Steffany’s Point of view “Pasensya ka na ha, maliit lang kasi itong bahay ko.” Hinging paumanhin ng taong tumulong sa akin, kumakamot pa ito sa kanyang ulo na tila nahihiya sa akin habang panay ang palihim na sulyap niya sa mukha ko kaya tuloy hindi na ako komportable. “A-ako dapat ang humingi ng paumanhin sa iyo, dahil sa akin nagkaproblema ka pa. Maraming salamat at pag tulong mo sa akin tatanawin ko itong utang na loob sa’yo.” Nakangiti kong saad, humarap siya sa akin saka matamis na ngumiti. “Naku wala ‘yun, ang importante ligtas ka, by the way, ako nga pala si Alfred.” Pakilala niya sa akin bago inilahad ang kamay nito sa aking harapan. “Steffany.” Tipid kong sagot na tinanggap naman ang kamay nito, ngunit napansin ko na nakatulala siya sa mukha ko kaya lumalim ang gatla ng aking