Nagtugma uli ang schedule namin ni Karina kaya pagka-signout ko ay saktong patapos na rin siya sa duty. Nasa resident's work area ako, hinihintay lang siya na nagha-handoff pa ng patients sa team na kapalit namin. Si Dra. Tory lang ang naabutan ko sa lounge at himala ay tahimik siya. Gumagana na ang coffee maker dito sa kitchen pantry kaya hindi ko na kinailangang bumaba pa sa cafeteria na siguradong pinipilahan ng mga non-professional service staff para mag-breakfast dahil 8 AM ang office hours nila. Nagtimpla ako ng dalawang baso ng kape. Maingat kong nilapitan si Dra. Tory pagkatapos. "Hi, Doc. Kape tayo?" alok ko sa kanya. "Thank you, Doc. Ang sweet mo naman." Tinanggap niya ang kopita na siyang nagpangiti sa'kin. I sat across the table, careful to initiate a conversation because