Hindi natapos sa araw na 'yon ang panggigipit ni Papá sa'kin. He might not say the words directly but he knew full well how to put a leash on my neck to maintain a tight control over me. Palagi niya na ko pinapupunta sa bahay, ginagamit na dahilan si Mamá na nami-miss daw ako. Kapag nahimigan niya nang tatanggi ako ay ilang minuto lang tatawag na sa'kin si Mamá para makiusap na dumalaw ako ro'n. Madalas doon na rin nila ko pinagpapalipas ng gabi kesyo wala pa kong kotse. Napupuyat kami ni Alexa sa pagkukwentuhan tungkol sa college life niya hanggang sa makatulog na lang kaming magkatabi sa kama ko. Kinabukasan, magigising kami sa napakabangong almusal na niluto ni Mamá at pagsasaluhan namin ang ilan sa mga 'yun na sinangag, mainit na tsokolate, longganisa, pandesal, at champorado. "Tuso