na?" "Hinatid kita. You can't expect me to leave just because you told me to. Walang lalaking gagawa no'n. Isa pa, hindi ko intensyon na makinig. Nagkataon lang na may sinagot ang tawag kaya ako lumabas ng kotse." Malalim akong napabuntong hininga. "Fine, pero kalimutan mo na lang lahat ng nakita mo kanina. Hindi mo ko kailangang kaawaan kaya akin na 'yang cake. Gusto mo lang naman 'yan kainin so I wouldn't feel bad about my father not taking it." Tinangka kong agawin sa kanya ang cake pero mabilis niya 'yong nailayo. "Hindi niya tinanggap kaya sorry siya akin na 'to," aniya. Kinuha niya ang Swiss knife sa back pocket ng jeans niya at ginamit 'yon pang slice sa sunny lemon cheesecake. It's not the most hygienic practice but he chomped a mouthful portion of the cake cut up. He ate it silently, savoring the tangy flavor of each bite. I was moved to tears. How can he eat that so happily but my father can't? "You're a brave woman. You deserve no less than the best," he professed. "I agree with you now." I sniffed. "With what?" "That men are as*hole." Napangiti ako sa sinabi niya. We stayed at the hill for awhile, making the most of the upland view. Pagkatapos niyang kumain ay nagpaalam siya saglit para bumili ng lunch. Pagbalik niya ay may dala na siyang paper bags sa isang fastfood at isa from a convenience store. "Bakit meron nito?" Sinamaan ko siya ng tingin habang hawak ko ang can ng Heineken. "It's not like what you think, Calixta." "Anong hindi? It's highschool knowledge. 'Pag may alak may balak." "I probably am a b*stard but I won't do it at a time like this. Binili ko 'yan para makapag-destress ka. Isn't that what adults do?" Huminga ako ng malalim at diniretso na siya. "Narinig mo naman kung bakit galit sa'kin si Papá, 'di ba? Babae ang gusto ko." Nagsalubong ang kilay niya. "Hindi ko narinig lahat. Ganyan ka kadesperado na itaboy ako talagang magsisinungaling ka pa?" "Ano? I'm not lying! Sa babae nga ako nagkagusto kaya galit na galit sa'kin si Papá." nakatanga lang siya sa'kin kaya nagpatuloy ako. "Picture ni Vanessa 'yung nasa cellphone ko kaya ayokong mawala 'yon. Dito kami sa lugar na 'to nagkikita nang patago bago kami mahuli at pagbawalan ng pamilya ng isa't-isa na magkita. Hindi ako komportable sa mga lalaki. All my life they've been hurting me. Ayoko sa kanila." Napasalat siya sa labi na hindi niya napigilan ang pagkurba. Kahit ang mga mata niya ay kumislap sa kapilyuhan. "What's so funny?" ako naman ang nainis. "Bakit ka nag-doctor? May potential ka maging writer sa likot ng imagination mo." he laughed. "Hindi ako gumagawa ng kwento, totoo ang sinasabi ko!" "Kung babae ang gusto mo bakit naging boyfriend mo 'yung actor?" "Gusto ko ituwid 'yung sarili ko." I bow my head down in embarrassment. I can't believe I'm telling him this. He playfully rested his cheek on his palm, showing amusement by my awkwardness and discomfort. Nakakainis parang sinugo ng demonyo para pagtripan ako! I would love it if I can strip that smile off his face with a scalpel blade. "I'm sorry I'll stop." pinigil niya na ang pagngiti. "Calixta, kahit kasi bata hindi maniniwala sa sinasabi mo. Your tact and poise is one thing but look at you, your gracefulness and elegance emanates femininity." "But—" "You can stop lying now. Hindi ko na ipipilit kung ayaw mo talaga. I can still be a man without sex." I CARRIED on with my life after that day. PM ako uli at panay pa rin ang straight duty dahil kulang kami sa physicians. Tonight, there was a car accident nearby involving a delivery truck and a motorcycle. Both drivers and their passengers were rushed to our hospital as it was the closest to the crash site. It was an extremely awful night for us who are on duty in the emergency room. Blood has splattered everywhere, we were all going back and forth trying to tend everyone, and there's this one patient whose skull was crushed like seashell you can barely recognize his face. Soon, the family members who have already been contacted came rushing to the ER. Inayos ko ang pagkakasuot ng surgical mask at napahigpit ang pisil do'n. Nakakadurog ng puso marinig ang pagtangis nila habang tinatawag ang pangalan ng mga kaanak na nag-aagaw buhay sa hospital cot. Two patients are stable whilst the passenger of the motorcycle is in uncertain prognosis breaking several bone in her body and suffering from major complications. Time is running for this patient who seems to still be underaged. "Doc.," usal ng nurse na kasama kong nag-aasikaso sa patient na yupi ang kalahating mukha. Hindi pa man siya nagsasabi ay alam ko na kung ano 'yon. Wala ng pulso ang binata. The space lab monitors connected to the patient says it, too. Alam naming lahat na wala na. Sa itsura niya pa lang pagpasok kanina ay malabo na. Still, I spent a full minute listening to the young man's breathing sounds and heart sounds which can no longer be heard. With a heavy heart I said it, "I'll pronounce the patient's death." Some time after, I went to the handwash station. Hindi ko alam kung anong oras na pero inabot na kami ng umaga. Puro dugo ang gloves at medical gown ko na sinigurado kong may proper disposal. Naghuhugas na ko ng kamay nang lapitan ng nurse na sa pagkakaalam ko ay pinsan ni Nurse Theo. "Yung family ni Mr. Dela Cruz gusto po kayong makausap, Doc." tukoy niya sa yumaong pasyente kanina. "Sige, susunod ako." Tinapos ko agad ang paghuhugas ng kamay para humarap sa pamilya nang malinis na ang itsura. Alam kong mag-uusisa sila sa nangyari sa binata. Kakailanganin nila ang pakikiramay ko para maunawaan na hindi siya naghirap at ginawa namin ang lahat. That being said, ako pala ang hindi handa sa mga salitang matatanggap ko sa ina ng namayapa. Naabutan ko siyang humahagulgol sa entrance ng emergency room kasama ang hula ko ay asawa niya. Nang mamataan nila ako ay sila na ang nagkusang lumapit sa'kin. "Ikaw si Doktora Calixta Montalvo?" the mom asked, weeping so loudly everyone in the ER can hear it. "Ako nga po, Mrs. Dela Cruz. I'm sorry for your lo—" "Bakit hindi mo siya niligtas?" she cut me off. "Susan." awat sa kanya ng asawa. I slightly raised my hand telling him that it's okay to let his wife speak. I understand the mother's frustration. I really do. But I was taken aback when she grabbed my collar and forcefully pulled me by the neck. Nataranta ang mga nurse at security guard; nagmamadali nila siyang inawat na ayaw pa rin ako pakawalan. Hindi naman ako nasasakal kaya hinayaan ko lang siya. Nawalan din ako bigla ng lakas para magpumiglas. "Hinahangaan ka pa naman ng anak ko, Doktora!" "Huminahon kayo, Misis. Pag-usapan natin 'to." "Sabi ni Kevin maganda ka raw, matalino, at napakahusay na doktor! I-Isa siya sa highschool students na na-inspire niyo sa career orientation program no'ng nakaraang taon." she went on. "S-Saan?" "Sa Sunvalley Technical School." Inalala ko kung saan 'yon at kung anong activities ang ginawa ko ro'n. Nang pumasok sa isip ko ang itsura ng binata kanina na duguan at kalahating mukha na lang ang buo ay nanumbalik sa'kin na nakilala ko na nga siya dati. Sa orientation program ay isa siya sa mga batang nagtaas ng kamay na gusto rin maging family medicine doctor kagaya ko. Naalala ko ang sigla ng itsura noong mga panahon na 'yon. Agad kong naikumpara ang dating Kevin sa itsura niya kanina bago siya tuluyang malagutan ng hininga. Nanlamig ang buong katawan ko nang mapagdugtong-dugtong ang mga pangyayari. "Bumibiyahe ang anak ko kaninang madaling araw pauwi galing sa call center na pinagtatrabahuan niya. Nagwo-working student siya dahil gusto niya pumasok sa med school. Dahil binigyan mo siya ng pangarap na maging kagaya mo!" "I-I didn't know, Misis." Nanlisik ang mga mata ni Mrs. Dela Cruz. "Wag niyong inuuto ang mga bata na maging kagaya niyo, Doktora, kung kayo mismo hindi kayang magligtas ng tao!" People are circling us and it's suffocating me. I completely lost my cool over this, it has never been like this before. This one's different because I directly led that kid to his death. I, someone he looks up to, was there but even I couldn't save him. Ako pa ang nag-announce ng time of death niya. He would have lived longer if I hadn't inspired him to be like me. Baka nga tama si Mrs. Dela Cruz. Kasalanan ko ang pagkamatay ng anak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD