Steffany’s Point of view “Isang linggo ang matulin na lumipas, naghilom na ang mga sugat at pasâ ko sa katawan ngunit nanatili ako sa loob ng kwarto ni Hades. Hindi niya pinahihintulutan na makapasok ang ibang tao sa silid nito maliban sa isang katulong na naghahatid ng pagkain para sa akin. Ginawa akong preso nito sa loob ng kanyang kwarto at maging si Daddy ay walang nagawa sa naging desisyon ng kanyang anak. Sa loob ng isang linggo na pamamalagi ko dito ay ni minsan hindi ko man lang nasilayan ang aking anak. Ipinagdamot sa akin ni Hades ang aking anak kaya labis akong nasasaktan, pakiramdam ko ay para na akong mababaliw sa tuwing naririnig ko ang iyak nito. Katulad ngayon kasalukuyan kong naririnig ang iyak ni baby Heussaff kaya hindi na ako mapakali sa aking kinauupuan. Sabik na