I didn't have time to prepare my body and mind to what's waiting for me on that hotel room. Tanghali na ko natapos sa pagra-rounds kaya pag-uwi ko ay wala nang pahi-pahinga o tulog pa, nag-shower na lang ako at nagbihis para makipagkita na kay Yvon na ilang araw na rin akong hindi kinukulit. Wala pa rin akong service vehicle at hindi man lang siya nag-alok na sunduin ako ngayon kahit alam niya naman 'yon. That made me a bit disappointed. "Ok, stop being so clingy, Cal." saway ko sa sarili. Bago umalis ay kinarga ko si Chubs at pinupog ng halik. He used to push me away with his paws whenever I try to kiss him but that didn't happen today. I guess he misses me, too. Palagi akong wala nitong nakaraang mga araw kaya hindi ko na siya nabibigyan ng sapat na atensyon at alaga. Thank goodness