EPISODE 1

1141 Words
EPISODE 1 THE FANGIRL OLIVIA NOELLE’S POINT OF VIEW. “Mag-iingat ka sa Maynila, Olivia. Huwag kang magpapagutom at alagaan mo ang iyong sarili,” sabi ni Sister Maria habang mangiya-ngiyak na nakatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanya at niyakap siya.  “Huwag kayong mag-alala, Sister, aalagaan ko po ang aking sarili at magiging maayos lang po ang buhay ko roon,” malambing kong sabi sa kanya upang hindi na siya mag-aala pa sa akin. Luluwas na ako sa Maynila upang doon na manirahan at mag trabaho. Napagpasyahan ko na kasing umalis dito sa bahay ampunan na naging tahanan ko simula noong ako’y bata pa. Hindi naman pwedeng habang buhay ako rito kina Sister dahil matanda na ako at nakapagtapos na rin ako sa aking pag aaral sa kolehiyo. Natanggap na ako sa pinag a-apply-an ko na trabaho ro’n sa Maynila na call center agent. Meron na rin akong nahanap na matutuluyan ko na apartment at pasok lang ito sa aking budget. “Hija, hahanapin mo pa rin ba siya?” mahinang tanong ni Sister sa akin. Kilala ko kung sino ang kanyang tinutukoy kaya malungkot akong ngumiti habang nakatingin pa rin sa kanya. “Hindi naman masamang umasa, Sister, diba? Wala namang imposible sa mundong ito kaya habang buhay pa ako, hahanapin ko po siya. Nangako kami sa isa’t isa, Sister, at hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko pa rin ang pangakong iyon. Naniniwala akong mag kikita ulit kami ni Cole,” wika ko kay Sister at ngumiti sa kanya. Bumuntong hininga siya at muli akong niyakap. “Mag iingat ka ro’n palagi, Hija. Huwag mong pabayaan ang sarili mo. Kapag may masamang nangyari, h’wag kang mag dalawang isip na manatili doon, umuwi ka kaagad dito.” Ngumiti ako at nagpasalamat ulit kay sister. Nagpaalam na ako sa kanya pati na rin sa mga bata rito sa bahay ampunan.  Nang makarating ako sa Manila ay nagsimula na akong kumayod. Kailangan kong mag sikap dahil ako lang mag isa rito sa syudad at wala akong paghihingian ng tulong kapag nagkasakit ako o kung kailangan ko man ng pera. Nagkaroon ako ng iba pang trabaho rito sa syudad kagaya ng pagiging waiter sa isang restaurant at cashier sa isang convenience store.  Sa loob ng isang taon na pananatili rito sa Manila ay nakayanan ko ito at hindi ako sumuko. Sa isang taon ko rin dito na pananatili ay nahanap ko na si Cole, si Cole na kababata ko at ang aking childhood crush. Pero sa kasamaang palad ay mukhang impossible na talagang mapalapit ako sa kanya dahil isa na siyang sikat na artista at singer. Siya ang sikat na si Cole Griffin, ang lalaking hinahangaan ng maraming kababaihan. Noong nasa bahay ampunan ako ay wala akong kaalam-alam sa pangyayari sa industriya ng pag aartista o sa showbiz dahil walang TV doon sa probinsya at wala rin kaming pakialam sa mga ganoong bagay. Kaya nang makita ko si Cole sa isang billboard ay hindi talaga ako makapaniwala sa aking nalaman. “Ang mahal naman ng ticket ni Cole!” nakasimangot na sabi ng aking kaibigan na si Koline. Nakatingin siya sa aking cellphone nang mag inquire ako sa website kung saan makakabili ng ticket para sa nalalapit na concert ni Cole rito sa Pinas. Matagal na kasi siyang hindi nakakauwi rito sa Pilipinas dahil naging busy siya sa kanyang taping sa isang lugar sa Romania para sa isang fantasy series na ipapalabas exclusively sa Netflix. Proud na proud ako sa narating ni Cole ngayon sa kanyang buhay. Nakikita ko talaga kahit sa TV lang at sa mga interviews niya na masayang masaya siya sa achievements na narating niya sa kanyang buhay. Noong bata pa kami ay magaling na talagang kumanta si Cole kaya masaya ako na nalamang pinagpatuloy niya pala ang kanyang talento sa pag kanta. “Bibilhin mo ‘yan, Olivia?! Ang mahal niyan! Oh my gosh! 17 thousand pesos para lang sa isang gabi na concert?! Nahihibang ka na ba, Girl?!”  bulalas ni Koline. Napanguso ako at napatingin kay Koline. “Pinag iponan ko naman itong pambili ko ng ticket sa concert ni Cole, Koline. Nag laan talaga ako ng pera para sa kanya kaya wala kang dapat ipag-alala sa akin diyan. May pera pa naman ako rito para sa sarili ko at para sa mga gastusin ko rito sa apartment,” sabi ko kay Koline at nginitian siya. Inaasahan ko na talaga na may mangyayari na concert pagbalik ni Cole rito sa Pilipinas kaya habang hindi pa siya nakakauwi rito at busy siya sa kanyang taping, ako naman dito ay nag iipon para may pang gastos ako kapag may concert nga na mangyayari at meron na nga! Hindi lang ito simpleng concert dahil may special meet and greet din na mangyayari sa unang makakabili sa SVIP ticket para sa concert at nakuha ko iyon! Gusto kong maiyak sa tuwa dahil hindi ko akalain na makukuha ko nga ang ticket na iyon. May chance na talaga ako na makita si Cole! Kapag nagkita na kami ay sasabihin ko sa kanya na ako si Elle, ang babaeng kababata niya at ang babaeng pinangakuan niyang papakasalan. “Olivia, worth it ba talaga mag waldas ng pera para kay Cole Griffin?” malungkot niyang tanong habang nakatingin sa akin. Bahagya akong ngumiti sa kanya. “Mahal ko siya, Koline. Ako ang number one fan niya at gusto kong suportahan siya sa lahat ng ginagawa niya. Kahit sa ganitong paraan man lang ay maiparamdam ko sa kanya na nandito lang ako para suportahan siya at ipagtanggol siya,” seryoso kong sabi sa aking kaibigan. Bumuntong hininga siya at umiling na lang at hindi na muling nagsalita pa. I’m Cole Griffin’s number one fan. I may not have so much money, but I’m always here to support Cole silently. Yes, my first goal was to find him and introduce myself to the girl he promised to marry with, but when I learned about his work, being a great actor and a singer, I fell in love with Cole more. I realized that I wanted to support him more in what he is doing right now.  Kaya kong tanggapin kung ano man ang magiging kapalaran ng buhay naming dalawa, pero sa ngayon ay susubukan ko pa rin na magpapakilala kay Cole, susubukan ko kung naalala niya pa ba ako, ang kanyang Elle. Wala akong naramdaman na pagsisisi sa pag gastos ko ng ticket para kay Cole. Normal na siguro sa mga fangirl na katulad ko ang mapagastos talaga sa mga ini-idolo. Hindi naman kami humihingi ng kapalit, gusto lang namin maiparamdam sa kanila na mahal namin sila. Kung ano man ang mangyari sa pagkikita namin ni Cole ay bahala na! Tatanggapin ko kahit hindi na niya ako makilala kaya mag hahanda na ako sa magiging possible niyang reaksyon kapag nagkaharap na kaming dalawa.  TO BE CONTINUED...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD